Chapter 51: What Happened?

37 16 12
                                    

Pinauna na niya si Gongchan at ang babaeng tinawag nitong EunJi. Dala na din ng mga ito ang coffee na binili niya para sa grupo. Nagtungo siya sa CR sa floor din kung saan nandoon ang practice room nila.

"Look who's here?" Nadinig niyang sabi ng isang babae na tingin niya ay galing sa pinto ng Restroom .

Tiningnan niya ito at hindi na siya nagtaka kung bakit pamilyar ang boses nito.

Si Yesha...

Nandito pa pala siya? Wala talagang hiya... bulong niya sa sarili niya.

Nagpatuloy siya sa paghuhugas ng kamay at hindi siya nagsalita ng muli niya itong marinig.

"It's been what? 1 year already? At may mukha ka pa talagang pumunta dito after what you did to me?" Sabi nito. Bahagyang lumapit ito sa likuran niya at tinignan ang repleksyion niya sa salamin.

"Wala ka pa ding pinagbago Yesha. Ganyan na ganyan pa din yang ugali mo." Sinabayan niya ang bawat tingin nito na tila ba sinasabing hindi na siya natatakot dito.

"At ikaw ganon ka pa din. Walang pinagbago. Mukha ka pa ding talunan." Sarkastikong sabi nito.

"Same as you are! Wala din namang nagbago sayo, masama pa din ang ugali mo." Sabi niya dito at tinapos na ang paghuhugas ng kamay. Tapos ay humarap siya dito at tinignan niya si Yesha tsaka siya akmang naglakad palabas ng restroom.

Hinabol siya nito at hinablot ang braso niya. Tapos ay tinignan siya ng masama. Halatang napikon ito sa huling sinabi niya.

"How dare you?" Sabi nito

"Oh, ano nanamang gagawin mo? Aawayin mo ako, tapos gagawa ka nanaman ng fake na aksidente at isisisi mo ulit sa akin? Aren't you getting tired Yesha?" Bulalas niya dito.

"That wasn't a fake accident. You pushed me." Bulalas nito.

" I pushed you because I saved you!" Pinalis niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya at muling hinarap ito. "You know what happened that day Yesha. Alam kong alam mo kung ano ang totoo."

"But that's not what they think happened. Sa mata nila kasalanan mo kung bakit naaksidente ako. Sa mata nila ikaw ang may kasa-"

"Because of your made up story. You made them believed na kasalanan ko ang nangyri sayo when in fact alam natin na aksidente ang nagyari." Mariing sabi niya kay Yesha.

"Poor you! Pero walang naniwala sayo hindi ba? Not even Baro." Nagsimula itong magpakawala ng nakakainis na ngiti.

Samantalang tila may kumirot sa dibdib niya ng banggitin nito ang pangalan ni Baro. Tila ba para itong kutsilyo na nag-iiwan ng mumunting sugat sa puso niya.

"Pero thanked God hindi tumagal ng husto ang kasinungalingan mo. Marunong ang Diyos at walang lihim na di nabubunyag. From what I've heard naapektuhan ang career mo when the truth came out. Kaya nagulat ako when I saw you here today." Siya naman ang nang-inis dito Mukha namang nagtagumpay siya dahil nakita niyang namula si Yesha ng marinig ang sinabi niya.

Umangat ang kamay nito at akmang sasampalin siya pero maagap niya itong nahawakan. Sapo niya ang pulsuhan nito at mariin niyang hinawakan iyon.

"Matagal na akong graduate sa pambubully mo Yesha. And never will I allow you to lay your hands on me ever again." Matalim na sabi niya dito.

Nakuyom ni Yesha ang kamay nito na hawak niya tsaka binawi iyon.

"You're still nothing compared to me. Wala ka pa din sa kalingkingan ko." Bulalas nito.

"Oh don't worry. I don't have any plans of being like you. As a matter of fact I'm far from being like you!" She grin. Alam niyang nagpupuyos na sa inis si Yesha. "Excuse me." Sabi niya tsaka naglakad upang tuluyan ng makalabas ng restroom.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon