Chapter 7: I Can

88 43 42
                                    

Nagising si Kalih na tila ba masakit ang ulo. Nakita niyang may basang towel sa bedside table niya. Tapos ay may gamot doon. May note sa baba ng baso.

Drink Me!

Napaisip siya kung sino ang nag iwan noon sa kanya. Pilit na inalala ang nangyari kagabi pero wala talaga syang maalala. Ang huling natatandaan niya ang yung pagyayaya mag inom ni Chinee. Napabalikwas sya ng bangon ng maisip si Chinee. Kamusta kaya siya? Nakauwi kaya siya ng maayos? Bulong niya sa isip niya. Tapos ay bumaba siya ng kama para maghanda ng almusal. Naghilamos siya at nag ayos ng sarili bago lumabas sa silid niya.

Pagkalabas ng silid ay nagtungo sya kaagad sa kusina. Nagulat pa siya ng madatnan sila Baro, Channie, Shinwoo at Jinyoung sa mesa at nakatingin sa kanya. Biglang parang matutumba siya pero pinigil niya iyon dahil tila nagbabadya ang mga tingin nito sa kanya. Maya maya pa ay may isa pang pumasok sa kusina. Tinignan niya iyon at nanlaki ang mata niya ng makita si Chinee na tulad niya ay mukhang matindi din ang hang over. Saglit silang nagkatinginan ni Chinee bago tumingin sa mga nakaupo sa mesa. Tila ba anong oras ay pwede silang kainin nito ng buhay dahil sa mga titig nila.

" Anong pumasok sa isip niyo at nag inom kayong dalawa?" Sabi ni Shinwoo. Seryoso ang mukha nito.

" Hindi niyo ba alam na delikado ang panahon ngayon? Paano kung napahamak kayo?" Segunda ni Channie.

" K-kasama naman namin si Sandeul Oppa." Sabi ni Kalih.

" Kahit na!" Maya maya pa ay sabi ni Baro. " Kung gusto niyong mag inom sabihan niyo kami. Hindi yung basta basta kayo iinom, hindi pa kayo nagtitira ng pang uwi. Yah! Anong problema nyong dalawa? Nababaliw na ba kayo? Daig niyo pa kami ah." Dagdag pa nito.

Sinaway ni Shinwoo si Baro. Di kasi maintindihan dito kung galit ba ito o hindi. Dahil pagkatapos nitong sabihin yung mga sinabi nito kanina ay ngumiti ito ng tila ba nakakaloko.

Pwede ko bang sabihin na dahil sa kaantipatikuhan mo kaya ako nag inom? Bulong ni Kalih sa sarili. Sumeryoso ang mukha nito na tila ba nagsisimula nanamang maasar kay Baro. Tapos ay tinignan niya si Jinyoung. Seryoso ang bawat expression nito sa mukha. Lalo na noong tumingin ito kay Chinee.

Walang makapagsalita sa kanila ni Chinee. Nakakatakot kasi yung tingin na binabato nung apat sa kanila.

" Kumain na kayo." Utos ni Shinwoo sa kanila. " Chinee finish your breakfast, ihahatid na kita kila mommy."

Agad naman kaming sumunod.

Hai, hindi na ako uulit uminom. Ikaw naman kasi Kalih. Akala mo naman kaya mo. Tignan mo yang sarili mo. Paano ka mamakapasok ng ganyan ang itsura mo. Pinagalitan niya ang sarili niya. Napatutop siya sa ulo niya. Para kasing sasabog iyon.

Tahimik silang kumain. Wala ng nagtangkang umimik pa. Maging yung apat ay tumahimik na din at tinapos ang almusal.

May biglang napansin si Kalih, ngayon nakikita niya si Chinee at Shinwoo ay parang narerealize niya na may pagkakahawig ang dalawa, lalo na sa pagngiti ng mga ito. Hindi niya na lang pinansin ang sisipin na iyon at tahimik na nagpatuloy sa pagkain.

Ilang saglit pa ay nakita ni Kalih na tapos na ang mga ito ay sinabi niyang pwede na silang umalis at sya na ang bahala magligpit doon.

Tahimik niyang niligpit ang pinagkainan, hindi niya alam kung saan na nagtungo yung iba dahil si Baro na lang ang naiwan nakaupo lang ito sa salas. Napansin ata nitong nakatingin siya dito.

" Umalis na sila. Sa akin ka na sumabay. Kaya mo bang pumasok?" Kaswal na tanong nito sa kanya.

Tumango lang si Kalih at nagpatuloy sa ginagawa tapos ay nagtungo sa silid niya upang maligo at magbihis.

Just The Two Of Us (Baro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon