Chapter 38: I Am Here

46 25 17
                                    

Baro's POV

" Magpahinga ka na. Wala sila Sandeul at Channie maging sina Shinwoo at Jinyoung Hyung. Tayong dalawa lang ang nandito ngayon." Sabi ko dito ng makapasok kami sa loob ng dorm. Hindi na umiiyak si Kalih pero halata sa mga mata nito na kagagaling lang nito sa pagluha. Namumugto kasi ang mga iyon.

Tumango lang si Kalih.

" Pumasok ka na sa kwarto mo, ipaghahanda lang kita ng mainit na gatas para makatulog ka." Sabi ko sa kanya.

Sumunod naman ito at pumasok na sa silid niya. Nagbihis naman muna ako atsaka nagtungo sa kusina upang ipagtimpla siya ng gatas. Matapos iyon ay nagtungo ako sa silid nito upang dalhin sa kanya ang gatas na tinimpla ko.

Nakaupo na si Kalih sa kama nito. Halatang malalim ang iniisip at nakatulala. Inilapag ko ang baso ng gatas sa side table sa tabi ng kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.

" Magpahinga ka na Kalih."

Bumaling ito ng tingin sa akin pagkatapos ay mapait na ngumiti. Nakaramdam ako ng lungkot ng magtama ang mga mata namin.

" Wag mo akong iwan dito please." Pakiusap nito sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil ulit iyon.

Ngumiti ako at marahang hinaplos ang pisngi niya. " I won't. Go to sleep."

Ilang saglit pa ang lumipas at nakita kong nakadilat pa din ang mga mata ni Kalih, prenteng nakatitig ito sa akin na tila ba sinisipat ako.

Nilapitan ko siya, tumayo ako sa pagkakaupo mula sa sofa at nilapitan ang kama niya. Umupo ako sa gilid non at ngumiti.

" May masakit ba sayo?" Tanong ko dito.

Tumango naman siya ngunit hindi sinabi kung alin ang masakit sa kanya. Umupo siyang muli sa kama at isinandal ang likod sa headboard non. Nakita ko ding umangat ang kamay niya upang haplusin ang pisngi ko tsaka ngumiti. " I'm sorry for making you worried."

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko. I stared at her lovingly. Seeing her in pain like this without knowing the real reason why just makes my heart ache. I felt helpless. I cupped her face with both of my palms then smiled at her.

" Please stop making me worried." Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mukha niya.

Tumango siya at ngumiti pero tipid lang iyon. Niyakap ko siya at hinintay na makatulog. Iniayos ko siya ng higa ng maramdaman kong nahimbing na siya at muling pinagmasdan. Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot, hindi ko man alam ang dahilan ay pinasya kong wag ng magpumilit na sabihin niya ito sa akin.

Kinaumagahan ay maaga akong naghanda ng almusal, nahihimbing pa si Kalih kaya sinamantala ko iyon para ipaghanda ito ng makakain. Inaayos ko na ang mesa ng makita ko itong pumapasok sa kusina.

" A-ako na dyan." Sabi nito sa akin. Akma nitong kukunin ang ginagawa ko para ipagpatuloy ito pero hindi ko siya pinayagan. Ibinaba ko ang plato na hawak ko at lumapit ako dito para yakapin siya.

" Ayos ka na ba?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

" Ayos na ako. Sorry ulit kung pinag-alala kita." Narinig kong sabi ni Kalih.

" Kung ano man yang pinagdadaanan mo gusto kong malaman mo na nadito lang ako. Pwede mong sabihin sa akin lahat." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti ako dito. Inayos ko ang buhok na nakaharang sa pisngi niya at hinaplos ang pisngi nito.

Malamlam syang tumingin sa akin tapos ay ngumiti at tumango. " Thank you Baro."

" You're welcome Baby." Nakangiting sabi ko dito. Iginiya ko siya paupo at nilagyan ng kanin ang plato sa harap niya. Nilagyan ko iyon ng hotdog at itlog tsaka umupo sa tabi niya para sabay siyang mag-almusal.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon