Chapter 11: Letting Go

65 40 28
                                    

Kitang kita ni Baro kung paanong nagbago ang expression sa mukha ni Jinyoung ng makita nito si Chinee. Bigla ay tila ba binuhusan ito ng malamig na tubig. Tinignan niya si Chinee pagkatapos. Nakangiti nitong kinakausap si Sandeul at Kalih na ngayon ay katabi nito.

" Okay guys, bigay na natin yung regalo natin kay Kalih." Maya maya pa ay sabi ni Sandeul. " Mauuna na ako." Inabot nito kay Kalih ang isang malaking paper bag.

" Wahhh! Ang laki niyan hyung." Namamanghang sabi ni Channie.

Tila naman proud na ibinida ni Sandeul ang regalo niya. " Buksan mo na Kalih bilis!"

Nakangiting binuksan ni Kalih ang regalo ni Sandeul. Isa iyong malaking duck stuff toy. Nagatawanan ang lahat maliban kay sa kanya at si Jinyoung.

" Hyung, bakit sarili mo niregalo mo kay Kalih?" Natatawang sabi ni Channie.

" Yah! Channie. Ang tagal ko bago nahanap yan nu." Pagmamaktol nito.

Ngumiti si Kalih at nagpasalamat kay Sandeul. Tapos ay si Channie ang sumunod. Inabot nito kay Kalih ang paper bag na binili nito kanina bago sila umuwi ng dalaga.

" Kalih oh." Sabi nito sabay abot ng paper bag kay Kalih.

Binuksan niya ang paper bag at nakita nito na isang headphone ang laman nun. At hindi lang basta headphone kundi mamahalaing klase.

" Channie!" Nakangiting sabi ni Kalih dito. Umangkla pa si Kalih dito.

" Para pag nagpapractice ka or makikinig ka ng music maganda yung tunog. Nakita ko yung gamit mo medyo luma na."

Si Shinwoo naman ay jacket at scarf ang bigay sa dalaga.

" Para hindi ka na magkasakit." Ngumiti pa ito matapos buksan ni Kalih ang regalo nito.

Ibinigay din ni Chinee at Jana ang regalo ng mga ito sa kanya.

" Hyung." Baling ni Channie kay Baro. " Asan yung sayo?"

" N-nakalimutan kong bumili." Kaswal na sabi niya.

" Ay Hyung! May umaattend ba ng birthday ng walang dalang regalo?" Sabing muli ni Channie.

" Busy ako kanina kaya di na ako nakabili." Tapos ay bumaling siya sa ibang direksyon.

" Ayos lang Channie. Hindi na ako umaasa dyan." Nanunuksong sabi ni Kalih kay Baro.

" Abat!" Sinimangutan ni Baro si Kalih.

" Jinyoung Hyung! Ikaw na!" Sabi ni Sandeul sa noon ay tahimik na si Jinyoung.

" Ah, sandali lang." Sabi nito tapos ay tumayo ito at nagtungo sa silid nito. Nagtataka naman sila dahil sandaling nawala ito. Sinamantala naman iyon ni Baro. Sinundan niya si Jinyoung sa silid nito.

Pumasok si Baro sa nakabukas na pinto. Nakita niyang may kinuha ito sa ibabaw ng kama, may kalakihan ang box na iyon at nakabalot pa.
Napansin naman ni Jinyoung ang pagpasok niya.

" Baro-ya, may kailangan ka ba?" Sabi nito sa kanya.

" Hyung, hindi ba kayo mag uusap ni Chinee?" Diretsong tanong niya kay Jinyoung.

" Bakit namin kailangang mag usap?" Nakita niyang muli ang pagbago ng expression nito.

" Hyung, alam mong hindi siya sanay ng ganyan ka sa kanya. Isa pa ilang araw ka ng di makausap ng maayos at alam ko na dahil yun sa nag away kayo." Nilapitan niya pa ito.

" Labas ka sa kung anong meron kami Baro, problema namin to kaya pwede bang wag ka ng makialam." Nag iba din ang tono ni Jinyoung. Halata ang iritaayon sa boses nito.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon