Chapter 23: Hello! Kitty.

48 32 23
                                    

Kalih's POV

Mag aalas otso na ng gabi ng makarating kami ni Sandeul sa Dorm. Pagbukas ng pinto ay nabungaran ko kaagad si Channie na nakasimangot at nanunuod ng TV, nakaupo ito sa sofa.

" Channie? Ayos ka lang ba?" Tanong ko pagkatapos umupo sa tabi nito.

" Bakit iniwanan niyo ako?" Nagmamaktol na sabi nito.

Magsasalita pa sana ako ng biglang pumadok si Sandeul. Hindi nito pinansin si Channie na tila lalong kinainis nito.

" Yah! Hyung!" Sabi nito kay Sandeul.

Huminto ito at tila inosenteng tinignan si Channie. " Bakit?" Tapos ay ngumiti.

" Aissshhh! Nakakangiti ka pa talaga eh!" Tumayo ito tapos ay naglakad patungo sa silid nito pero bago ito tuluyang makapasok doon ay muli itong humarap at sinabing nasa rooftop si Baro at hinihintay siya.

Isang malakas na balabag ng pinto ang narinig namin pagkatapos niyang sabihin iyon.

" Aigoo! Si Channie parang bata." Bulalas ni Sandeul. Tapos ay tumongin ito sa akin. " Wag mo ng pansinin yun. Okay na yun bukas, tignan mo." Sabi nito tsaka nagpaalam na papasok na sa kwarto nito.

Umakyat ako sa rooftop. Nakita ko agad si Baro na nakaupo at nakatingala sa langit. Tumikhim ako para ipaalam sa kanya na nandoon ako.

" Kanina pa kita inaantay." Malamig na sabi nito.

Lumapit ako at umupo sa tabi nito. Nakita kong seryoso ang mukha niya ng tignan niya lang ako at hindi nagsalita.

Nagyuko ako ng ulo. Ayokong salubungin ang mga titig niya sa akin. May ilang sandali pa kaming ganon ng tumayo sya, marahil ay para bumaba hindi ko na sya pinigilan pa ng maglakad sya palayo sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos ay tumayo ako malapit sa railing ng rooftop. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Ilang saglit na pinagmasdan ang mga ilaw na matatanaw mula doon. Napasinghap ako ng may maramdaman akong mga kamay na yumakap sa akin mula sa likuran, sa hawak pa lang nito ay alam na alam ko na kung sino iyon. Ramdam ko pati ang pagsandig ng ulo nito sa balikat ko.

" I missed you." Mahinahong sabi nito sa akin tsaka dinampian ng halik ang balikat ko na kanina ay pinagpapatungan ng ulo niya. Kahit pa may damit iyon ay ramdam ko ang init ng labi ni Baro.

" S-sorry, hindi ko naman gustong mal-"

" Shhhh... It's okay. I just missed you so bad kaya nabadtrip ako." Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa beywang ko.

Pumihit ako paharap para sulyapan ang mukha nito. Niluwagan niya ang pagkakayakap sa akin para makapihit ako paharap sa kanya. Hinawakan naman niya ang mga pisngi ko at mabilis akong ginawaran ng halik sa mga labi.

" Hindi ka ba napagod sa lakad niyo ni Sandeul?" Sabi nito sa akin. Nakita kong ngumiti pa siya sa akin.

Umuling ako at nagkwento. Sinabi kong nakilala ko si Ken at Jin. Sinabi ko ding nakita ko si Yumi pero hindi ko na inopen ang ginawa nito dahil ayokong mag alala pa siya sa akin. Nakita kong tumango tango siya habang nagsasalita ako. Maya maya pa ay niyakap niya ako ng mahigpit.

" Ikaw? Kamusta ang araw mo?" Ako naman ang nagtanong dito. Halata kasi sa mukha nito na pagod ito.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga tsaka nagsalita.

" Well, everything's fine. Mas magiging hectic lang yung sched namin lalo na ako dahil sunod-sunod ang magiging broadcasts ko. Tapos may reality show pa kaya nakakapagod din." Paliwanag nito.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon