Chapter 35: Jeonghan's Confession

36 24 28
                                    

Nasa cafeteria sila Baro at Kalih ng WM na nasa lobby lang ng ng building. Napag usapan nila na magkasabay silang kakain ng tanghalian doon. Hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala si Kalih sa estado nila ni Baro, na ni sa hinagap ay hindi na naisip na pwedeng mangyari ang ganon sa kanila.

Tinitigan niya ito na ngayon ay katabi niya ng upuan. Nakangiti lang din ito sa kanya matapos kumuha ng pagkain nilang dalawa.

" Maagang matatapos ang practice namin mamaya para sa concert next week. Ikaw anong oras ang tapos ng practice mo?"

Bago pa makasagot si Kalih ay isa isang nag upuan sa tabi nila si Gongchan at Sandeul. Startled for a bit. Baro acted naturally pero si Kalih ay halatang nagulat sa pagdating ng mga ito.

" Hyung, Kalih! Bakit nagsosolo kayo dito? Hindi man lang kayo nagyaya." Angil ni Gongchan na sinisipat maigi ang kinakain ni Kalih.

" Ang akala ko kasi sasabay kaso kila Jinyoung Hyung at Shinwoo Hyung kaya di ko na kayo niyaya." Sagot naman ni Baro sa maktol ni Gongchan.

" Yah! Ang sama niyo. Yung dalawa iniwan kami ni hindi din kami niyaya, sa labas daw sila kakain nila Chinee at Rem." Sabi naman ni Sandeul.

" Magkasama si Shinwoo Hyung at Rem?" Nagtatakang tanong ni Baro, bumaling pa uto sa katabi na si Sandeul.

" Ano namang nakakapagtaka doon? Kayo nga ni Kalih, daig niyo pa asot pusa dati pero magkasama kayo ngayon." Natatawang sagot ni Sandeul.

" Excuse me! Dati yun. Iba na ngayon dahil kami na ni Kalih." Kaswal na sabi nito.

Sabay sabay na tiningnan ni Sandeul at Gongchan si Baro. Samantalang nag-angat ng ulo si Kalih at natigil ang pagsubo ng marinig ang sinabi ni Baro.

" Anong sinabi mo Baro-ssi?" Ulit na tanong ni Sandeul.

" Na ano? Na kami na ni Kal-"

Hindi na natapos pa ni Baro ang sasabihin ng isubo sa kanya ni Kalih ang cupcake na kanina ay nasa platito lang at nasa harapan nito, sakto iyon sa bibig niya at talaga namang nagpatahimik sa kanya para magsalita pa. Nagulat naman si Baro sa ginawa nito, pero hindi na magawa pang magsalita.

Alanganin namang tumawa si Kalih habang hawak pa din ang cupcake na isinubo nito sa bibig ng binata. Sinenyasan niya itong manahimik at wag ng maingay.

" Nagugutom ka di ba?" Tumingin ito kay Baro bago sinulyapan sila Sandeul at Gongchan tsaka alanganing ngumiti. Sinumpak niya talaga kay Baro ang isang buong cupcake at wala siyang pakialam kung mabilaukan ito.

" May sinabi ka ba Baro-ya, narinig kong sinabi mo na ka...yo ni Ka...lih? Tama ba?" Halinhinan pa silang itinuro ni Sandeul upang siguruhin na tama ang narinig nito.

Magsasalita pa sana si Baro pero hindi na hinayaan ni Kalih na maibuka pa niya ang bibig niya.

" Wag ka ng maingay sa diyan, bakit ba ang daldal mo?" Bulong nito kay Baro bago tinignan si Gongchan at Sandeul. " N-nagbibiro lang tong si Baro, ang ibig niyang sabihin doon,   K-kami na... kami na lang ang magkasamang maglunch ngayon. O-oo tama, yun nga yun."

" Bakit parang natetense ka Kalih?" Kaswal na tanong ni Gongchan.

" Huh? W-wala to. Medyo mainit kasi kaya ganito ako. Pero okay... okay na ako." Pangangatwiran niya.

Laking pasalamat ni Kalih ng nanahimik na sila Gongchan ng kakatanong sa kanya. Tapos ay
nagpaalam din sila Sandeul at Gongchan pagkaraan ng ilang saglit at napagpasyahan na kumain na lang sa labas. Naiwan muli sila ni Baro na di naman magkanayaw sa pag-inom ng tubig dahil sa muntik na itong mabilaukan.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon