Chapter 27: Truth or Dare

71 31 35
                                    

" Guys Truth or Dare tayo!" Sigaw ni Sandeul. Sabay sabay naman silang napalingon dito ng marinig iyon.

" Para kang bata!" Angil ni Baro.

" Masaya kaya yan. Go!" Aabi naman ni Gongchan na niligpit pa ang ilang kalat sa table nila para makapag umpisa sila.

" Bahala kayo." Narinig ni Kalih na sabi ni Baro bago inumin ang beer na laman ng boteng hawak nito.

" Okay! May rules tayo ah. Sino mang tapatan ng bote, will choose between truth or dare. Syempre pag truth alam niyo na ng gagawin. Pag dare naman dapat gawin ang utos. Bawal ang KJ!" Pagbabanta nito. " Kapag din sinagot ang truth or di ginawa ang dare may parusa and that is iinom ng one shot nitong hard drinks na to." Tinuro nito ang vodka sa tabi nito. Clear ba tayo guys?"

" Okay!" Halos sabay sabay na sagot nila maliban kay Baro.

Nagsimulang paikutin ni Sandeul ang bote. Tumapat iyon agad kay Chinee. Automatic na tinignan ni Shinwoo at Jinyoung si Sandeul na tila ba may pagbabanta.

" Chin, Truth or Dare!" Tanong ni Sandeul.

Sandali itong nag-isip tapos ay sumagot ng... " Truth."

Lalong tumalim ang tingin ni Jinyoung kay Sandeul. Tila ba sinasabi ng mga tingin nito na umayos siya kung ayaw niyang masaktan.

Nag isip ng tanong si Sandeul,pero bago iyon ay kinuha nito ang telepono nito at tila ba may tinext. Tapos ay binitawan nito ang tanong kay Chinee.

" Chin, rank us in terms of visuals. Who do you think is first and last pagdating sa looks?" Natatawang tanong nito.

" Hyung? Seryoso ka ba? Gusto mo ba talagang sagutin yan ni Chin? Wala kang kadaladala ah." Natatawang sabi ni Gongchan. Tila ba inaasar nito si Sandeul.

" Oo naman." Confident namang sabi nito.

Bago sumagot si Chinee ay tinignan muna nito ang cellphone niya. Naramdaman kasi niyang nagvibrate iyon. Natawa siya ng mabasa ang messege na galing kay Sandeul.

" Okay. Sa visual rankings para sa akin. First is Sandeul." Paunang sabi nito.

" Eh?!" Sabay sabay na sabi nung natitirang apat habang si Sandeul naman ay cool na cool na nangingiti.

" Second is Channie, then Baro, Jinyoung and Kuya Shinwoo?" Kunwari ay nag isip pa si Chinee bago bitawan ang mga pangalan at rank ng mga ito.

Tinawid ni Shinwoo ang pagitan nila ng kapatid tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi nito sabay sabing, " Yah! Dongsaeng! Bukas na bukas din ipapacheck up natin yang mga mata mo. Baka kailangan mo ng magpalit ng contacts mo, sobrang labo na ng paningin mo eh." Sabi nito sa kapatid.

" And why am I 4th? Don't you think that's unfair!" Reklamo ni Jinyoung. Natatawa namang tinignan ni Chinee si Sandeul na nag okay sign naman sa kanya. Lingid kasi sa kaalaman ng mga ito ay tinext ni Sandeul si Chinee para sa sagot sa tanong nito.

Nagkatawanan ang lahat. Nag uumapaw kasi ang confidence ni Sandeul dahil sa rankning ni Chinee sa kanila.

Si Chinee naman ang nagpaikot ng bote at tumapat iyon sa kuya niya.

" Hmmm... I'm thinking of what to ask you kuya." Maya maya pa ay nag isip ito. " Well, I haven't seen any girl na kasama mo simula noon hanggang ngayon so my question is... Are you dating someone right now? I mean do you have a girlfriend?"

Everybody waited for Shinwoo's answer but he just smiled. He did not utter a word neither confirm anything about Chinee's question. He stayed silent and jiat smiled.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon