Chapter 52: Ruin

37 17 13
                                    

"A-aksidente?" Nauutal na tanong ni Kalih sa babae.

"Uum, naaksidente si Baro 6 months ago. Ang laking balita kaya non. Kasi pinalabas ng mga reporters na lasing ata siya nong mangyari yung aksidente niya. Nabangga yung kotse niya habang pauwi siya galing sa isang Bar."

Hindi niya nagawang magsalita, nanatili siyang nakatingin at nakikinig kay Eun Ji. Tapos ay nagpatuloy ito sa pagkukwento.

"Ang laking balita nun kasi sikat siya diba at pinagkaguluhan ng mga press ang pagkakaaksidente niya. Kung ano anong false rumor ang lumabas na kesyo daw lasing siya kaya siya naaksidente may iba pa ngang nagsabi na baka daw nasa influence siya ng drugs at alcohol ng mga oras na iyon. Grabe talaga!" Tapos ay tumingin ito sa kanya.

Habang siya naman ay nanatiling nakatingin din din at sinusubukang iproseso ang lahat ng naririnig niya.

"Pero eventually ay naclear naman ang lahat. Sinabi ng mga pulis na nagimbestiga na hindi naman talaga siya lasing noong maaksidente siya at umiwas lang siya sa pedestrian na patawid kaya nakabig niya ang manibela at bumangga sa isa pang kotse. Tapos kinailangan niyang manatili sa ospital ng isang buwan at doon ko siya nakilala." Sabi nito sa pagitan ng mga pagsubo.

Pinilit niyang iproseso ang lahat ng sinabi ng dalaga sa kanya. Kung naaksidente ito, paanong ni wala man lang ni isa na nagsabi sa kanya. Kahit si Jeonghan o ang mama niya. Bakit hindi niya ito nalaman.

Wala sa loob na tumayo siya at naglakad palayo. Narinig niya pang tinawag siya ni Eun Ji ngunit hindi na niya muling nilingon ang dalaga.

Tinawagan niya si Sandeul upang kumpirmahin ang nalaman niya at sinabi nga nito sa kanya na totoong naaksidente si Baro anim na buwan na ang nakakaraan.

"No wonder hindi ka umuwi. Ang akala namin ay alam mo na naaksidente si Baro."
Narinig niya sabi nito.

" S-salamat Sandeul-ssi." At ibinaba na niya ang telepono.

Dinial niya ang number ni Jeonghan. Tinanong kung nasaan ito at sinabing magkita sila sa bahay at may itatanong siya tsaka ibinaba ang telepono.

Hindi nya maintindihan ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay may nakadagang bato sa dibdib niya.
-----

Samantalang kakatapos lang ng break nila ng marinig no Baro na kausap ni Sandeul si Kalih. Mukhang seryoso ang pinag usapan nila dahil bakas sa mukha ni Sandeul ang pagtataka at pagkagulat.

Maya maya ay lumapit ito sa kanya at tinitigan siya. Puzzled ang mukha nito at tila ba may nais sabihin pero hindi maproseso.

"What?" Kaswal na tanong ko.

"Hindi pala alam ni Kalih na naaksidente ka?" Sabi nito. Natigilan siyang saglit ng marinig ang sinabi nito ngunit nagkibit balikat siya bandang huli.

"A-ano bang pinagsasasabi mo diyan Deullie, ang tagal na non." Sabi niya dito.

"Tumawag siya ngayon lang. Tinanong niya kung totoo bang naaksidente ka. So posibleng hindi niya talaga alam?" Nagtatakang sabi nito.

Hindi na siya kumibo pa. Pilit na niyang kinakalimutan ang mga nangyari sa kanya ng araw na iyon. Masakit ang mga pinagdaanan niya. Halos masira ang career niya ng lumabas ang issues na ibinato sa kanya kasabay ng pagkakaaksidente niya. Maging ang pananatili niya sa ospital ng halos isang buwan. Pero may klase ng sakit na matagal mawala at pilit niyang kinakalimutan. Iyon ang ang sakit na naramdaman niya ng ni hindi man lang nagpakita si Kalih sa kanya. Matapos ang ilang subok niya at ng grupo na kontakin ito matapos ang aksidente niya.

Muli ng mga oras na iyon ay isa isang nagbalik sa kanya ang mapait na bahagi na iyon ng buhy niya.

"B1A4 Baro, naaksidente! Ano ba ang nasa likod ng malagim na pangyayaring ito sa sikat na singer? Totoo kayang lulong ito sa alak at bawal na gamot ng mangyari ito? Hanggang ngayon ay hin-" Naphtol ang panunuod niy ng TV ng bigla iyong mamatay.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon