Chapter 29: Trust Me Kalih

53 31 28
                                    

Nalibot na ni Baro ang paligid ng venue hanggang sa dressing room ngunit hindi niya mahanap si Kalih kahit saan. May bumangong pag-aalala sa dibdib niya. Paano kung nalaman na nyang hindi siya kasama sa mga magpeperform mamaya. Paano kung umalis na ito. Nagpatuloy sya sa paglalakad hanggang sa masalubong niya si YoonJi.

" Oppa?" Tanong nito sa kanya.

" YoonJi-ah! Nakita mo ba si Kalih?" Sabi niya dito sa pagitan ng paghingal.

" Nasa dressing room siya kanina nung iwan ko. May problema ba? Bakit tila humahangos ka?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.

" Kailangan ko siyang makita YoonJi, hanapin mo siya tapos ay sabihan mo ako kapag nakita mo siya." Magsasalita pa sana si YoonJi ngunit bigla siyang umalis sa harapan nito upang muling hanapin si Kalih. Tulad kanina ay nalibot na niya ang bawat sulok ng venue pero wala talaga ang dalaga.

Hanggang sa mapadpad siya sa labas, nakita niya si Kalih, naglalakad itong palayo sa lugar na iyon. Humugot ng malalim na buntong hininga si Baro bago muling tinakbo ang kinaroroonan nito. Mabuti na lang at mabagal lang itong maglakad kaya naabutan niya ito kaagad.

Pinihit niya ito paharap sa kanya pagkaraang hawakan sa braso ang dalaga. Tila naman madudurog ang puso niya ng makitang kasalukuyan itong umiiyak, blangko itong tumingin sa kanya at patuloy ang paglandas ng mga luha sa pisngi nito.

" A-anong ginagawa mo dito?" Tila naman natauhan ito ng makita siya. Pinunasan nito ang mga luha sa mata tsaka ikinubli iyon at akmang tatalikod sa kanya ngunit hindi niya ito hinayaan. Hinawakan niyang muli ang mga braso nito at hihilahin sana si Kalih papasok sa venue.

Pinalis ni Kalih ang kamay niya at huminto sa paglalakad. " Ano bang ginagawa mo?"

" Magpapractice tayo. Wala na tayong oras." Sabi niya tapos ay muling hinawakan ang kamay ng dalaga.

Katulad kanina ay muling pinalis ni Kalih ang mga kamay niya. " Alam ko na ang lahat. Alam ko ng hindi na ako makakapagperform ngayon. Uuwi na ako, wala na akong gagawin sa lugar na ito."

" Wag matigas ang ulo! Halika na!" Pinilit ibaba ni Baro ang tono ng boses niya. Alam niyang sa mga oras na yun ay kailangan niyang kumbinsihin ang dalaga na bumalik sa loob.

" Tama na Baro. Wag ka ng mag aksaya pa ng oras. Ayos lang ako. Bumalik ka na sa loob." Nagmatigas ito at nanatili lang na nakatayo. 

Tinignan niya si Kalih pagkatapos at mababakas sa mukha nito ang magkahalong lungkot at pagkadismaya. " We have to go inside and practice. We don't have much time left. Please Kalih." 

" Tama na Baro, Ano pang silbi na magpractice ako. Mag-aaksaya ka lang ng pagod. Kaya wag mo na akong intindihin at pumasok ka na doon." Tumalikod ito sa kanya tapos ay naglakad palayo.

Tila naman nauubusan na ng pasensya si Baro. Alam niyang kung hindi ito makakapagperform ngayon ay maaaring ito na ang hauling pagkakataon para dito. " Susukuan mo na lang ba ang pangarap mo Kalilah? Hahayaan mo na lang ba na mawala sayo ang pangarap mo ng ganun ganon na lang? Sasayangin mo ba yung pagkakataon na makakanta ka, na matupad ang pangarap ninyo ng mama mo?" 

Pumihit paharap si Kaloh sa kanya.     " Pagkakataon Baro? Wala na akong pagkakataon pa! Hindi na ako makakapagperform hindi ba? Kaya... kaya mas mabuti pa siguro na tumigil na ako. Nakakapagod na kasi. Pagod na pagod na ako. Na sa tuwing susubukan kong abutin ang pangarap ko tsaka nangyayari ang ganito!" Bulalas ni Kalih. Muling naglandas ang mga luha sa pisngi niya. " Tsaka naman tila ang hirap hirap umusad, na para bang tadhana na mismo ang ayaw na magpatuloy pa ako." 

" Kaya ba susuko ka na lang?"

" Ano pa bang dapat kong gawin Baro? Hindi ba sa nangyayari ngayon marapat lang na sumuko na ako?" 

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon