Chapter 9: Heartbeat

63 43 31
                                    

Naihatid na ni Kalih si Jinyoung sa silid nito. Nakatulog kaagad ito, marahil dahil sa nainom nito kanina. Lumabas siya sa silid ng binata at marahang isinara ang pinto. Pabalik naman na siya sa silid niya ng makita niyang nakatayo sa gilid ng dadaanan niya si Baro. Nakasandal ito sa pintuan ng silid nito. Nakahalukipkip ang mga kamay na para bang hinihintay nitong dumaan siya.

" K-kanina pa ba kayo nakauwi?" Tanong niya dito. Lumakad pa siya ng bahagya palapit dito.

Humarap si Baro sa kanya at tinitigan siya.

" Gusto mo ba si Jinyoung Hyung?" Walang prenong tanong nito sa kanya. Napatingin siya dito.

Ganon na ba ako kaobvious?

" Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Magpapahinga na ako. Magpahinga ka na din. Gabi na." Sabi niya dito tapos ay nagpatuloy sa paglakad patungo sa silid niya. Ngunit saktong bago siya lumagpas dito ay hinawakan siya nito sa braso. Tapos ay pinaling siya paharap.

" Ano bang problema mo?" Tanong ni Kalih kay Baro. Sinubukan niyang palisin ang kamay nito na nakahawak sa braso niya pero sadyang napakalakas nito.

" Sagutin mo na lang ang tanong ko. May gusto ka ba sa kanya?" Pagpupumilit nito. Umabante si Baro palapit kay Kalih. Samantalang umatras naman sya para dumistansya dito.

" Wala akong dapat na sagutin sa mga tanong mo. Bitawan mo ako." Nagpumiglas si Kalih.

Binitawan siya ni Baro. Nang akala niya ay makakawala na siya dito ay nagtangka syang maglakad palayo. Pero naitukod kaagad nito ang kamay nito sa tagiliran niya. Dahilan para hindi siya makagalaw. Tapos ay isinandal din nito ang isa pa nitong kamay sa kabilang tagiliran niya. Nakulong sya sa mga bisig nito. Na ngayon ay nakaharang sa magkabilang balikat niya.

Masyadong malakas ito para kumawala siya. Kahit anong piglas niya ay nadadaig ng lakas nito. Wala siyang magawa. Matalim na tingin na lang ang sinalubong niya sa mga titig nito.

" Layuan mo si Jinyoung Hyung." Sabi nito sa kanya. Seryoso ang mukha nito.

" At bakit ko gagawin yun?" Lumalaban si Kalih ng tingin kay Baro. Hinding hindi siya magpapatalo dito.

Bahagya nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Napasinghap siya ng halos maramdaman nya ang bawat paghinga nito. Halos magkalapit na ang mga mukha nila.

" Ano bang meron sya na wala ako. Ano bang nakita mo sa kanya at ganon na lang ang pagkagusto mo sa kanya. Masasaktan ka lang pag sya ang ginusto mo Kalih." Sabi nito sa kanya. Halos pabulong lang iyon.

" Ano bang pinagsasasabi mo? Nababaliw ka na ba? Wala akong gusto sa kanya."Bulalas ni Kalih kay Baro.

Pero hindi iyon kinagat ni Baro. Sa halip na pakawalan siya ay lalo pa nitong nilapit ang mukha nito sa mukha niya. " Sinong niloko mo? Nakikita ko kung paano mo sya tignan? Nakikita ko kung paano ka mag aalala para sa kanya, at nakikita ko sa mga mata mo na nagsisinungaling ka ngayon."

Sinubukang itulak ni Kalih si Baro. Pero nagmatigas ito at hindi pinansin ang pagpoprotesta niya.

" Masasaktan ka lang pag siya ang minahal mo." Ulit nito.

" Ano namang pakialam mo kung gustuhin ko siya. Ano naman ang pakialam mo kung masaktan ako. At ano naman ang pakialam mo kung mahalin ko siya?" Pagmamatigas niya. Tinitigan niya ito ng husto.

" Kung magiging mabait ba ako sayo kagaya ni Jinyoung Hyung, gugustuhin mo din ba ako?" Hinawakan nito ang pisngi niya. Hinaplos nito ang pisngi niya. Huli na ng mamalayan niyang tuluyan na nitong sinakop ang mga labi niya. Nawala ang pagitan ng mga mukha nila ni Baro. Tuluyan ng nawala ang kanina ay halos limang pulgada nilang pagitan. Saglit syang hindi nakapag-isip. Nanlaki ang mga mata niya at tila ba may kakaibang hatid sa pakiramdam niya ang halik na iyon. Ginalaw ni Baro ang mga labi nito magkabilang pisngi na niya ang hawak nito ngayon. Isinandal siya nito sa pader at pinagpatuloy ang paghalik sa kanya.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon