Chapter 3: Jung JinYoung

95 46 37
                                    

Kalih's POV

Kaharap ko ngayon si Jana ang matalik kong kaibigan. Tinawagan ko siya kanina dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Mabuti at agad naman niya akong pinuntahan at dinala sa apartment niya nang malaman niyang pinalayas ako ng kasera ko sa apartment na tinutuluyan ko.

Pinakiusapan ni Jana ang kasera niya kanina na baka pwedeng dito muna ako tumuloy at pumayag naman kaagad ito, kung hindi ay wala talaga akong matutuluyan ngayong gabi at malamang ay sa kalsada ako pupulutin.

Daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa sa kamalasang inabot ko ngayong araw. Unang kamalasan ay iyong inaakala ko na magiging trainee na ako, hindi naman pala at bumagsak lang ako sa pagiging P.A. Tapos ngayon naman pinalayas ako sa apartment ko dahil yung maldita kong kasera eh nakahanap na ng ibang tenant niya.

Ano naman kaya ang susunod, sabi ko sa utak ko sabay buntong hininga.

"Nakakaloka yang kasera mo. Noon ko pa yan gustong awayin, ang sama ng ugali! Kaya walang lovelife eh." Naiinis na sabi ni Jana. "Ano ng balak mo?" Biglang napalitan ang ang inis nito sa pag-aalala matapos nitong ma0ansin na wala akong imik.

Umiling ako dahil kahit ako ay hindi ko rin alam kung ano ang isasagot at kung ano ang dapat kong gawin. Ang dami ng laman ng utak ko at pakiramdam ko ay masakit na ang ulo ko kakaisip.

"Hindi ko alam Jana. Sa totoo lang hindi ko na rin alam."

"Eh kung umuwi ka na lang kaya muna sa papa mo." Wala sa loob na sabi nito, blangko ko itong tinignan at mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

"Oh eh sabi ko nga wag kang umuwi sa papa mo eh. Dito ka na lang, kasya tayo dito." Tanging nasabi lang nito sa akin tapos ay binawi ko na ang tingin ko sa kanya.

Alam ni Jana ang mga hinanaing ko at ang mga pinagdadaanan ko. Matagal ko na siyang kaibigan at wala akong naililihim sa kanya. Alam niya ang lahat ng sama ng loob ko sa papa ko at sa pamilya nito. Minsan hindi na lang ito kumikibo at tanging pag-aalo na lang ang ginagawa sa akin, lalo na tuwing namomoroblema ako.

Mahimbing ng natutulog si Jana, magkatabi kami sa kama niya dahil hindi ito pumayag na sa sahig ako matulog tulad ng sinasabi ko rito kanina. Nagalit pa nga ito nang ipilit ko ang gusto ko. Pakiramdam daw niya ay mqgiging napakasama niya kung hahayaan niyang sa sahig ako matulog at kahit na ayaw ko ay wala rin akong nagawa kundi ang tabihan ni Jana.

Mag aalas-dos na ng umaga pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko na kung anu-ano at tila isa-isang nag-uunahan ang mga isipin na iyon sa utak ko. Kahit ako, hindi ko na rin alam ano ang uunahin. Nakatulugan ko na ang pag-iisip, madalas ay ganito ang nakagawian ko.
----

Umaga na nang maramdaman kong tila wala na akong katabi sa kama. Kinapa ko ang tagiliran ko at napagtanto kong wala na si Jana sa tabi ko. Tapos ay tumingin ako sa cellphone, napamulagat ako ng makita ko kung anong oras na.

Alas-siyete na ng umaga, Shet!

Napabalikwas kaagad ako ng bangon. Alas otso dapat ay nasa WM na ako para sa practice ng B1A4. Nagmamadali akong naligo, tila dalawang minuto lang ako sa banyo tsaka mabilis na nagbihis at umalis.

Pumara ako ng taxi para mas mabilis akong makarating sa WM, nakasakay naman ako kaagad ngunit bigla namang nagkatrapik.

Kapag minamalas ka nga naman.

Pasado alas-otso y medya na nang makarating ako sa WM. Agad kong pinuntahan ang practice room ng B1A4 na nasa third floor ng building nito, bumuntong-hininga muna ako bago pumasok. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Gongchan at Baro na napatingin pa sa gawi ko. Nakita kong tumalim ang tingin noong huli sa akin, hindi ko pinansin iyon sa halip ay nagtuloy-tuloy ako sa loob at inasikaso kaagad ang mga gamit nila.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon