Chapter 16: I'll Be With You

48 33 31
                                    

Kadarating lang ni Kalih mula sa part time job niya. Minsan lang umuwi ang papa niya kaya madalas ay si Yumi lang at ang Step mother niya ang kasama niya sa bahay. Nadatnan niya itong kumakain pagdating niya.

" Nandito na po ako." Sabi niya sa mga ito.

Tila wala namang narinig ang mga iyon at nagpatuloy sa pagkain habang nanonood ng drama sa TV.

Hindi niya iyon pinansin at sa halip ay nagtungo siya sa silid niya. Malapit na siya sa pinto nito ng tawagin siya ni Yumi.

" Yung mga pinggan hinihintay ka na. Baka gusto mo munang hugasan para may silbi ka naman dito sa bahay." Sabi nito.

Narinig niya pang nagtawanan ang mga ito pagkasabi nun sa kanya.

Nakuyom na lang ni Kalih ang mga palad niya. Matagal ng panahon mula ng dalhin ang mga ito ng papa niya sa bahay nila. At mabibilang lang sa mga daliri sa kamay niya kung ilang beses siyang pinakitunguhan ng maayos ng mga ito. Madalas ay kapag nandoon ang papa niya.

" Magbibihis muna ako. Iwanan niyo na lang yung pinagkainan niyo dyan at ako na ang bahalang magligpit." Sabi niya tsaka pumasok sa silid niya.

Halos ganito palagi ang sistema nila. Pagkatapos nya sa eskwela ay dumidiretso siya sa part time jobs niya, pag uwi naman ay dadatnan niya ang mga ito at pagtatrabahuhin pa siya sa bahay.

Nasanay na siya kalaunan. Paminsan minsan ay kinakausap niya ang mama niya. Iniisip niyang kasama niya lang ito palagi at hinihinga ang sama ng loob niya dito. Ngunit di nagtagal ay napagod na si Kalih. Hindi na niya matagalan pa ang pagmamalupit ng mga ito sa kanya. Papa nya na lang ang natatanging rason kung bakit siya nagtatagal sa bahay nila pero tila ba mukhang pati ito ay pinabayaan na siya.

Isang araw ay hindi na niya talaga matiis ang mga ito. Nagdesisyon siyang umalis ng bahay nila pagkatapos nilang magtalo ni Yumi at ng nanay nito.

" Palibhasa nagmana ka sa nanay mo. Wala ka ng ginawang tama sa bahay na to." Sabi ng madrasta niya sa kanya.

Nagpuyos ang galit sa puso ni Kalih. Maatim niyang utos utusan siya ng mga ito at pahirapan pero ang hindi niya matatanggap ay ang idamay ng mga ito ang mama niya. Pinilit na magpigil ni Kalih alang alang sa papa niya.

" Tama na yan Mommy. Alam natin na wala ng pag asa yan. Matutulad yan sa nanay niya na walang silbi at bigla na lang nawala at inabandona siya." Narinig niyang sabi ni Yumi.

Tinignan niya ng masama ito. Tama na ang lahat ng narinig niya. Tama na ang lahat ng pagtitiis niya.

" Anong sinabi mo?" Tanong niya dito. Pakiramdam niya ay nagpanting ang tenga niya sa sinabi ni Yumi.

" Bakit? Totoo naman diba? Walang may gusto sayo. Pati walang kwentang nanay mo iniwan ka kasi wala kang silbi." Hindi pa ito nakuntento at pinagpatuloy pa ang pangiinsulto sa kanya at sa mama niya.

Wala na siyang pakialam sa kung anong mangyayari sa kanya. Nang mga oras na iyon ay tila nawala ang lahat ng pagtitimpi niya at tinulak niya iyon. Malakas niyang tinulak iyon dahilan para mapaupo ito. Ikinagulat naman ng madrasta niya ang ginawa niya kaya hinablot siya nito at sinampal.

" Ang kapal ng mukha mo para saktan ang anak ko." Galit na sabi nito. " Lumayas ka dito. Wag na wag ka ng magpapakita sa akin. Sa amin. Simula ngayon ay hindi ka na parte ng pamilyang ito." Sabi nito sa kanya.

" At anong karapatan niyo na palayasin ako sa pamamahay ng mga magulang ko? Anong karapatan niyo na insultuhin ang mama ko? Kung meron mang walang kwenta dito alam natin kung sino iyon." Tinignan niya ng salitan ang dalawa. Nakasalampak pa din sa sahig si Yumi habang ang nanay naman nito ay nagpupuyos sa galit sa kanya.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon