Chapter 21: Feelings

68 34 20
                                    

Araw ng pag alis nila papunta sa Spa resort na inorganize ng Management ng WM para sa mga artist nito. Hindi pa rin makapaniwala si Kalih na kasali siya ngayon hindi bilang PA ng B1A4 kundi bilang trainee ng WM. Halos naghihintay na ang lahat para makaalis, kasama niya ang grupo si Chinee at YoonJi.

" Sino pa bang hinihintay,bakit ang tagal umalis." Bulalas ni Channie na tila ba naiinip na sa kahihintay at halatang excited na sa trip nilang iyon.

" Wala pa ata yung iba. Umupo ka na nga lang muna diyan Channie.

" Okay, kumpleto na tayo,sumakay na ang lahat sa bus. Maya maya lang ay aalis na tayo." Narinig nilang sigaw ni Morgan.

Agad namang kumilos ang mga kasama nila. Isa isang nagsiakyatan ang mga ito sa bus. Magkatabi sila Chinee at Jinyoung, sila YoonJi at Shinwoo, Si Channie naman ay nauna ng nakaupo at mukhang hinihintay syang tumabi dito.

" Kalih, tabi tayo bilis!" Excited na sabi nito. Pero bago pa siya makaupo doon ay hinila na siya ni Baro at iniupo siya sa upuan na katapat ng upuan ni Channie, sumimangot ang huli sa ginawa ni Baro, nakaharang na din ito sa dadaanan ni Kalih kaya di na magawang lumabas nito para tumabi kay Channie. Wala itong nagawa dahil umupo naman si Sandeul sa tabi nito.

" Yah! Bakit nakasimangot ka diyan?" Baling ni Sandeul kay Channie. " Ayaw mo ba akong katabi?"

Hindi kumibo si Channie at nakasimangot na tumingin sa labas ng bintana na tila ba nagtampong bata.

" Aigoo, ang baby namin, parang tanga lang. Tumigil ka nga dyan Channie, sige ka marami pa naman akong baon dito na pagkain. Mahaba ang byahe natin hindi ka magugutom." Pagsusuyo ni Sandeul.

Tila nagliwanag ang mukha no Channie na humarap dito tsaka ngumiti.

" Ay Hyung! Ikaw naman talaga ang gusto kong katabi eh." Paglalambing nito.

" Yah! Gusto mo lang akong katabi dahil sa pagkain ko?" Reklamo ni Sandeul.

May ilan pang pumasok sa Bus bago ito umalis, naagaw ang atensyon ni Kalih ng pumasok si Yesha na pinakahuling sumakay, nagpalingalinga ito at tila naghanap ng mauupuan tapos ay napabaling sa direksyon nila ni Baro. Nakita niya kung paano siya tignan nito. Pagkatapat nito sa upuan nila ay muli siyang tinignan nito tsaka ngumiti kay Baro at nagpatuloy maglakad papunta sa likod.

" Okay guys, paalis na tayo!" Sigaw ni Morgan. " Let's enjoy this trip okay!"

" Okay!" Masayang sigaw ng mga tao sa bus.

Mahaba haba na ang nababyahe nila, inilibot ni Kalih ang mata sa paligid nakita niyang tulog na tulog sila Sandeul at Channie na katapat nilang upuan, sinilip niya sila Jinyoung at Chinee na nasa unahan nila Sandeul at mukhang tulog din ang mga ito. Nagulat naman siya ng ilagay ni Baro sa tenga niya ang isang earpiece mula sa headset nito.

" Matagal ang byahe, magrelax ka lang muna." Sabi nito sa kanya habang nakapikit.

Inayos niya ang pagkakalagay noon at umayos ng upo. Pinakinggan niya ang music na pinatutugtog nito mula sa cellphone nito. Hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.

Hindi alam ni Kalih kung gaano siyang katagal na nakatulog. Nagdilat siya ng mata, naramdaman niyang parang nakahilig ang balikat niya at may kamay na nakahawak sa pisngi niya. Pamilyar sya sa klase ng hawak na iyon. Mag aangat sana sya ng mukha ng pigilin siya nito.

" Sleep, we're almost there. Kailangan mo ng energy para sa mga activities mamaya." Bulong nito tapos ay marahang tinapik ang pisngi niya.

Matapos ang halos apat na oras na byahe ay narating nila ang lugar na pagbabakasyunan nila sa loob ng dalawang araw.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon