Chapter 34: I Love You

43 22 22
                                    

Nakatitig lang si Baro sa kamay ni Jeonghan na nakahawak naman sa braso ni Kalih. Nagsalitan ang tingin niya sa dalawang lalaking nasa harapan niya.

" Bitawan mo siya." Seryosong sabi ni Baro dito.

" You should be the one that's letting her go. Can't you see na nasasaktan mo siya." Tugon naman ni Jeonghan. He even gazed at her as if he's asking Kalih silently if she's okay.

Doon lang narealize ni Baro na mariin ang pagkakahawak niya kay Kalih. Niluwagan niya iyon ngunit hindi binitawan ang pulsuhan nito.

" Now you can let her go." Utos nito kay Jeonghan.

Binitawan ni Jeonghan ang kamay ni Kalih at tinignan nito ang dalaga. Samantalang tumango lang si Kalih dito na para bang sinasabing ayos lang siya.

" Are you sure you're going to be okay?" Dinig na dinig ni Baro na tanong ni Jeonghan kay Kalih. Tila naman nagpanting ang tenga niya.

Hinarap ni Baro si Jeonghan at matalim na tinitigan ito. " At bakit naman hindi siya magiging okay?"

" I'm just asking her, wala akong ibig sabihin sa sinabi ko."

" You sound as if parang may gagawin akong hindi maganda kay Kalih.  Bakit sino ka ba?" Naghahamon ang bawat tono ng boses niya.

Pumagitna naman si Kalih sa kanilang dalawa, nag-aalala ito na anumang oras ay magpang-abot ang mga ito pero nanatili mahinahon si Jeonghan.

" Hey, Walang nagsabing may gagawin kang masama sa kanya. Ang sa akin lang do not drag her as if you own her." Sabi nito kay Baro tapos ay bahagya itong umatras ng makitang pumagitna si Kalih.

Magsasalita sana siya ngunit muling pumagitna si Kalih.  " Baro tama na." Awat ni Kalih sa kanya. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. Tapos ay hinawakan siya nito sa braso at bahagyang itinulak tsaka humarap kay Jeonghan. " I'm sorry, m-mauuna na kami."

Tumango lang ito. Bakas pa din sa mukha ni Jeonghan ang pag-aalala para sa dalaga. Matapos magpaalam kay Jeonghan ay hinila ni Kalih si Baro patungo sa sasakyan nito.

Nakalayo na sila ng hawakan muli ni Baro si Kalih. Iginiya niya ito sa passenger's seat, binuksan ang pinto noon tsaka nagsalita.

" Sakay." Maiksing sabi nito.

Sandaling hindi gumalaw si Kalih at tinignan lang si Baro. Wari ay hindi nito maintindihan kung bakit siya nagkakaganon. At kung bakit tila galit na galit siya.

" Bingi ka ba? Ang sabi ko sakay!" Ulit nito.

Tumalima si Kalih at napilitang sumunod dito. Inayos niya ang seatbelt niya pagkasakay ng kotse, hindi na din siya nagsalita pa dahil naisip niyang baka lalo lang silang magkainitan ni Baro.

Padabog na isinara nito ang pinto ng kotse tsaka pinaharurot ang sasakyan. Ramdam ni Kalih ang emosyon ni Baro habang nagmamabeho ito. Hindi ito nagsasalita pero sapat na ang pagtahimik nito para ipabatid nitong galit ito.

Pero bakit naman siya magagalit? Saan? Kanino? Sabi ng isip ni Kalih.

Hindi naman alam ni Kali kung gaano  katagal ang biniyahe nila. Namalayan na lang ni Kalih na nasa tapat na sila ng dorm ng B1A4.

Naunang lumabas si Baro ng sasakyan. Hindi na nito hinintay si Kalih at nauna ng umakyat. Tinignan lang ni Kalih si Baro tsaka isinara ang pinto ng kotse nito. Umakyat si Kalih sa dorm at nakitang nasa hagdanan pa din si Baro na tila ba hinihintay ang pag akyat niya. Napahinto siya at tinignan ito.

" Bakit magkasama kayo ng lalaking iyon? And why is he holding your hand?" Narinig niyang tanong nito. Nanatili itong nakatalikod sa kanya.

" A-anong ibig mong sabihin?"

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon