Chapter 20: Do Not Worry

51 35 18
                                    

Kalih's POV

Halos ilang araw na ang lumipas ng sabihin sa akin ni Morgan Oppa na ganap na akong trainee ng WM. Walang mapagsidlan ang kaligayahan ko ng malaman ko iyon at ang unang pumasok sa isip ko ay ang mama ko. Ito na ang umpisa ng mga pangarap namin. Sa wakas ay makakaharap na ako sa papa ko para sabihin na hindi ako nagkamali. Hindi kami nagkamali ni mama.

Nagambala ang pag iisip kpng iyon ng may biglang nagsalita mula sa likod ko. Nasa practice room kasi ako para hintayin ang instructor ko dahil ngayon ang umpisa ng training ko.

" Look who's here girls." Sabi ng boses na narinig ko.

Kahit hindi ako humarap ay kilala ko na kung sino ang nagmamay ati ng boses na yun. Ang napakaarteng boses na yun. Lumingon ako sa direksyon nito. Hindi ako nagkamali.

Si Yesha nga iyon at kasama nito ang ilang alipores niya.

Hindi ako kumibo. Kunwari ay nakinig ako ng music sa telepono ko. Kinabit ko ang earphone sa tenga ko at nanahimik.

Maya maya pa ay naramdaman kong hinablot nito ang earphone sa tenga ko. Hinila nito ang kurdon non dahilan para matanggal ito sa pagkakalapat sa tenga ko at malaglag iyon.

Wag mong papatulan Kalih. Magtiis ka lang. First day mo ngayon. Magtiis ka lang. Paulit ulit na sabi ko sa sarili ko.

Pinulot ko ang nalaglag kong earphone sa sahig pagkatapos ay tumingin ako sa kanya. Sinikap kong magmukhang mahinahon dahil alam kong walang mangyayari kapag pinatulan ko pa ito.

" Akalain mo yun girls. Yung dating PA, trainee na ngayon. And take note! Ang bilis ah." Nagpatuloy ito sa tila pang iinis sa kanya. Nagtawanan pa ang mga kasama nito na animoy talagang nang aasar.

" Yesha, please lang. Ayoko ng gulo. Nananahimik ako dito kaya pwede ba, tama na." Pakiusap ko sa mga ito.

Nagtinginan lang sila tsaka nagtawanan.

" Oh? Bakit? Ano bang mali sa sinasabi ko? Diba totoo naman? Ah teka. Paano ka nga ba ulit naging trainee? A. Dahil malapit ka sa B1A4 o B. Dahil close kayo ni Mei Yuk?" Tila ba ayaw tumigil ni Yesha. Sinasagad niya ang pagtitimping ginagawa ko.

Hindi ako kumibo sa halip ay tinalikuran ko sila. Kilala ko ang sarili ko at alam ko na ilang saglit pang manatili ako sa harapan nila at makarinig ng di magandang salita mula dito ay mapapatulan ko sila. Ang binalak kong pagtalikod sa mga ito ay hindi natuloy dahil sa marahas na paghablot ni Yesha sa braso ko. Tinignan ko ito at nakita kong nagbabanta ang mga tingin niya sa akin.

" Binabalaan kita Kalih, I will not make this easy for you. Sisiguraduhin ko yan sayo." Sabi nito sa akin.

" Ano bang kasalanan ko sayo? Ano bang gusto mo sa akin Yesha?" Sinalubong ko ang mga tingin ni Yesha sa akin.

" I want you out of this company. I don't like seeing you around. Kung pwede lang na mawala kayong dalawa ng maldita mong kaibigan dito sa agency na to mas maganda. I can't get rid of her pero ikaw kayang kaya ko." Sabi muling nito, nagbabanta at tila ba nagsasabing wala syang hindi kayang gawin. Naramdaman ko ring lalong himigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko.

Alam kong si Chinee ang tinutikoy nito. Pero bakit galit na galit siya sa amin, sa akin. Iyon ang tanging tanong ko sa isipan ko. Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin.

" Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin, wala akong natatandaan na ginawa sayo para magalit ka sa akin ng ganyan!" Sabi ko dito. Hinabaan ko pa ang pasensya ko. Dahil alam kong sa oras na masangkot ako sa gulo ay katapisan na para sa mga pangarap ko.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon