Chapter 6: Sometimes

87 42 38
                                    

" Bakit?" Sarkastikong tanong ni Baro ng mapansing nakatingin siya dito.

" Hindi ko alam kung anong problema mo sa akin at tila ba lagi kang iritable na makita ako." Sabi ni Kalih dito.

Natahimik naman ang ibang miyembro at tinignan lang sya. Nabakas niya ang tila ba gulat ng makita sya.

" Wala akong problema sayo." Sagot ni Baro. " Ayoko lang ng may ibang tao dito."

" Ginusto ko ba to? Bakit ba gigil na gigil ka sa akin. Bakit ang init ng dugo mo sa akin? Sabihin mo nga? Anong ginawa ko sayo huh?!" Inis na sabi niya.

Hindi kumibo si Baro. Nagiwas lang ito ng tingin pero mukhang nairita ito sa ginawa niya.

" Hindi ko naman gustong magstay dito. Hindi naman ako nagiistay dito dahil lang sa kagustuhan ko! Kailangan ko to para matupad ang pangarap ko. Oo tama ka, ginagawa ko to para sa pangarap ko. Masama bang gawin ko ang lahat ng pwede kong gawin para doon?" Nagsimulang mag init ang mga mata niya. Anumang oras ay tila babagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. " Ikaw, nakukuha mo ang gusto mo. Nakukuha mo lahat ng gusto mo! Wala kang ibang iniisip kundi sarili mo? Wala naman akong ginagawa sayo tapos ano? Pagdidiskitahan mo ako?" Kusang lumalabas ang mga salitang iyon sa bibig niya. Marahil ay napuno na sya at kailangan na niyang ilabas ang laman ng dibdib niya, lahat ng hinanakit niya. " Hindi ko naman hinihiling na gustuhin mo ako. Pero sana naman irespeto mo ako. Sana naman tratuhin mo ako ng tama. Kasi nakakapagod na gawin tong lahat. Nakakapagod na!" Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Kalih.

Automatic namang tumayo si Jinyoung sa kinauupuan nito. Kinuha ang kamay niya at marahang hinila sya palabas. Binitawan siya nito ng makarating sila sa rooftop. Hindi niya alam noong una kung san sya nito dadalhin dahil hilam ng luha ang mga mata niya. Napayuko na lang sya at tahimik na umiyak.

" Pagnalulungkot ka o nagagalit. O kung hindi mo lang maintindihan yung nararamdaman mo dito ka pumunta. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo dito. Sumigaw ka, umiyak ka, sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. Tapos tumingin ka sa paligid. Pagmasdan mo yung mga ilaw. Yung mga tao sa baba. Lahat sila nakatingala kapag tinignan kanila mula dito. Lahat sila nakatingala sayo." Sabi nito.

Nag angat siya ng mukha. Naiinis sya sa sarili niya dahil hindi niya nakontrol ang emosyon niya. Hinayaan niyang kainin siya ng emosyon at galit niya.

" I-I'm sorry." Tanging nasabi Kalih

Nakita niyang umiling si Jinyoung.
" Wala kang kasalanan. Kami ang dapat humingi ng tawad sayo." Seryoso na sabi nito. " Imbis na sarili mo na lang ang iintindihin kailangan mo pang magtiis na kasama kami para lang matupad ang mga pangarap mo." Sabi ni Jinyoung. Punong puno ng sinseridad ang boses nito. Na para bang sinasabing magiging ayos din ang lahat.

Napuyuko muli si Kalih ng marinig niya iyon. " Parang dapat siguro sumuko na ako sa pangarap ko. Baka kailangan tumigil na ako. Mas mainam yun kaysa umaasa ako sa wala. Tahimik ang buhay ko. At hindi ko kailangan gawin ang mga bagay na ayaw ko." Sabi ni Kalih dito, tumanaw siya sa malayo.

Lumapit ito sa kanya tapos ay marahang tinapik ang ulo niya na para bang isa syang paslit. " Hindi sinusukuan ang pangarap Kalih." Nakangiting sabi nito. " Pwede tayong mapagod, pwede tayong tumigil minsan pag di na natin kaya. Pero hinding hindi dapat sinusukuan ang pangarap."

Tumingin muli si Kalih sa kanya. Ang aliwalas ng mukha niya. Tila ba kayang pagaanin noon lahat ng sakit na nararamdaman niya.

" Nandito kami okay. Si Baro ganon lang talaga yun. Topakin lang talaga sya minsan. Pero mabuti siyang tao." Muling sabi niya.

Naalala ko nanamang muli ang sinabi ni Baro. Nakuyom ko ang palad ko sa isiping iyon.

" Iiwan muna kita dito. Kapag okay ka na. Bumaba ka na doon. Para makakain ka. Nagpadeliver ako ng pagkain natin. Padating na din yon." Tumingin pa ito sa relo niya bago ngumiti at tuluyang umalis.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon