Chapter 49: Lost Stars

49 19 21
                                    

                    Now playing:

         Lost Stars by Jeon JungKook

   Please don't see just a boy caught 
        up in dreams and fantasies
     Please see me reaching out for     
               someone I can't see
  Take my hand, let's see where we   
               wake up tomorrow
Best laid plans sometimes are just
               a one night stand
I'll be damned, Cupid's demanding
                  back his arrow
     So let's get drunk on our tears...

-----
Kaharap niya ngayon si Sandeul at Gongchan. Seryoso ang mga mukha nito lalo na si Sandeul ng makita siya ng mga ito habang patungo siya sa audience area ng studio para maupo. Alanganin namang ngumiti si Kalih sa dalawa wala na siyang nagawa pa kundi ang harapin ang mga ito.

"Sandeul, Channie." Bati ko sa mga ito. Umakto pa siyang kinawayan sila at alanganing ngumiti.

Lumapit ang mga ito sa kanya at tinignan lamang sya mula ulo hanggang paa.

"At wala ka man lang balak ba sabihin sa amin na nandito ka na? Na nakauwi ka na?" Sabi ni Sandeul. May himig ng pagtatampo ang boses nito.

"P-pasensy na." Hindi na siya nagdahilan pa. Totoo naman kasing lahat ang sinabi nito.

Lumapit sa kanya si Gongchan at niyakap siya ng mahigpit. "Akala namin hindi ka nanamin makikita. Bigla ka na lang kasing nawala."

Gumanti siya ng yakap dito. Tapos ay pagkalas nito ay nilapitan niya si Sandeul na alanganing galit at nakasimangot ang expression ng mukha.

" Sandeul-ssi, wag ka ng magalit." Hinawakan pa niya ito sa braso at tila ba marahang winasiwas iyon.

"Yah! Bitawan mo ako."

"Galit ka pa din eh." Naglalambing na sabi niya.

"What do you expect us to feel? Hindi ka nagpaalam at basat ka na lang umalis. Tapos lahat kami hindi mo kinontak? Anong gusto mong maramdaman namin." Sabi nito sa kanya.

"Sorry na nga. Hindi ko na uulitin yun. Ililibre ko kayo ng dinner para makabawi ako." Deklara niya. Alam niyang iyon ang kahinaan nito. Pagkain...

At hindi siya nagkamali. Pagkabanggit pa lang niya ng salitang dinner ay tila ba nagliwanag ang mukha nito. Ngumti tsaka siya kinausap ng maayos.

"Tara na. Ngayon ka na manlibre ng dinner." Sabi nito na hinwakan pa ang kamay niya.

"Wait!" Awat niya dito. "Kailangan ko lang panuorin yung performance ng Seventeen tapos magpapaalam ako kay Jeonghan. Magkit-"

"Saglit! Jeonghan ng Seventeen? Bakit kailangan mong magpaalam sa kanya?" Curious na tanong ni Sandeul sa kanya.

"H-huh? Ano kasi st-"

"Mauuna na ako." Sabi ng isang tinig na galing sa likod ni Gongchan.

Napalingon sila doon at nakita nila si Baro. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin sa halip ay tinapik nito si Gongchan tsaka dirediretso na lumakad.

"Ay Hyung!" Tawag ni Gongchan dito ngunit di na ito lumingon at kumaway lang ng patalikod.

Sinundan niya ng tingin ang paalis na na si Baro. Tila nakaramdam naman siya ng kirot sa tila di pagpansin nito sa kanya.

"Kalih?" Narinig niyang sabi ng isa pang tinig. Nilingon niya iyon at nakita niyang palapit si Jinyoung.
"Ikaw ba talaga yan?"

Ngumiti siya dito. Tapos ay muli siyang lumingon sa gawi na pinaglabasan ni Baro. Bakit ba pakiramdam niya ay nasasaktan siya sa kung paano makitungo ito sa kanya.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon