Chapter 57: Wait

60 15 70
                                    

"When I miss you
I have to see you
I keep waiting for you."

-Wait (B1A4)
⭐----------⭐---------⭐

Kalih's POV

Halos Mag-iisang buwan na mula noong huling magkita kami ni Baro sa ospital. Pagkatapos nito umalis noon ay hindi na kami ulit nagkita pa. Nakalabas na si Papa at nagkausap na kami. Maayos na rin ang pakikitungo sa akin nila Yumi at ng mama nito at ngayon ay kasama ko na rin si mama, dapat ay masaya na ako pero bakit tila ba pakiramdam ko ay may kulang pa din. Na tila ba may bahagi pa rin ng puso ko na nasasaktan.

"Kalih! Hoy Kalih!" Narinig kong tawag sa akin ni Jana. Kasalukuyan kaming nasa Cafe malapit sa Pledis. Maya maya lang kasi ay aalis na kami papunta sa live braodcast ko.

"B-bakit? May sinasabi ka ba?" Gulat na tanong ko dito. Hindi ko na namalayan ang pagtawag nito, maging ang pagkausap nito sa akin.

"Ano bang nangyayari sayo? kanina pa kita kinanakausap, hindi ka naman nakikinig." Reklamo ni Jana.

Bumuntong hininga na lang ako dahil kahit ako ay hindi ko na din alam kung anong nangyayari sa akin. Kung bakit ba ako nagkakaganito.

"May live broadcast ang B1A4 mamaya kasabay nung sa inyo hindi ba?" Maya maya ay bulalas nito sa akin.

Otomatikong napatingin ako dito. Ganun din si Jana sa akin tsaka ito ngumiti. "Bakit ganyan yang itsura mo?"

"W-wala."

"W-wala? Eh kulang na lang lumundag yang puso mo ng marinig mo yung sinabi ko." Panunukso nito.

Inirapan ko si Jana at nagpatuloy ako sa pagkain. Hanggang sa makaalis kami sa Cafe ay panay ang panunukso sa akin ni Jana.

Mag-aalasais na ng makarating kami sa studio ng live broadcast na pupuntahan ko kasama ang grupo nila Jeonghan. May kanta kasi sa album nila na kasama nila ako at ngayon ay irerelease iyon doon mismo. Nagkataong may bagong kanta ang B1A4 at doon din irerelease sa parehong broadcast na pupuntahan namin.

Sa dressing room pa lang ay hindi na ako mapakali. Hindi ito ang unang beses na magpeperform ako pero daig ko pa ang first timer sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanlalamig din ang mga kamay ko.

"Kalih ayos ka lang ba?" Narinig kong sabi ni Jeonghan habang pasalampak na umupo ito sa tabi ko. Hinihintay na lang naming tawagin kami ng staff para lumabas sa stage.

Tinignan ko ito tsaka ako tumango. "Ayos lang ako. Kinakabahan lang siguro ako."

"Kinakabahan ka? Parang sanay ka na ngang magperform tapos kinakabahan ka ngayon?" Panunukso nito sa akin. "Bakit ka nga ba kinakabahan?"

Hindi ako kumibo. Alam kong alam ni Jeonghan ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Alam kong alam niya kung sino ang dahilan bakit ganito ako.

"Relax. You'll be okay." Naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko. Tinignan ko siya at nakita kong nakangiti ito sa akin. "Everything will be okay."

Napaisip ako kung bakit ba hindi na lang siya ang minahal ko. Hindi siguro ganito kakumplikado ang nararandaman ko kung noon pa man ay itinigil ko na ang nararamdaman ko para kay Baro. Kung noon pa man ay ibinaling ko na kay Jeonghan ang lahat ng nararamdaman ko. Pero hindi naman natuturuan ang puso. At hindi mo masasabi dito kung sino ang mamahalin mo. Hindi mo ito madidiktahan kung sino ang ititibok nito.

"I'm sorry." Iyon lang ang nasabi ko dito.

Imbes na sumagot ay niyakap niya ako. "You don't have to say sorry Kalih. Matagal ko ng tinanggap kung hanggang saan lang ang nararamdaman mo para sa akin. At matagal ko na ring tinanggap na hindi ako mamahalin ng puso mo, na hindi ako mamahalin niyan ng tulad ng pagmamahal mo sa kanya." Mahinahong sabi nito. "Wag mo ng pahirapan pa ang sarili mo. Hayaan mong maging masaya ka, hayaan mo ang puso mo na patuloy na tumibok para sa kanya."

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon