Chapter 30: Make It Happen

46 28 18
                                    

Eksaktong isang oras ay magsisimula na ang Music Festival, nasa huling bahagi na lang sila ng pagsasaayos at pagpupulido sa performance nila ng pumasok si YoonJi sa dressing room dala ang damit na isusuot niya.

" I think where done here. Magpahinga ka na lang muna tapos mag-asikaso ka na." Sabi ni Baro kay Kalih.

Gusto pa sana niyang magpractice pero ayaw na niyang suwayin ito kaya sumunod na lang siya.

Bahala na si Batman.

Tinulungan siya ni YoonJi mag-asikaso. Nakabihis na rin kasi ito at nakaayos na. Mauuna kasi ang performance nito kaysa sa B1A4 at sa performance nila ni Baro.

" Unnie, wag kang kakabahan ah!" Pagpapaalala sa kanya ni YoonJi.

Lalo naman syang kinabahan, sa totoo lang ay kanina pa lang habang nagpapractice sila ni Baro ay sobra sobra na ang kabang nararamdaman niya. Tila na siya aatakihin sa puso dahil sa malakas na pagtibok nito.

Alanganin siyang tumango at ngumiti.

Si YoonJi ang gumawa ng make-up niya. " Tada!" Bulalas nito pagkatapos syang make-up-an. Tinignan siya nito sa salamin sabay ngumiti. Nagdilat siya ng mata upang tignan ang reflection niya sa salamin. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Parang ibang tao kasi ang kaharap niya. Ngumiti siya dito pagkaraan. Light lang kasi ang ginawa nitong make-up niya na siya naman niyang kinatuwa.

" Ready ka na Unnie." Hinawakan pa nito ang dalawang balikat niya bago ito tumingin sa relo nito. Eksaktong labinglimang minuto na lang bago mag-umpisa ang festival. " Mauuna na ako Unnie, Wag kang kakabahan ah! Fighting!" Sabing muli ni YoonJi bago ito lumabas at pumunta sa dressing room nito.

Muli naman niyang tinignan ang reflection niya sa salamin. Isang spaghetti strapped top ang suot niya na pinatungan ng oversized na sweatshirt na kulay abo na labas ang isang balikat niya at medyo exposed ang likod nya dahil sa slit nito sa bandang likuran, samantalang Shorts at Heeled Ankle Boots naman ang pang ibaba niya. Kakaibang pakiramdam ang dulot ng pagkakakita niya sa kabuuan niya sa salamin. Ibang iba ang itsura niya sa normal na Kalih. Ilang saglit pa niyang tinitigan ang sarili sa salamin nang nakita niya mula doon na pumasok si Baro sa dressing room. Natigilan ito ng mapabaling ng tingin sa kanya na tila ba napatanga ng makita siya.

" S-si YoonJi?" Sabi nito habang nananatiling nakatingin sa kanya.

" U-umalis na siya. Naghahanda na siguro sa performance niya." Ahihiyang sabi niya dito. Nagiwas siya ng tingin ng makitang titig na titig ito sa kanya. Alam niyang magbibihis ito kaya nagpresinta muna siyang lumabas. " L-lalabas muna ako para makapagbihis ka."

Tumango lang ito, pinagbuksan pa siya ng pinto at ngumiti bago siya tuluyang makalabas.

Naglakad lakad muna siya sa paligid para kahit papano ay mawala ang kaba na nararamdaman niya. Pre-occupied ang utak niya ng mga isipin tungkol sa performance nila mamaya. Hindi pa din kasi tumitigil sa pagkabog ang dibdib niya. Napahinto lang siya sa paglalakad ng tila hindi niya mapansin na may tao sa harap niya at nabunggo niya iyon.

" Ah!" Bulalas niya ng tumama ang ulo niya dito. Nakayuko kasi siya kaya di niya napansin na may kasalubong pala siya. Nag-angat siya ng ulo para humingi ng paumanhin sa nabunggo noya ngunit nagulat pa siya ng nakangiti syang batiin ni Jeonghan.

" Kitty!" Sabi nito na kumaway pa sa kanya.

" J-Jeonghan?" Gulat na sabi niya.

" Waahh!" Tanging nasabi lang nito ng makita siya tsaka ito pumalatak. " Ang cute mo naman Kitty?"

Nahiya siyang bigla sa sinabi nito. Lalo na ng ilapit nito ng bahagya ang mukha nito sa kanya para titigan siya.
" Galingan mo mamaya okay? Panunuorin kita kaya dapat galingan mo!" Sabi nito sa kanya. " Aja! Kitty Fighting!"

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon