Chapter 12: Drifting

62 39 28
                                    

Tinawagan ni Kalih si Jana, tinanong nito kung nasaan siya. Hindi naman niya masabing magkasama sila ni Baro kaya nagdahilan na lang siya.

" T-tumawag sa akin si papa. Nakipagkita lang ako sa kanya sandali." Pagsisinungaling niya dito. Ito lang kasi ang alam niyang rason para hindi na magtanong ang kaibigan kung nasaan siya.

Binaba niya ng telepono niya. Tinignan niya si Baro na nakaupo naman sa hood ng sasakyan nito. Kumalma na ito at tumigil na din sa pag iyak. Hindi pa rin niya maintindihan kung anong nangyayari. Naalala niya ang tagpong naabutan niya kanina sa rooftop. Bakit parang pakiramdam niya ay hindi lang basta simpleng misunderstanding ang nangyari tulad ng sinabi ni Baro sa kanya kanina. Pakiramdam niya ay may malalim pang dahilan bakit nagkakaganon ito.

Nilapitan ni Kalih si Baro. Mataman lang siyang tinignan nito pagkatapos ay bumaba ito sa pagkakaupo sa hood ng kotse.

" Umuwi na tayo. Hinahanap na nila tayo." Sabi niya dito. Akma na siyang lalakad patungo sa loob ng sasakyan ng kabigin siya ni Baro payakap dito.

Ikinabigla niya iyon. Sandaling hindi siya nakakilos.

" Five minutes. Just give me five minutes. " Sabi nito. Naramdaman ni Kalih ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.

Hinayaan niya lang ito. Marahil dahil alam niyang may pinagdadaanan ito. Pero kung normal ito ay malamang nasapak na niya ang binata.

Yumakap siya dito. Inalo at tinapik ang likod ni Baro. " Kung ano man yang gumugulo sayo. Just let it go. Matatapos din yan lahat." Sabi niya dito.

" It's easier said than done." Maiksing tugon nito.

" Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo kanina sa rooftop. At wala ako sa posisyon para sabihin sayo kung ano ang dapat mo maramdaman o gawin. Pero sa pagkakakilala ko sayo. Hindi ikaw yung tipo na magpapatalo basta basta." Bulong ni Kalih dito. Kahit papaano ay gusto niyang pagaanin ang loob nito.

" Kalih." Tawag ni Baro sa pangalan niya.

" Hmmm..." humiwalay siya ng marinig iyon.

Imbis na magsalita ay niyakap ulit siya ni Baro. " Yah! Tapos na yung five minutes mo."

" Pero hindi pa tapos ang birthday mo." Maya maya pa ay sabi nito. Binitawan siya nito at pumunta sa sasakyan. Maya maya pa ay bumalik ito sa kinaroroonan niya, may dala na itong paper bag tapos ay inabot iyon sa kanya.

" Happy Birthday liit." Bati nito sa kanya.

" Kanina lang hindi maipinta yang mukha mo tapos ngayon binabati mo ako?" Sabi niya dito.

" Tatanggapin mo ba to o hindi." Naiinip na sabi nito. Hindi niya kasi kinukuha sa kamay nito yung paper bag.

Kinuha niya iyon, sinilip ang laman at binuksan.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung ano ang laman ng paper bag.

Yung sapatos na gustong gusto niya.

" Pa... Papaanong?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Hindi siya makapaniwala na ito ang nakabili ng huling pares ng sapatos na gusto niyang bilhin.

" Hindi kasya kay Yoonji, kaya sayo na lang." Bulalas nito. Tapos ay nag iwan ito ng tingin.

Ngunit alam niyang hindi yun totoo. Alam niyang binili nito ang sapatos para sa kanya.

Sa sobrang tuwa ay nayakap ni Kalih si Baro. Na siya namang kinagulat nito. Narealize naman agad ni Kalih yung ginawa niya kaya kumalas agad sya doon.

" T-thank you."

" You're welcome liit." Tapos ay hinaplos nito ang ulo niya at ginulo ang buhok niya.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon