Chapter 55: Goodbye Kalih?

47 14 37
                                    

Kakaibang pakiramdam ang binibigay sa akin ng halik na iyon ni Baro. Tila ba muling nagising ng halik nito ang isang pamilyar na pakiramdam na matagal kong isinantabi. Dinama ko ang bawat paggalaw ng labi niya at tinutugon ko iyon. Dalawang kamay niya ang nakahawak sa magkabilang pisngi ko habang ako naman ay nakapikit pa rin ngunit nakahawak ang dalawang kamay ko sa beywang nito.

Ilang saglit pang tumagal ang paghalik nito bago tuluyang maghiwalay ang mga labi namin. Tapos ay mataman niya akong tinitigan. Halos isang taon na hindi ko siya nakita at nakausap pero bukod sa pagpayat nito ng konti ay tila halos wala itong ipinagbago. Ang mga mata nito at maging ang mga ngiti. Mga bagay na kahit hindi ko aminin ay hinahanap hanap ng puso ko. Hinahanap hanap ng isip ko.

"I missed you." Una akong nagsalita. Wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga sa harap niya dahil matapos akong magalit ng matagal na panahon ay eto at isang halik lang niya ay sumusuko na ako.

Ngumiti lang siya sa akin, ni hindi ito nagsalita. Pinagmasdan niya lang ako ngunit muling humapit ang kamay niya sa beywang ko.

"I'm sorry for evr-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng muli niya akong halikan. Tapos ay binitawan din ako kagaad.

"Hindi ko alam na naaksidente ka. Kung ala-"

Isa pang halik ang pinakawalan nito.

"Hayaan mo muna akong magsa-"

Tapos ay isa pa ulit na halik. Hindi na niya hinayaang tapusin ko pa ang lahat ng sasabihin ko.

"Say another word and I'll give you a kiss you'll surely never forget." Nakangiting pagbabanta nito.

Natikom ko ang bibig ko. Naramdaman ko namang hinaplos niya ang mukha ko.

"I missed you too Kalih." Nakangiting sabi nito sa akin tapos ay hinalikan ako sa noo.

Kumilos si Baro upang yakapin ako. Samantalang nararamdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. Ngayon ay wala na akong dahilan para magalit sa kanya at para pigilan ang lahat ng nararamdaman ko. Wala ng dahilan para hindi ko sundin ang lahat ng nararamdaman ko.

"I'm sorry. Alam kong ayaw mo ng marinig yan pero gusto ko pa ding sabihin. Alam ko na ngayon ang totoo. I'm sorry kung hindi ako agad naniwala sayo, kung hindinako nagtiwala sa'yo." Sabi ko dito habang yakap niya ako.

"Tulad ng sinabi ko sayo. Hayaan na natin yun. Tapos na yon. Ang importante ayos na ang lahat at nandito ka na ulit." Narinig kong sabi nito.

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya tsaka ko siya tinignan sa mga mata. Nakangiti lang siya sa akin.

"I'm glad you're here."

Magsasalita pa sana ako ng may narinig kaming tumawag sa pangalan ni Baro. Parehas kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan nito at nakita namin si EunJi na nakatayo di kalayuan sa pwesto namin.

Otomatikong lumayo si Baro sa tabi ko at gumawa ng pagitan sa aming dalawa.

"E-EunJi." Sabi nito sa bagong dating.

Hindi naman maipaliwanag ang itsura ni EunJi. Magsasalita pa sana si Baro ng bigla itong tumakbo palayo sa amin. Tinignan ko si Baro at nakita kong gumuhit ang pag-aalala sa mga mata nito. Napasapo ako sa dibdib ko ng tumakbo ito para habulin si EunJin habang naiwan naman akong nakatanaw sa direksyon na pinuntahan nito.

Ano ng gagawin mo Kalih? Maluha luha kong sabi sa sarili ko. Alam kong malapit sa isa't isa sila EunJi at Baro pero ni sa hinagap ay nakita kong iiwan ako nito para sa ibang tao. Na magagawa nitong iwanan ako para habulin ang kung sino.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon