Chapter 25: What Happened?

51 34 17
                                    

Ilang araw matapos sabihin ni Morgan ang magandang balita sa kanya ay puspusan ang pagpapractice ni Kalih. Alam niyang kailangan niyang ipakita ang lahat ng kaya niya oras na magperfrom sya. Dinoble niya ang oras na ginugugol niya sa pag eensayo. Maging si Yesha ay tila bakasyon sa pangbubully sa kanya dahil tuwing nagkikita sila ay umiiwas ito sa kanya.

" Yah Kalih-ya! Ang galing mo naman." Nakita niya si Sandeul at Gongchan na papasok ng practice room eksaktong kakatapos niyang sumayaw. Ang tantiya niya ay kanina pa siya pinapanuod ng mga ito.

Nahiya siya ng marinig iyon. Lumapit naman ang mga ito sa kanya at inabutan siya ng tubig at towel.

" Ganto pala ang pakiramdam nung ginagawa mo sa amon dati." Natatawang sabi ni Gongchan na ang tinutukoy ay ang pagbibigay sa kanila noon ni Kaloh ng tubig at yowel tuwing matatapos sila magpractice.

" Yah! Di niyo naman to kailangang gawin!" Angil ko sa mga ito.

" Ano ka ba? Wala naman to kumpara sa ginawa mo noon sa amin no." Singit ni Sandeul. " Lunch tayo. Nagugutom ako."

" Kelan ka ba hindi nagutom Hyung?" Natatawang sita dito ni Gongchan.

" Ah ganon ah!" Bumaling ito sa katabing binata." Sige wag kang sumama sa amin ah!"

" Ay Hyung!" Kumapit si Gingchan sa braso ni Sandeul. " Sasama ako. Iiwanan mo nanaman ako tapos kayo nanaman ni Kalih magkasama!"

" Oh e di umayos ka, wag kang ano dyan!" Natatawang sabi ni Sandeul tapos ay bumaling ito sa kanya. " Tapos ka na ba?"

Tumango siya tsaka sumama sa mga ito para magtanghalian.

Sa isang restaurant sa di kalayuan sila nagpaunta. 10 minute drive lang iyon mula sa WM kaya makakabalik sila kaagad. Nakaupo na sila at umoorder ng magsalita si Sandeul.

" Tinext ko si Baro. Nung nalaman niyang kasama ka namin nagreply kaagad. Susunod daw siya." Sabi nio sa kanya.

Kunwari ay hindi niya iyon narinig at itinuon ang atensyon sa menu. Umorder sya sa waiter at tsaka naghintay.

Habang naghihintay sa order nila ay sabay sabay pa silang lumingon ng may nagsalita mula sa kalapit nilang table.

" Kitty!" Sabi nito na kumaway pa pagkatapos.

Aissssshh! Sinabi ng tigilan ako ng kakatawag niya ng Kitty eh.

Tumayo ito at nilapitan sila.

"Hyung!" Bati nito kau Sandeul.

" Jeonghan-ah, dito ka din pala kumakain."sabi ni Sandeul.

" Oo Hyung kasama ko yung ibang members, kakatapos lang ng practice namin kaya nag lunch out kami." Maiksing paliwanag niya. " Nandito ka din pala Kitty?" Nakangiting bati nito sa kanya.

Tiignan niya ito na tila ba sinasabi niyang tumigil na soya ng kakaKitty sa akin pero tila binaliwala niya alng iyon.

" Kitty?" Nagtatakang sabi ni Gongchan. " Hyung sino ba siya at bakit Kitty ang tawag niya kay Kalih?" Bulong ni Gongchan kay Sandeul.

" Ah, Jeonghan-ah ito nga pala si Gong Chan Shik ang maknae ng B1A4, Channie si Yoon Jeonghan member ng Seventeen, nakilala namin siya sa opening ng restaurant ni Jin... Pero teka, bakit nga ba Kitty ang tawag mo sa kanya?" Itinuro pa sya ni Sandeul matapos sabihin iyon.

Natawa naman si Jeonghan. " Noong una ko kasi siyang nakita may headband siya ng tenga ni Hello Kitty. Ang cute nga niya non eh. Kaya I decided to call her Kitty."

Bumaling silang lahat kay Kalih na ng mga oras na yun ay hiyang hiya na sa nangyayari.

" Yung headband na napagkatuwaan mong isuot? Yung nakita mo sa kotse ko?" Natatawang tanong ni Sandeul.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon