Chapter 58: Lego House

49 13 16
                                    

" And out of all these things I've done,
I think I LOVE YOU BETTER NOW."

-----------------

Kalih's POV

Hindi ko na pinatapos ang iba pang sasabihin ni Baro. Niyakap ko ito ng mahigpit na tila ba ayoko siyang mahiwalay sa akin. Naramdaman kong niyakap niya akong pabalik. Walang tigil sa pagtulo ang luha sa mga mata ko. Sa unang pagakakataon matapos naming muling magkita ay hinayaan kong tangayin ako ng lahat ng nararamdaman ko para dito.

Hindi ako kumibo pero sapat na ang yakap kong iyon para iparating dito ang nararamdaman ko. Para iparating sa kanya ang lahat ng nararamdaman kong matagal ko ding itinago at sinarili.

"Tama na Baro." Maya maya pa'y naisatinig ko ang mga aalitang iyon.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako. Nakita kong may gumuhit na lungkot sa mga mata niya. Nagbabadya ang mga luha sa mga iyon at anumang oras ay tila maguunahan ang mga ito sa pagbagsak.

Ako naman ang humawak sa magkabilang pisngi niya at buong pagmamahal ko siyang tinignan. Hindi ko alam kung nakikita niya sa mga mata ko ang nagsusumigaw na damdamin ko para sa kanya. Marahil ay hindi dahil nananatili lang siya nakatingin sa akin.

"If you want me to stop, I'll stop Kalih. I'll let you go. At hinding hindi na kita gugul-"

"Mahal kita." Sabi ko dito na siya namang nagpahinto sa kanya. "Mahal na mahal din kita Baro."

Ang kaninang lungkot sa mga mata niya ay napalitan ng saya. Otomatikong ngumiti siya ng marinig niya ang sinabi ko.

"Say it again Kalih." Pakiusap nito. "Please say it again."

"Mahal kita Cha SunWoo. Mahal na mahal kita. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo. Mula noon hanggang ngayon walang nabago sa nararamdaman nito." Sabi ko dito tapos at itinapat ko ang kamay ko sa dibdib ko, sa bahagi kung saan nandoon ang puso ko. "Ikaw pa din, Ikaw lang naman talaga."

Lalong lumapad ang ngiti nito sa akin. Tapos ay kumilos ang kamay niya upang hapitin ako sa beywang. Hinawi ng isang kamay nito ang buhok ko at inilagay iyon sa likod ng tenga ko tsaka sinapo ang pisngi ko. Tuluyan na akong napapikit ng maramdaman kong naglapat ang mga labi namin.

Dinama ko ang mga halik na iyon ni Baro. Mga halik na pamilyar na pamilyar sa akin. Mga halik na unang nagpapakaba sa puso ko mula noon hanggang ngayon. Kusang gumalaw ang mga kamay ko upang humawak sa kanya.

"I love you Kalih. Mahal na mahal kita." Muling sabi nito ng maghiwalay ang mga labi namin.

"Mahal na mahal din kita Baro Cha." Naramdaman kong muli na hinapit niya ako pero this time upang yakapin. Yumakap akong pabalik sa kanya.

Ilang saglit kaming ganon ng may marinig kaming nagsalita.

"At last! Buo na ulit ang mga puso nila!" Narinig kong sabi ni Sandeul habang papalapit sa amin.

"Nag-alala pa naman kaming baka nagpakamatay na tong si Baro Hyung dahil sa pag-iwan mo sa kanya Kalih, yun naman pala ay nag-eenjoy na kayo ditong dalawa." Pabiro namang sabi ni Gongchan.

"Yah! Umalis nga kayong dalawa! Busy kami." Pagtataboy ni Baro sa mga ito tsaka ako muli akong niyakap.

Natawa naman ako sa reaksyon nung dalawa. Sabay kasing sumimangot ang mga ito at nagtinginan pa.

"Yah! Kanina lang hindi maipinta yang mukha mo tapos ngayon namang masaya ka eh pinapalayas mo kami?" Maktol ni Sandeul.

"Sige na umalis na kayo!" Sabing muli ni Baro tapos ay hinawakan ang magkabilang pisngi ko para muli akong halikan.

"Hai naku! Tigilan niyo nga yan. Halika na Channie! Pabayaan na natin ang mga yan." Yaya nito kay Channie.

Nagsimula silang maglakad palayo sa amin ngunit bago pa tulyang makalayo ang mga ito ay muking sumigaw si Sandeul. "Get a room you two! Wag kayo diyan maggaganyan nakakahiya sa mga tao!"

Hindi ko napigilang tumawa. Ganoon din si Baro.

"Sa tingin ko ay tama si Sandeul." Maya maya pa ay sabi nito ng tuluyan ng makaalis sila Sandeul at Gongchan.

"Saan?"

"Na kailangan nating kumuha ng kwarto. Kulang ang isang gabi para bumawi tayo sa lahat ng nawalang oras sa atin." Sabi nito sabay pakawala ng isang pilyo ngiti.

"Eto gusto mo?" Sabi ko dito sabay pakita ng kamao ko.

Natatawa niyang hinawakan iyon tsaka hinalikan. Tapos ay muli niya akong ikinulong sa yakap niya.

"May mga bagay na hindi natin maipaliwanag kung bakit nangyayari, may mga pangyayaring hinihiling natin na sana ay manatili na lang na bahagi ng nakaraan at bahagi ng mga alaala. Pero lahat ng bagay ay may dahilan. Nangyayari ang mga bagay bagay dahil ito ang itinakda. Marami man akong pinagdaanan. Maraming sakit at pagsubok na nilagpasan. Alam ko na ngayon na lahat yun ay may dahilan. Inihanda ako ng tadhana at pinaranas sa akin ang lahat ng iyon para sa huli ay merealize kong may mas magandang naghihitay sa akin. Na may taong nakalaan para sa akin. May isang tao na siyang magiging dahilan ng mga pagngiti ko at magiging sagot sa mga bakit ko. Hindi ko na ulit kailangan matakot. Dahil alam ko na sa bawat bukas na haharapin ko ay nandiyan si Baro. Alam kong kapag nandiyan siya palaging may dahilan ang bawat pag gising ko."

**** The End ****

A/N:

Ayiiiiieeee!!! LOVE WINS... Char lang!

Naiyak naman ako dahil tapos na yung story nila after ng mahabang pagpapabebe nila sa isa't isa! 😂😂😂

I hope you all enjoyed reading Kalih and Baro's Story as much as I enjoyed writing it!

Kamasahamnida!!!

Also gusto ko din magthank you to simplyfanatic and giahunter21 for making this possible! Ahaha Char! Pero seryoso thank you girls! I lab u sagad alam niyo yan! Salamat sa pagsakay sa mga kabaliwan at kakulitan ko. 😚

Pero naiiyak talaga ako! 😂😂😂

Please still continue to READ, VOTE and COMMENT on this story!

Please still continue to READ, VOTE and COMMENT on this story!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#Baro
#KalihBaroShipForevz
#JustTheTiwOfUsLegoHouse

093017

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon