Chapter 32: Right After Last Night

56 24 36
                                    

" Are you all boys out of your mind?" Singhal ni Manager Lee sa kanilang lima ng umagang iyon sa opisina nito. " What were you thinking?"

Halos lumabas ang litid nito kakasinghal kina Jinyoung, Shinwoo, Gongchan, Sandeul at Baro.

" What!? Hindi ba talaga kayo magsasalita? O gusto niyong si Kalih pa ang tanungin ko?" May pagbabanta ang bawat tingin nito.

Nagkatinginan silang lima tapos ay tila koro na sabay sabay na nagsalita at nagpaliwanag. Tila lalong naguluhan ni Manager Lee at muli itong sumigaw.

" Magsitigil kayo!" Singhal muli nito.
" Kaninang pinagsasalita kayo ayaw niyong magsalita, tapos ngayon magsasabay sabay kayo? Mababaliw ako sa inyo!"

" Manager Lee, wala silang kasalanan. Ako ang dapat sisihin dito. Ako ang nagsabi sa kanila ng gagawin ko at plinano kong lahat ito. Wag niyo na silang idamay pa. Lalong lalo na si Kalih." Sabi ni Baro.

" At parang proud ka ba sa ginawa mo Baro. What has gotten into you! Anong naisip mo at binago mo ang sequence ng show kagabi?" Si Baro nalang ang binalingan nito.

" I just want to see Kalih perform. Walang nagsabi sa kanya na inalis ang pangalan niya sa list ng performers kagabi. At alam nating lahat kung gaano niya kagusto yun. Na iyon ang pangarap niya. I just can't stand there at hintayin na mawala iyon sa harap niya." Paliwanag nito habang nakatingin kay Manager Lee.

" Still it's not an excuse para gawin niyo ang gusto niyo. Shinwoo! Of all people ikaw ang inaasahan ko na pipigil sa mga kasama mo. Why did you let Baro do it." Bumaling naman ito kay Shinwoo.

" Manager Lee, Kalih is a friend. Alam ko na maiintindihan ako nila mom and dad kapag nalaman nila ang dahilan ko. Besides tulad ng sabi ni Baro. We are not informed na ganon ang sitwasyon ni Kalih sa festival. Hindi namin siya pwedeng pabayaan." Nakatingin sabi nito sa kaharap.

" Tama sila Manager Lee. Kaya wag ka ng magalit." Nagsimula namang lambingin ni Gongchan si Manager Lee.

" Hay! Masisiraan ako ng ulo sa inyo."

" I'll take full responsibility of what happened yesterday. Mag-iissue ako ng public apology kung kinakailangan. Pero wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko. Lalo na kung para kay Kalih." Mariing sabi ni Baro.

" It's easier said than done Baro! Dahil sa ginawa niyo, baka lalo tayong mahirapan na i-debut si Kalih." Pagsusungit nito.

Natahimik silang lima. Napaisip dahil sa sinabi ni Manager Lee. Nakita nilang magsasalita pa ito ng biglang tumunog ang telepono.

Alanganing sinagot iyon ni Manager Lee, kanina pa kasi walang tigil sa pagtunog ang telepono nito at iisa lang ang sinasabi nito. Na hindi muna magpapainterview ang WM tungkol sa nagyari kagabi.

" Hello, WM Manager Lee speaking." Bungad nito sa kausap sa kabilang linya. Tapos ay tila ba biglang nalukot ang mukha nito habang binabanggit ang pangalan ng tumawag. " Producer Kim. O-oo, k-kausap ko nga sila. Ako na mismo ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng mga bata kagabi. I'm sorry for the trouble this incident has caused you and your show. Hayaan mo at pagsasabihan ko sila." Mahabang sabi nito. Tapos ay nakinig muli ito sa kausap tsaka biglang bumaling sa lima. " Anong sinabi niyong wag ko silang pagalitan? T-Trending ang show nyo kagabi?" Hindi makapaniwalang ulit nito sa sinabi ng kausap.

Sinilip naman ni Gongchan ang cellphone nito at nagsearch sa internet.

MBS Music Festival trending!!!

" Totoo nga?" Bulalas nito. Maging si Sandeul ay nakisilip na din sa cellphone ni Gongchan.

" Pati sa video site trending kayo ni Kalih Baro." Bulalas ni Sandeul.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon