Chapter 33: Jealous Baro

46 24 16
                                    

Baro's POV

Pabalik na ako ng practice room ng makasalubong ko si Remarie sa pasilyo patungo doon. Ngumiti lang ito sa akin at hindi na huminto dahil halatang nagmamadali ito. Ilang araw na rin mula ng makapag-usap kami matapos ko siyang makita noon na mag-isang kumakain sa may fire exit. Magpapahangin sana ako sa lugar na iyon kung san ako madalas pag gusto kong mag isip kaya lang ay nauna siya sa akin , bestfriend ni Chinee at intern dito sa WM si Remarie.

" Hey You!"

Tumingin ito sa akin na tila ba may hinihintay pang pumasok doon maliban sa akin. Tapos ay nag usap kami. Seryosong pag-uusap. Nacurious din kasi ako sa sinabi sa akin ni Jinyoung Hyung na may gusto ito kay Shinwoo Hyung. Kaya itinanong ko na din.

" I think I am bound for a heartbreak this time." Nakita kong may lungkot na rumehistro sa mukha nito.

" With the kind of life we're living, there are a lot if difficulties that sorrounds us, it's up to you if you're willing to taje the risk." Sabi ko dito.

" Maswerte si Chinee dahil mahal siya ni Jinyoung. Pero paano ako?"

" Natatakot ka bang hindi ka kayang mahalin ni Shinwoo Hyung?" Diretsong tanong ko dito. Tinitigan ko siya sa mata at sinipat maiigi ang isasagot niya sa akin.

Hindi sumagot si Remarie, pero kita sa mga mata niya ang pag-aalala, lungkot at takot. Marahil ay dahil sa ayaw na nitong maulit ang nangyari sa kanya noon. O natatakot siya na hindi siya mahalin ng taong gusto niya.

Bigla naman akong napaisip. Nakaramdam ako ng pagkabahala. Marahil ay hindi lang para kay Rem kundi para sa sarili ko. Paulit ulit bumabalik sa isip ko ang napag-usapan namin tapos ay biglang naisip ko si Kalih.

Nakalimutan na ba talaga kaya niya si Jinyoung Hyung? Paano kung hindi pa? Paano kung hanggang ngayon ito pa din ang gusto niya. Ilan lang iyon sa mga tanong ko sa utak ko. Nakita ko mismo kung paanong nahulog ang loob ni Kalih dito kaya hindi ko pa din maiwasan ang mag-isip.

Nakarating na ako sa practice room. Binuksan ko ang pinto at wala sa loob na pumasok doon, hindi ko alam kung paano pero nakita ko na lang na nasa harapan ko na si Kalih. Nagtaka pa ito ng tila hindi ko siya napansin at tila nakatulala ako.

" May sakit ka ba? Bakit ganyan yung itsura mo?" Sabi nito sa akin. Nakita ko sa mukha nito ang pag-aalala.

Tinitigan ko si Kalih. Sabay sabay nanamang pumasok sa utak ko ang mga tanong ko kanina. Pati na rin lahat ng napag usapan namin ni Rem.
Wala sa loob na lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

" M-may problema ba? M-may nangyari ba?" Lalong bunakas ang pag-aalala sa tono ng boses ni Kalih.

Umiling lang ako. Tapos ay niyakap siya ng mas mahigpit. Hundi ko alam kung kailan pa nangyari sa akin ang ganito. Pakiramdam ko ay parang sasabog ang dibdib ko.

" P-pinag-aalala mo ako Baro-ssi. May problema ka ba?" Sinubukang kumawaka ni Kalih sa yakap ko pero hindi ko siya pinakawalan. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto pa bago ko siya pinkawalan.

Tinitigan niya ako at ganoon din ang ginawa ko sa kanya pero ngumiti ako pagkaraan lang ng ilang saglit.

" W-wala naman. Gusto lang kitang yakapin." Sabi ko dito.

Tapos ay ito naman ang hindi nagsalita sa halip ay niyakap ako.
" Pinag-alala mo ako. Akala ko ay kung ano ng nangyari sayo."

Ginantihan ko ang pagyakap niya.

Kahit alam ko na nag-iba na siya ng pakikitungo sa akin at iba na ang sitwasyon namin ngayon ay hindi ko pa din maiwasan ang mag-alala kung talagang nakalimutan na nito ang nararamdaman para kay Jinyoung Hyung.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon