Chapter 10: Happy Birthday Kalih

64 43 32
                                    

Gisng na gising pa si Kalih kahit mag aalas 12 na ng hatinggabi. Iniisip niya kung bakit biglang tila nag iba ang pakikitungo sa kanya ni Baro. Hindi ito yung Baro na nakasanayan niya. Yung lage niyang sinisigawan at palage niyang kaaway. Sinapo ni Kalih ang noo niya na hinalikan nito kanina bago ito lumabas ng silid niya.

Bilog ba ang buwan ngayon? O sadyang bipolar lang talaga yung lalaking yon? Sabi niya sa sarili niya. Tapos ay bigla syang nagtalukbong ng kumot. Tapos ay bigla din naman niyang tinanggal ang pagkakataklob nun sa kanya.

" Kalih! Ano ka ba? Hindi mo dapat iniisip yun. Wag mong isipin si Baro! Hindi siya makakabuti sayo!" Pinagalitan niya ang sarili niya. " At sino ang makakabuti sayo? Si Jinyoung?" Animo ay nagmomonologue siya at kausap ang sarili. " Kalilah! Umayos ka! Walang makakabuti sayo kahit isa sa kanilang dalawa! Kaya gumising ka at magfocus ka sa gusto mong gawin. Hindi sa mga walang kwentang bagay!"

Humiga sya. Kailangan niyang alisin sa utak niya ang mga isipin na iyon. Kailangan niyang tanggalin sa sistema niya ang mga nangyari kanina at kahapon.

Kinabukasan ay maaga siyang gumising. Maghahanda sana ng almusal si Kali ng mabungaran niya si Shinwoo at Sandeul na nagluluto sa kusina. Nakaapron pa ang mga ito.
Nagulat pa ang mga ito ng makita siyang nakatayo sa entrada ng kusina.

" Oh! Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Sandeul.

" Maghahanda ng almusal niyo." Kaswal na sabi ni Kalih dito. Tapos ay didiretso na sana siya sa pakusina.

" Hep! Hep!" Pigil sa kanya ni Sandeul. Hinarang pa nito ang braso nito para di siya tuluyang makadaan.

" Bakit?" Muling tanong niya. Napakunot siya ng noo.

" Wala ka ng gagawin Kalih. Nakapagluto na kami. Umupo ka na lang doon sa mesa at ng makakain ka, iinom ka pa ng gamot." Utos sa kanya ni Shinwoo.

Nagmatigas siya at di natinag sa konatatayuan niya.

" Sumunod ka kung ayaw mo masaktan." Sabi ng isang tinig mula sa likuran niya. Nilingon niya iyon at nakita si Baro na papalapit sa kanya.

Tumigil ito sa harapan niya. Sinalat ang noo niya at tinignan kung may lagnat pa siya. Bahagya pa siyang napaatras ng dumampi ang kamay nito sa noo niya.

" Wala ka ng lagnat." sabi nito. " Saglit lang naman palang magkasakit ang mga minions." Nakangising sabi nito.

Sinasabi ko na nga ba! Back to normal Kalih! Back to normal na ulit kayo. Tapos ay inirapan niya ito.

" Abat ant-"

" Umupo ka na don. Bago pa kita buhatin dyan." Sabi ni Baro. Hinawakan siya nito sa dalawang balikat niya at iginiya patungo sa mesa.

Nakita nila si Gongchan na nakaupo na sa mesa. Ngumiti ito ng makita siya.

" Magaling ka na ba Kalih?" Sabi ni Channie.

Tumango siya. " Oo, kaya makakasama na ako sa inyo. Ayokong magstay dito." Sabi niya dito.

Muling sumabad si Baro. " Hindi ka aalis dito sa dorm. Magpapahinga ka lang dito." Matigas na sabi nito.

Napatingin siya dito. Habang nilalagyan nito ng soup ang bowl na nasa harap niya. Tapos ay tumingin ito kanya.

" Kaya ko na. Pwede na akong pumasok." Pagpupumilit niya.

" Pag sinabing hindi pa. Hindi pa! At kapag sinabi ko na magpapahinga ka muna. Yun ang gagawin mo." Marahan pa nitong pinitik ang noo niya.

" Tama si Baro Hyung Kalih. Baka mabinat ka pa kaya mabuting magpahinga ka muna dito sa dorm." Sabi ni Channie.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon