Chapter 13: Pink Hair No More

63 37 14
                                    

Kalih's POV

" Kalih, samahan mo ako mamaya pagkatapos namin magpractice may pupuntahan ako." Seryosong sabi nito sa kanya.

" May Choice ba ako?" Bulong ko sa sarili ko.

" May sinasabi ka ba?" Baling nito sa akin.

" Wala po kamahalan." Kunwari ay ngumiti ako sa kanya. " Sasamahan na nga po kita diba?"

" Good!" Tanging nasabi lang nito bago muling nagpatuloy sa pagpapractice. Paminsan minsan ay nag aaway pa din kami kami at nagkakainitan pero hindi na tulad noong una. Napansin kong medyo nagbago ito ng pakikitungo sa akin at tila ba biglang sinapian ng anghel sa langit. Biglang bumait si loko.

" Kalih, samahan mo naman ako mamaya. Bibili kasi ako ng damit. Gusto kong ikaw ang pumili. Wala akong tiwala kay Sandeul Hyung eh." Maya maya ay lumapit sa akin si Channie. Nagpacute pa ito na para makasiguro na hindi ko siya tatanggihan.

" Ano kasi Channie..." hindi ko alam kung paano sasabihin dito na nagpapasama si Baro mamaya. Magsasalita pa sana ako ng biglang lumapit ito at inakbayan ako.

" Sorry Channie,pero sa akin muna si Kalih mamaya." Narinig kong sabi nito kay Channie.

" Eh!?" Bulalas nito.

Napatingin naman ako dito. Para kasing iba ang ibig sabihin ng sinabi nito.

" O bakit ganyan kayo makatingin?" Natatawang sabi ni Baro.

Hindi pinansin ni Channie ang sinabi ni Baro at hinawakan pa ako sa kamay. " Kalih! Sige na please!"

" Hay Gong Chan Shik!" Nagbabanta ang boses nito.

" Bakit?" Nagmamaktol na tanong nito. Sumimangot pa ito at tila bata na nag make face.

" Wala!" Sumuko din si Baro kay Channie. " Sige na sumama ka na sa amin mamaya. Habang naghihintay kayo eh pwede mong hilahin si Kalih."

Nagliwanag naman ang mukha ni Channie at tinigilan na sya. Tapos ay nagpatuloy na din ito sa pagpapraktis.

Nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Ren Unnie. Pinapakuha nito ang schedule ng B1A4 para sa susunod na linggo. May inutos daw kasi dito si Morgan Oppa kaya di siya makaalis. Sandali naman akong nagpaalam sa mga ito para pumunta sa office ni Morgan Oppa.

Habang naglalakad patungo doon ay may nasalubong akong isang pamilyar na babae. Inisip ko kung saan ko ito unang nakita at agad ko namang naalala. Yun yung babaeng nakabunggo ko noon na ubod ng sungit. Marahil ay napansin nito na nakatingin ako sa kanya kaya lumapit ito sa akin.

" You're Jinyoung Oppa's PA right?" Maarteng tanong nito sa akin.

Kung nakakamatay lang ang kaartehan baka matagal na itong kinuha ni Lord. Teka si Lord nga ba ang kukuha?

Kunwari ay ngumiti ako tsaka tumango. " Ako nga."

" Pwede mo ba itong ibigay sa kanya?" Sabay abot sa akin ng isang box na tila may lamang cake.

" Huh?" Paninigurado ko sa sinabi nito.

" Bingi ka ba? Ang sabi ko ibigay mo ito sa kanya!" Iritableng sabi nito sa akin.

Wow! Hi di ba uso sayo ang salitang paki? Bulong ko sa sarili ko. Tapos ay kinuha ko iyon sa kanya tsaka tumango.

" Make sure na maibibigay mo yan sa kanya okay." Muling sabi nito sa akin. Inirapan pa ako nito pagkatapos ay tumalikod.

Juice ko Lord. Hindi ba ako tatantanan ng mga taong may attitude problem? Ano po bang kasalanan ko at nilalapit niyo ako sa kanila?

Bumalik ako sa practice room at hinanap kaagad si Jinyoung Oppa. Pero hindi ko ito makita. Maya maya pa ay lumapit sa akin si Baro at tinanong kung ano yung dala ko.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon