Epilogue

79 15 90
                                    

Nangingiti ako habang inaalala ko yung nangyari sa Bar. Nag-aya si Sandeul na magTruth or Dare at sinang-ayunan naman ng lahat.

Ang hindi nila alam ay binulungan ko si Sandeul bago ito mag-umpisa sa gusto nitong gawin. Sabay kaming nagpaalam para magpunta ng CR ng mga oras na iyon at doon ay kinausap ko ito. 

"Noong huling naglaro tayo ng ganyan pinagdudahan niyo yung sagot ni Chinee." Naiiling na sagot ni Sandeul matapos ko itong kausapin at sabihin ang plano ko.

Kailangan kong mapaamin ngayon si Kalih kung ano ba talagang nararamdaman nito para sa akin. It's now or never.

"Sige na! Ako ng bahala sayo. Ililibre kita ng kahit anong gusto mo." Pangungumbinsi ko dito.

"Eh ano ba kasing dapat kong gawin?" Sabi nito sa akin.

Ibinulong ko dito ang dapat na gawin oras na tumapat sa akin ang bote. Napakamot muli ito ng ulo habang nakikinig sa akin.

"Bakit nakangiti ka diyan?" Narinig kong sabi ng isang tinig mula sa bagong dating. Kasalukuyan akong nasa practice room dahil naiwan pa ako dito matapos akong layasan ng ibang miyembro.

Naputol naman ang lahat ng pag-iisip ko ng makita ko si Kalih na papalapit sa akin mula sa pinto. Umayos ako ng upo at bumaling sa direksyon nito.

"Wala naman." Muli itong ngumiti. "Hinapit ko ito papalapit sa akin at niyakap ang beywang nito.

" I love you." Sabi ko dito maya maya pa.

"Sus, bakit ang sweet mo ngayon? May kasalanan ka ba?" Nagatatakang tanong ni Kalih.

"Pag malambing may kasalanan agad?" Angil ko dito.

Tumawa lang ito at nakita hinawakan ang magkabilang pisngi ko tsaka ako hinalikan sa labi.

"Magkikita pala kami ni Jeonghan ngayon." Narinig kong sabi ni Kalih sa akin.

Agad akong bumitaw sa kanya. Iba pa din talaga ang epekto sa akin ng pangalan ng lalaking iyon. Sumimangot ako at kunwari ay nagtampo.

"Hala siya. At bakit ganyan yang istura mo?" Kabaliktaran naman ang reaksyon niya. Pigil ang ngiti niya at tila ba nang-aasar.
Tapos ay nilaro laro nito ang tenga ko.

Nakita kong suot suot niya a g bracelet na bigay ko sa kanya noon. Yung mismong bracelet na isinoli niya sa akin at pinabalik ko sa kanya kay Rem.

Hinawakan ko ang kamay niya para tignan ulit iyon.

"Kelan mo pa sinuot ulit to?" Nagtatakang tanong ko. Nun ko lang kasi nakitang muling suot niya ito.

"Matagal ko ng sinusuot ulit to. Kahit noong nasa Japan pa ako hindi ko ito hinuhubad." Sabi niya sa akin. "Para alam ko na kahit malayo ka sa akin, may bahagi ng sarili mo na kasama ko palage."

"Bakit ngayon ko lang nakitang sinuot mo yan?" Nakangusong sabi ko.

"Siyempre alangan namang isuot ko to sa harap mo. Tapos kung ano pa isipin mo." Nakangiting sabi nito sa akin.

"At ano namang iisipin ko?" Balik na tanong ko dito.

"Mamaya isipin mo na humohopia pa din ako sayo. Eh may EunJi ka na nga diba?" Ito naman ang tila may himig ng tampo ang tono.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. At lalong hinapit sa beywang niya.

"Wala namang owedeng pumalit sayo. Wala naman akong mamahaling iba kundi ikaw. Kahit na pinahirapan mo ako ng husto." Natatawang sabi ko dito.

Padabog siyang humiwalay sa akin.

"Ah ganon ah?"

"Aigooo! Wag ka ng magtampo diyan. Aawayin mo nanaman ba ako?" Di ko pa din maiwasang ngumiti.

Hindi ito sumagot at nanatiling tahimik lang kaya tumayo ako at lumapit tapos ay niyakap ko ito patalikod.

"Alam mo bang kinuntsaba ko pa si Sandeul para lang magkaayos tayo. Tapos aawayin mo lang ako ng ganyan." Malambing na sabi ko dito.

Bumaling siya paharap sa akin at tinignan ako ng buong pagtataka. "Kununtsaba?"

Tumango ako. "Oo! Yung truth or dare, ako ang may pakana nun. Kinausap ko siya non nung magCr kaming dalawa."

Nanatili siyang nakatingin sa akin at nakikinig.

"Tapos sinabi ko sa kanya na kung sakaling tumapat yung bote sa akin, na ipinalangin ko naman na tumapat sa akin eh I-dare niya ako na lumapit sa ibang babae." Paliwanag ko dito.

Nakita kong otamatikong sumalubong ang kilay niya sa narainig. Tapos ay walang abog na akmang aalis. Pinigalan ko ito at natatawang muling ibinaling siya pahara sa akin.

"See! Ganyang ganyan ang reaksyon mo nun. Alam kong kahit pinagtatabuyan mo ako noon, you can't handle seeing me with another women. Kaya naiisip ko ang idea na yun na ginawa naman ni Sandeul." Pagpapatuloy ko.

Bumintong hininga lang ito bilang tanda ng pagsuko.

"Baby You can't stand seeing me flirting with other women  at napatunayan ko yan nung bigla ka na lang umalis nung nakita mo akong lumapit sa babae dun sa bar." Hinaplos ko ang pisngi niya at malamlam siyang tinignan. "I am still your weakness."

"At tuwang tuwa ka nam-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay agad ko siyang hinalikan.

"I love you Kalih."

"I love you too Baro Cha! Dati si Rem ang kinuntsaba mo para kausapin ako nung paalis ako, ngayon naman si Sandeul. Sino naman kaya ang susunod?"  Nakita kong muli siyang ngumiti.

"At kahit paulit ulit ko pang kuntsbahin sina Rem at Sandeul o kahit sino pa sa mga kaibigan natin gagawin ko para lang magkaayos tayo. Ayokong mawala ka pa sa akin Kalih." Buong lambing na sabi ko dito.

"Wala naman na akong planong lumayo sayo. Pero kapag nakita kong may lumapit na babae sayo o may inentertain ka,lagot ka sa akin." Sabi nito tapos ay tumalim ang tingin nito sa akin.

"Aishhh! Kahit titingin lang bawal!"

"Subukan mo, para makita mo yang hinahanap mo." Pagbabanta nito.

Niyakap ko siya na para akong bata.
Nagpout pa ako ng lip para magpacute sa kanya ngunit kahit anong gawin ko ay nanatili itong may nakakatakot na tingin sa akin.

"Seryoso ako Baro Cha! May kalalagyan ka kapag ginawa mo yan."

Napalunok na lang ako sa sinabi nito. Bakas sa mukha nito na seryoso ito at hindi nagbibiro.

------

#Baro#JustTheTwoOfUsEpilogue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#Baro
#JustTheTwoOfUsEpilogue

jhieramos

100417

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon