Chapter 46: Baro's Pain

34 18 7
                                    

Parang namanhid ang buong katawan niya nang marinig ang sinabi ni Jana. Aalis si Kalih? Pero san ito pupunta? Hindi na nagaksaya pa ng oras si Baro. Tumakbo siya palabas ng WM at mabilis na tinungo ang sasakyan niya. Hindi niya alam kung ilang oras o minuto na lang ang meron siya para habulin si Kalih at para pigilan ito. Hindi niya alam kung san hahagilapin ang dalaga pero di na niya iyon naisip. Ang alam niya ay kailangan niyang maabutan si Kalih.

Nakita niya pang binati siya ng nasalubong na si Channie ngunit hindi siya huminto.

Nasa kotse na siya at nagmamaneho patungo sa airport. Binilisan niya ang pagmamaneho. Pakiramdam niya ay pumapalo ng lampas  isang daan ang speed guage niya pero hindi niya iyon pinansin. Ang laman lang utak niya ay kung paano mahahabol at maabutan si Kalih. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya namalayan na may kasalubong siyang kotse, sa bilis ng takbo niya ay bigla niyang tinapakan ang preno ngunit hindi niya alam kung sapat ba iyon upang tumigil ang sasakyan niya....

-----

"Are you really sure about this Kalih?" narinig niyang muling tanong ni Jeonghan sa kanya ng makarating sila ng airport.

Tumango lang si Kalih, hindi nya gustong iwan ang mama niya lalo na't ngayong nagkita na ulit sila ngunit alam niyang mahihirapan lang siya kapag nanatili siya dito at hindi umalis. Alam niyang labis na siyang nasaktan sa mga nangyari sa kaniya, sa papa niya, sa training niya at sa kanila ni Baro. Na sa tuwing makikita niya ito ay wala siyang ibang mararamdaman kundi sakit. 

Hinatid siya ni Jeonghan hanggang sa check-in counter ng airport. 

"Mag-iingat ka okay, I'll follow you once natapos na ang lahat ng schedules ko." sabi nito sa kanya. niyakap siya nito tapos ay hinalikan sa noo. " Akira will be the one na susundo sayo sa airport pagdating mo don."

"Ingatan mo si Mama. Ikaw na muna ang bahala sa kanya." bilin niya dito. Tapos ay niyakap niya ito pabalik tsaka ngumiti bago pumasok sa gate patungo sa eroplanong sasakyan niya paalis. 

-----

Naipikit na lang ni baro ang mga mata ng bigla niyang tinapakan ang preno ng kotse niya bago pa ito mabangga ang kasalbong na sasakyan. mabuti na lang at kumagat ng maiigi ang preno niya dahilan para hindi bumangga sa kasalubong na sasakyan. Kasabay noon ay sunod na sunod na malalakas na busina ang narinig niya buhat sa muntik na niyang makabungguang sasakayan. Hindi niya magawang makalabas dahil sa alam niyang pwede siyang dumugin ng tao. Doon lang siya tila natauhan. Alam niya na kung ano ang sunod na mangyayari sa kanya. At tulad ng inaasahan niya, ilang saglit pa ay ay may mga press na sa lugar na iyon at tila ba inaabangan na lang ang paglabas niya. 

Kinatok ng enforcer ang kotse niya upang kausapin siya. Alam niya sa mga oras  na iyon na magiging laman siya ng iba't ibang balita dahil pagbaba pa lang niya ng salamin ng bintana niya ay sabay sabay na nagflash ang camera ng mga reporter na nandoon ng mabalitaang muntik na siyang makaaksidente. 

----

"My God Baro! Anong iniisip mo at nagpapatakbo ka ng over 100 sa highway!? Nagpapakamatay ka ba? Nasisisraan ka na ba ng ulo?" Galit na sabi ni Manager Lee. Kakarating lang nila ni Morgan mula sa presinto dahil kinailangan niyang pumunta doon para ayusin ang reklamo sa kanya ng muntik na niyang makabanggaan kanina at maging ang inihaing reklamo ng mga enforcer sa kanya dahil sa over speeding.

Hindi siya kumibo sa halip ay natutop niya ang ulo niya gamit ang dalawang kamay niya. 

" You're recklessly driving in this broad daylight! Anong naisip mo? Nasisiraan ka na ba?" Namumula na ang mukha ni Manager Lee sa galit pero hindi pa din niya magawang magsalita. Samut saring bagay ang pumapasok sa utak niya na tila ba dahilan ng hindi niya pag-iisip ng normal.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon