Chapter 47: Paper Heart

34 18 10
                                    

Kalih's POV

Mabilis na nilapitan ako ni Mama. Kakalabas ko pa lang sa gate 3 mula sa sinakyan kong eroplano. Kitang kita sa mukha nito ang labis na kasiyahan ng makita ako. Sinalubong agad ako nito ng isang mahigpit na yakap.

"Kalih."

"Ma." Excited na  iyakap ko siya. Halos limang buwan din kaming hindi nagkita. Hindi na kasi naulit ang pagadalaw niya sa akin noon sa Japan. Sabik ko siyang niyakap at hinalikan.

" Ang anak ko. Ipangako mong hindi ka na ulit aalis okay?"

Napatango ako sa sinabi nito. Namiss ko talaga siya. Pati na din ang lugar na ito. Mag-iisang taon na din buhat ng mawala ako at magpasyang umalis. Napaisip ako.

Isang taon na pala ang nakalipas...

" Let's go Kalih. Hinihintay ka na ni Jeonghan. May schedule sila kaya hindi siya nakasama sa pagsundo sayo." Natatawang sabi ni Mama.

Knowing Jeonghan, alam kong kung pwede siya ay siya mismo ang susundo sa akin ngayon.

Mabilis kaming nakauwi sa bahay. Kanina habang nasa sasakyan ay binaba ko ang salamin ng bintana ko at dinama ang hangin. Iba pa din pala pag nasa lugar ka kung san ka komportable at lumaki. Kung san nandoon ang mga mahal mo sa buhay at alam mong may susuporta sayo.

Nasa bahay na kami ngayon ni mama pero kailangan kong umalis. Kailangan kong pumunta sa Pledis para diretsong magrecording para sa lunch ng album ko dito.

"Kailangan mo ba talagang umalis agad Kalih. Kararating mo lang ah." Sabi ni mama sa akin.

"I'm sorry ma. Kailangan kong imeet si Wooji para sa arangements ng mga kanta na irerecord namin. Magkikita naman kami don ni Jeonghan so don't worry. Babalik din ako agad." Nginitian ko ito at hinalikan sa noo.

Habang nagmamaneho patungo sa Pledis ay napaisip ako. Wala pa ding pinagbago ang lugar na to. Pati itsura ay ganon pa din. Samantalang sa kanya ay madami ng nagbago. Madami na siyang alaalang pilit kinalimutan at ibinaon sa nakaraan. Binuksan niya ang radyo at tumugtog mula doon ang isang pamilyar na kanta.

Paper Hearts

Remember the way you made me feel
Such young love but
Something in me knew that it was real
Frozen in my head

Pictures I'm living through for now
Trying to remember all the good times
Our life was cutting through so loud

Memories are playing in my dull mind
I hate this part paper hearts
And I'll hold a piece of yours
Don't think I would just forget about it

Ayaw ko man isipin ay kasabay ng pagkarinig ko sa kantang iyon ay ang pagbalik ng lahat ng alaalang pilit ko ng kinakalimutan. Ang mukha ng taong pilit kong nilimot sa loob ng mahigit isang taon.

Baro Cha...

Hoping that you won't forget about it
Everything is gray under these skies
Wet mascara
Hiding every cloud under a smile
When there's cameras
And I just can't reach out to tell you

Iniling iling ko ang ulo ko. Pilit na inalis kong inalis sa isipin ko ang mukha niya. Ang mukha ng lalaking nagdulot ng sobrang sakit sa akin.

Kalih! Talaga bang naiisip mo pa siya? Wag kang tanga. Bakit mo kailangang isipin ang taong mismong nanakit sayo. Ang tao na mismong nanloko sayo.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon