Chapter 17: Surprise

51 33 25
                                    

Kalih's POV

Nagising ako sa silid ko kinaumagahan. Hindi ko matandaan kung paano ako nakarating doon. Ang tanging natatandaan ko lang ay nasa tabi ako ng pinto ng silid ni papa at hinihintay na pagbuksan ako nila yumi at tita Chen. Umayos ako ng upo. Nakita kong may nakalagay na gatas sa bedside table ko. May note din na nakalagay doon na nagsasabing

Drink me!!! 😊
See you later Liit...

- Baro

Ininom ko iyon pagkatapos ay nagbasta ako at nagbihis. Kailangan kong pumasok. Tsaka ko na iintindihin kung paano ako makakadalaw sa papa ko. Ayokong pabayaan ang trabaho ko at lalong ayokong isantabi ang pangarap ko.

Tanghali na ng makarating ako sa WM. Agad akong nagtungo sa practice room ng B1A4 at nakita ko dun si Jinyoung at Shinwoo.

" Kalih?! Ang akala namin masama ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" Tanong nito sa akin. Hinipo pa ni Shinwoo ang noo ko.

Marahan kong pinalis ang kamay niya at nginitian ko ito. " Ayos lang ako Oppa. Wag niyo akong intindihin. Ako nga tong dapat na nag aasikaso sa inyo." Sinubukan kong magmukhang masigla ang boses ko para hindi na mag-alala ang mga ito.

" Hey, para ka na naming kapatid. And we care about you." Sabi nito sa akin.

" Let's go. We have something for you." Sabi naman ni Jinyoung. Hinawakan pa niya ako sa kamay. Nakangiti naman sa akin si Shinwoo.

Nagtungo kami sa isang maliit na meeting room sa WM. Nandoon si Chinee at ang iba pang member ng B1A4. Kitang kita ko namang nagulat si Baro na makita ako lalo na at hawak ni Jinyoung ang kamay ko. Agad akong bumitaw doon bago pa iyon makita ni Chinee.

" Kalih!" Sabay sabay naman na tawag sa akin nina Gongchan at Sandeul.

Ngumiti lang ako sa mga ito. Tapos ay nagsimulang magsalita si Manager Lee.

" Okay guys, this meeting is about the anniversary celebration ng Shin Entertainment. Actually I have a separate meeting with the rest of the WM family pero gusto ko lang sabihin na each of you have to do their part on this event.

" Part?" Tanong ni Gongchan.

" Yes baby boy. Everyone has a part on this event. As usual each and everyone of you will perform. Kaya prepare and be ready. And oh Kalih, kasali ka din dito." Balining nito sa akin.

Alam ko naman kung anong magiging papel ko, malamang kung nasaan yung 5 ay nandoon din ako. PA nila ako after all.

" You'll be performing with Ms. Mei Mei." Deklara nito.

" Po?" Tila naman nabingi ako sa narinig ko.

" Ay ate, bingi lang? Ang sabi ko you'll have a special number with Ms. Mei Mei." Ulit nito.

Tapos ay tinignan ko si Chinee. Nakangiti ito sa akin at kumaway pa.

I mouthed " Talaga?" To Chinee at nakita kong tumango siya. Nakaramdam ako ng excitement ng mga sandaling iyon. At panandalian kong nakalimutan ang problema ko.

Natapos ang meeting na iyon. Isa isang naglapitan ang mga miyembro ng B1A4 sa akin maging si Chinee.

" Sabihin niyo nga na hindi ako nananaginip?" Bulalas ko sa mga ito.

Tinapik ni Shinwoo ang ulo ko. " No you're not Kalih. Totoo lahat ng narinig mo."

Hinawakan naman ni Gongchan ang kamay ko. " Kalih! Magpractice tayo ah." Sabi nito sa akin.

Nagulat naman ako ng bawiin ni Baro ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Gongchan. " Yah! Gong Chan Shik! Si Chinee at Kalih ang partners hindi kayo. Kaya magpractice kang mag isa mo." Sabi nito sa nakababatang miyembro ng grupo.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon