Chapter 39: Conversation

43 22 12
                                    

B1A4's Concert

Mataas ang adrenaline ng lahat dahil halos 30 minuto na lang ay mag-uumpisa na ang concert ng grupo. Isa si Kalih sa napili ng agency nila na maging bahagi ng concert na iyon na sya namang ikinasaya niya. Sandali niyang nakalimutan ang bigat ng pinagdadaanan niya para makapagfocus doon. Malaking tulong na nandyan si Baro para sa kanya at hindi siya iniwanan o pinababayaan na mag-isa. Nakatitig siya ngayon sa lima na tila ba naghahuddle bago mag umpisa ang concert, kanina ay nakita niya sila Chinee at Rem pero umalis din agad ang mga ito at biglang nawala. Nakita niya rin si Yesha na alam niya ay bahagi ng solo performance ni Jinyoung. Matapos ang engkwentro nila sa cafeteria ay sinikap niyang iwasan ito dahil sa maaaring malagay sa alanganin ang pagiging trainee niya. Tapos ng maghuddle yung lima, damang dama sa mga ito ang nag-uumapaw na excitement.

" Kalih, good luck later ah." Narinig niyang sabi ni Channie. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

" Sa inyo din." Sabi ni Kalih sa maknae ng grupo.

Nagulat si Kalih at Gongchan ng may biglang naghiwalay sa magkahawak nilang kamay. " Yah! Kailangan talaga hawakan mo pa ang kamay niya?" Seryosong sabi ni Baro kay Channie.

" Bakit nagseselos ka ba Hyung?" Lalo pang tinukso ni Gongchan si Baro ng akbayan siya nito.

" Gong Chan Shik! Kapag hindi mo binitawan si Kalih may kalalagyan ka sa akin." Pagbabanta nito. Sa halip na matakot ay natawa lang ito pero binitawan na si Kalih.

" Okay! Okay!" Sabi nito habang tumatawa. " Ayan na, binitawan na."
Tapos ay umalis ito para puntahan yung iba.

Lumapit naman si Baro sa natatawang si Kalih. " Ready?"

Tumango lang ang dalaga. Dalawang kanta ang number nila ni Baro isang english tapos ay yung isang kanta nito . Ilang araw nilang prinaktis ang performance nila kaya pakiramdam niya ay handang handa na siya.

" Stand by guys." Sabi ng isang staff. Hudyat iyon na magsisimula na ang concert.

Tanging hiyawan ng mga fans ang umalingawngaw sa buong stadium ng magsimula silang kumanta.

I just find my Love...

Ilang kanta pa ang pinerform ng lima bago tapos ay nagkulitan sa stage at nakipag interact sa mga fans nila. Saglit pa ay isa-isa na silang nagperform. Nauna si Gongchan tapos ay sila ni Baro.

" We're up next." Sabi ni Baro sa kanya ng malapit ng matapos ang kanta ni Gongchan.

Tumango lang si Kalih. Hinawakan ni Baro ang kamay niya at hinila siya patungo sa bukana papasok sa stage. Iniwan siya noon doon at naunang lumabas. Hiyawan ang mg tao pagkakita dito. Sandaling kinausap ni Baro ang mga ito habang nakangiti naman siyang tinignan ni Gongchan ng pabalik na ito sa backstage, he mouthed "fighting" para i-cheer siya. Humugot ng malalim na buntong hininga si Kalih kasabay ng pag uumpisa ni Baro.

Pumasok ang intro ng Just the Two of Us na kanta nito at nagsimulang bitawan ni Baro ang mga linya nito.

Naglakad si Kalih papasok sa stage bandang chorus part at nagsimulang kumata. Nakatitig at nakangiti si Baro sa dalaga habang palapit ito sa kinaroroonan niya. Naghiyawang muli ang mga tao ng sabay silang magsayaw sa saliw ng awit na iyon habang patuloy sila sa pagkanta.

Napansin naman ni Kalih na nasa harapan si Chinee kasama ang kaibigan nitong si Rem. Nakangiti ito sa kanya habang pinapanuod sila ni Baro.

Patapos na ang kanta, kumilos si Baro pa lumapit kay Kalih at hinawakan ito sa kamay tsaka hinila palapit sa kanya. Kasabay ng pagtapos ng kanta ay ang paglapit ng katawan nila ni Baro tsaka tumitig sa kanya. Hiyawan ang muling narinig ni Kalih at Baro pagkatapos ng performance nila.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon