Chapter 14: Yesha

63 33 28
                                    

Kalih's POV

Kasalukuyang nakabreak mula sa dance practice ang B1A4 at lumabas sandali para magsukat ng ilang damit na gagamitin nila sa concert. Naiwan ako sa practice room kasama ang ilang dancers na kanina ay kasama ng mga ito na magpractice. Nasa isang sulok lang ako at nakaupo habang nakikinig ng music sa cellphone ko. Maya maya ay may natanawan ako biglang pumasok. Namukhaan ko agad na si Chinee iyon. Pero ang hindi nakaligtas sa akin ay ng pagtinginan siya ng mga babae sa di kalayuan sabay nagtawanan. Tapos ay namalayan kong nasa tapat ko na si Chinee.

" Nakita mo ba si kuya Shinwoo?" Tanong nito sa akin. Nakita kong may suot siyang ID na may nakalagay na STAFF. " Magpapaalam sana kasi ako sa kaniya."

" Nasa workstation ni Jinyoung Oppa." Sabi ko naman dito. Alam ko kasi ay doon ang tungo ng mga ito pagkatapos magfit.

Nilabas naman ni Chinee ang telepono niya at tila may tatawagan ng mapahinto siya dahil may lumapit na babae sa pwesto namin, isa iyon sa mga babaeng kanina lang ay nagtatawanan pagpasok ni Chinee. Maarte itong nagsalita. " Excuse me, pwede bang pakitapon na lang sa labas. Busy kasi kami." Sabay abot kay Chinee ng isang plastic bag na pakiwari ko naman ay puso basura.

Nakita kong tumaas ang kilay ni Chinee, kaya bago pa ito sumagot ay tumayo ako at kinuha ang plastic bag mula sa kamay nung maarteng babae at akmang lalabas para itapon iyon. Pero naramdaman kong hinawakan ako ni Chinee.

Nakipagsagutan pa ito sa babae. Halata naman sa mukha nung babae na napikon ito sa ginawa ni Chinee.

" Chinee." Tinignan ako ni Chinee ng tawagin ko ang pangalan niya. Marahan akong umiling ng lumingon siya sa akin. Ayokong magkaroon ng gulo dito. Ayokong madamay pa si Chinee at patulan ang mga feelingerang babaeng naroon at lalong ayokong malagay sa alanganin ang chance ko na maging trainee dahil lang sa masasangkot ako sa gulo.

Nang sa tingin ko ay naintindihan niya ako ay siya namang lapit ng iba pang mga kasama nung isang babae na kanina lang ay nakaupo sa kabilang sulok.

Tinanong nito yung kasama nila kung anong nangyayari at sa gulat namin ay nagsinungaling ito at tila maamong tupa na humihingi ng saklolo sa mga kasama.

Nakilala ko agad ang babeng iyon na walang iba kundi si Yesha. Lumapit ito sa amin ni Chinee tsaka nagsalita.

" Staff ka diba? Alam mo na pagod kami sa practice kaya dapat sumunod ka na lang." Sabi nito sa amin.

Kung hindi ko lang inaalala ang training ko ay papatulan ko talaga tong maarteng babaeng to. Bulong ko sa sarili ko.

Nagulat na lang ako ng sagutin iyon ni Chinee. Halatang nagpipigil lang din ito na patulan sila Yesha. Pero bakas doon ang inis. Lalo na nung lumapit ito sa amin.

Nasa tagpo silang nagsasagutan ng bumukas ang pinto at niluwa non si Morgan Oppa at ang B1A4. Pero hindi sapat ang pagdating ng mga ito para mapigilan pa ang inis ni Chinee. Nagpatuloy ito sa pagsagot kay Yesha, lalo na ng magsinungaling ito at baliktarin kami. Natapon pa ang pinag aawayan nilang plastic at sumabog ang laman non na basura. May tumapon pa na softdrinks mula doon.

" What's happening here?" Pasigaw na sabi ni Morgan Oppa ng tila walang gustong magpaawat.

Umarte nanaman si Yesha na tila ba aping api at sila pa ang kawawa.

Iba din! Pasalamat ka at nakakapagpigil pa ako. Eh kung kaladkarin ko kaya siya palabas at doon kami magtuos. Tulad ni Chinee ay ubos na din ang pasensya ko dito. Pero wala akong magawa at yun ang nakakainis na part don. Kaya imbis na gawin iyon ay sinabi ko na lang na ako ang maglilinis non. Umupo ako para damputin iyon ng hawakan ako ni Chinee at sipain ang bote ng softdrinks papunta sa direksyon ni Yesha. Lalong namula ito sa inis. Tapos ay nakita kong inawat ni Shinwoo Oppa ang kapatid at ibinigay kay Jinyoung Oppa para ilayo kay Yesha. Lumabas ang mga ito. Si Shinwoo, Sandeul at Gongchan naman ay panay ang awat sa mga babeng halos magwala sa sobrang inis at kaartehan.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon