Chapter 50: Nothing Like Us

35 15 10
                                    

Nakalabas na si Baro ng restaurant ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Naiinis na napapalatak si Baro at walang nagawa kundi ang bumalik sa loob.

"Aiiisssshhh!" Bulalas niya at ng tila wala ng magawa ay muli siyang bumalik sa loob upang pumasok.

Nakangiting tila nang-aasar na tinignan siya ni Gongchan. Maging si Sandeul ay ganon din.

"O bakit bumalik ka, akala ko ba mauuna ka na?" Natatawang sabi nito sa kanya.

"Wag mo akong pikunin Channie. Ang lakas ng ulan hindi ako makaalis." Padabog siyang bumalik saupuan niya kanina at pumangalumbaba.
-----

Kalih's POV

"Kalih, dumalaw ka sa WM. Namimiss ka na daw nila Morgan hyung at ni Ren." Sabi ni Shinwoo sa akin.

Nginitian ko ito at sinabing, "Sige pupuntahan ko sila bago ako magsimula sa mga schedules ko." Tapos ay nagpatuloy ako sa pagkain.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Sobrang saya ko na nakita ko ulit sila at sobrang sarap sa pakiramdam na nakasama ko silang lahat. Halos ilang taon ako sa Japan wala akong masyadong naging kaibigan. Lahat ng oras at panahon ko ay ginugol ko sa training ko at dahil na rin sa iba ang salita doon at kokonti lang ang nakakausap ko.

Lumipas pa ang ilang saglit at nagkayayaan na umuwi. Nangako akong makikipagkita sa kanila ng madalas.

"Kalih, sumabay ka na sa amin. Ihahatid ka na namin." Yaya ni Jinyoung sa akin. 

"Sige na. Mauna na kayo."

"Sure? Kasya pa naman tayo. Kayo ng tatlong girls sa backseat." Muli itong nagsalita at tila ba nagpupumilit na isabay ako.

"Okay lang talaga ako. Mauna na kayo. Out of way ang bahay ko." Muling sabi ko sa mga ito. Kunwari ay itinaboy ko pa sila para umalis na. 

"Okay. Mag-ingat ka. Pumunta ka ng WM ah." Sabi ni Jinyoung tsaka nagsimulang maglakad papunta sa pinto.

Nagsimula din magpaalam sa akin sina Rem at Chinee. Pati sila Sandeul at Gongchan. Niyakap pa ako ni Chinee at sinabing magkita ulit kami ng hindi kasama ang mag boys. Natawa lang ako lalo na ng marinig kong magreklamo si Jinyoung.

"Hyung ikaw?" Baling ni Gongchan kay Baro. Napalingon din ako ng magsalita ito.

"Dala ko yung kotse ko. Mauna na kayo." Baling ni Baro kina Gongchan at Sandeul. Nakita kong nag-iwas kaagad ito ng tingin. Katabi lang kasi ako nila Sandeul.

"Tamang tama, ihatid mo na si Kalih." Kaswal na sabi ni Sandeul at tumango naman si Gongchan.

Agad naman akong tumanggi ng marinig ko iyon. "H-hindi na kailangan. Kaya kong umuwi. Malapit lang naman yung bahay ko.               M-magtataxi na lang ako."

"Taxi? Gusto mo sa amin ka na lang sumabay?" Yaya ni Gongchan.

"Hindi na nga. Bakit ba ang kulit niyong dalawa!" Natawa ako dahil ang kulit nilang dalawa. Naunang lumabas si Baro tapos ay kasunod kaming tatlo nila Gongchan at Sandeul. Hanggang sa makalabas kami ay nagpatuloy yung dalawa sa pagkulit sa akin.

"Ayos na nga ako. Wag na kayong makulit!" Saway ko sa mga ito.

Tapos ay may inabot si Sandeul na payong sa akin." Ayaw mo rin lang magpahatod. Gamitin mo na yan. Wag ka magpabasa." Sabi nito tapos ay bumaling kay Baro na noon ay nasa labas na din. "Ikaw din mag-ingat ka sa pagmamaneho. Baka maaks-"

"Umalis ka na nga Deullie, napakadaldal mo. Channie hilahin mo na tong bibeng to." Sabi nito sa mga kasama.

Nanatili naman akong nakatayo lang. Dalawa na lang kami ni Baro na tila ba naghihintay na tumila ang ulan ngunit tila hindi iyon mangyayari sobrang lakas ng ulan at tila walang balak na tumigil ito.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon