Chapter 45: Chasing Pavements

43 18 4
                                    

WM's Presscon

Sampung minuto bago magsimula ang presscon. Nakastand by sila ni Yesha sa backstage at naghihintay na lang silang tawagin ng MC. Wala sa sariling nakasalampak si Baro sa sofa habang si Yesha naman ay nakatingin lang sa kanya. 

" Baro, hindi mo ba ako kakausapin man lang?" Reklamo ni Yesha. 

Hindi siya sumagot at nanatiling walang imik. Wala siya sa mood, paulit ulit niyang nakikita sa isip niya ang ginawang pag-akbay ni Jeonghan kanina kay Kalih. Kung paanong tila pinoprotekatahan nito ang dalaga sa kanya. Hindi din nakaligtas sa kanya ang mga tingin nito kay Kalih at maging si Kalih dito. 

" Baro!" Napansin niyang tumapat na si Yesha sa kinauupuan niya at winagayway ang kamay para makuha ang atensyon niya. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang tila nakatulala lang. 

" Let's just get over this and done!" Tumayo siya at hindi ito pinansin kahit pa ilang beses nitong tinawag ang pangalan niya. 

Nagsimula na ang presscon unang tinawag ng MC si Yesha. Nakangiting lumabas ito at kumaway. She knows how to look nice in front of everybody. Naisip niya ng makita ito sa screen na nandoon sa backstage. 

Ininterview siya at tinanong ng mga press at reporter na nandoon at magiliw naman itong sinagot ni Yesha. Tungkol kasi lahat yun sa nalalapit na debut niya. 

" And now Yesha, would you like to introduce someone today? We are excited about this so called announcement of your at I'm sure na excted na din silang lahat." Panunukso ng MC kay Yesha.

Ngumiti muna ang dalaga bago magsalita. " Well, first of all hindi sana namain gusto na mag-out in public dahil we wanted our relationship to be safe from public eye and all of the issues and intrigue. But we decided na it's about time ipaalam na namin kung anong meron kami para na rin sa mga taong nagmamahal sa amin." Panimula ni Yesha.

This girl really knows how to lie.  Sabi ni Baro sa isip niya habang nakatingin sa screen ng TV. 

" Everyone, please welcome B1A4's Baro! The one that stole my heart." Nakangiting sabi nito tapos ay tumingin sa direksyon na paglalabasan niya. 

Kunwaring ngumiti siya sa mga taong nandoon pagkalabas niya ng stage. Agad namang umangkla ang mga braso ni Yesha paglapit niya. Tapos ay nagsimulang magflash ang mga camera. 

Samantaang sa di kalayuan ay nakatanaw lang si Kalih sa ngayon ay nasa stage na si Baro at Yesha. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya. 

So ito pala yun. Ito pala ang plano mo?  Ano pang ipapaliwanag mo ngayon Baro! Sabi ni Kalih. Nakuyom niya ang isang palad niya sa nakikita niyang tagpo sa stage di kalayuan sa kinaroroonan niya. 

" I told you hindi na dapat tayo nagpunta dito Kalih." Seryosong sabi sa kanya ni Jeonghan. Tinignan siyanito na tila sinisipat ang reaksyon niya. 

" Ayos lang ako. Mas magandang makita ko to. Para tuluyan ng mawala ang natitirang nararamdaman ko para sa kanya." Sabi niyang nakatuon ang tingin kay Baro at Yesha. 

Naramdaman niyang hinawakan siya ni Jeonghan at marahang hinila ngunit di siya natinag sa kinatatayuan niya. 

" Just a few minute more." Sabi niya dito. 

Hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ni Jeonghan. Humarang ito sa harapan niya na naging dahilan para hindi niya makita sila Baro at Yesha tapos ay seryosong tumingin ito sa kanya. 

" If can stand torturing yourself while seeing them together, ibahin mo ako. Stop this crap this intance Kalih! Bago pa kita buhatin paalis sa lugar na to." Nagbabanta ang bawat salita nito. 

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon