Chapter 15: I'm Alone

51 33 18
                                    

Happy 100 reads sa atin mga bebeloves. Continue reading and voting every chapter of this story para masaya 😄😄😄 😗😗😗

감사합니가!!!!
----------

Kanina pa sila nakababa ni Baro, nagpaalam pa ito bago tuluyang pumasok sa silid nito. Nakahiga na si Kalih sa kama niya pero tila ramdam pa din niya ang mga labi ni Baro na kanina ay sakop ang mga labi niya.

Pumikit siya at nakita niyang muli kung paano ito lumapit sa kanya kanina upang sakupin ang mga labi niya. Agad naman syang napadilat.

Iniling iling ni Kalih ang ulo niya. Pilit niyang kinalimutan ang tagpong iyon. Alam na alam ng isip niya na kung ano ang dapat gawin pero hindi nakikinig ang puso niya.

" Bakit ba kailangan niya pang gawin iyon?" Sabi niya na ang tinutukoy ay si Baro at ang halik nito sa kanya kanina. Nagpabaling baling siya sa kama. Bakit ba pakiramdam niya ay tila ba ibang iba na ito sa Baro na lagi niyang inaaway dahil sa pagkaantipatiko nito. Nang tignan siya nito kanina bago siya nito halikan ay ibang Baro ang nakita niya. Sa unang pagkakataon hindi inis o pagkabwusit ang naramdaman niya rito kundi isang napakasarap na pakiramdam na kahit sya ay hindi niya maipaliwanag.

Samantalang nagpabaling baling din sa kama niya si Baro. Tulad ni Kalih ay gising na gising pa rin ito at tila ba iniiisip ang nagyari kanina sa rooftop.
Ang pagkilos niya upang halikan si Kalih. Ang mga binitawan niyang salita dito. Kinapa niya ang puso niya. Alam niya na may parte pa din noon para kay Chinee pero ang hindi niya maintindihan ay tila ba nakikita niya ang sariling nag oopen up para kay Kalih. Na may bahagi ng puso niya na gusto okupahin nito. Pinikit niya ang mga mata niya. Ngunit tuwing gagawin niya iyon ay si Kalih ang nakikita niya. Ang mga magaganda nitong mata at ang mga labi nito.

Idinilat niya ang mga mata niya, umiling iling at sinapo ang ulo. Hinawakan niya ang mga labi niyang kanina ay sumakop sa mga labi ni Kalih at tska napangiti.

Mag aalas 7 na ng magising si Kalih. Nagbasta siya at nagbihis bago lumabas ng silid para ipaghanda ng almusal yung lima. Ngunit nagulat pa siya ng mabungaran si Baro sa may kusina. Kinusot niya ang mga mata niya at siniguro na tama ang nakikita niya.

Si Baro kasi. Nakaapron ito habang nagluluto sa kusina. Nakapantulog pa nga ito. Napansin muli ni Kalih ang itim na buhok nito. At napatitig siya sa mukha nito. Ilang saglit pa ay nakita siya ni Baro ng mabaling ang tingin nito sa gawi niya.

Ngumiti ito at binati siya. " Good morning liit."

Nag iwas siya ng tingin. Muli nanaman kasi niyang naalala yung nangyari sa rooftop kagabi. Nag angat siya ng ulo at nagulat na nasa harap na niya ang lalaki.

" Here, tikman mo." Sabi nito nakaabang sa tapat ng bibig ko ang isang kutsara. Tinignan ko lang iyon.

" Open up." Nakangiting sabi nito. Bahagyang inilapit ang kutsara na may kung anong laman.

Sumunod siya dito at binuka ang bibig niya. Tsaka naman nito isinubo ang laman ng kutsara sa kanya. Omelette ang niluto nito.

" Masarap?" Tanong nito sa kanya. Tila ba naghahantay ito ng approval niya kung masarap nga ba iyon. Napaisip si Kalih. Bakit ba palaging ang liit na ng distansya namin lately.

Tumango siya tapos ay ngumiti naman ito. " I knew it." Tapos ay bumalik ito sa pwesto nito kanina at nagsimulang maghain.

" Sitdown. Let's eat together." Utos nito.

Wala sa loob na sinunod niya si Baro. Umupo siya sa isang upuan sa dining table. Inilapag naman ni Baro ang plato na may lamang omelette at isang baso ng apple juice sa harapan niya tsaka ito umikot at umupo sa silya na kaharap ng kinauupuan niya.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon