"Maganda ka sana kaso bakit ganyan ka manamit?"
"Malinaw naman mata mo ah? Bakit mas pinipili mong mag-salamin? Tapos ang laki pa!"
"Kylie, are you sure you want to wear braces? Wala namang mali sa ipin mo. Pantay pantay naman tsaka maayos."
"Ugh! Ano ba 'yang suot mo? Tshirt tapos long skirt? Nakikita mo ba sarili mo sa salamin?"
"Sigurado ka bang mayaman 'yan? Bakit ganyan itsura?"
Ilan lang 'yan sa mga linya na lagi kong naririnig kada may nakakakita sakin. Kaya ang ginagawa ko? Yumuyuko na lang ako.
I hate attention. I hate people talking about me pero anong magagawa ko? I'm the one who brought myself into this kind of situation. Sabi nga ni ate, maarte lang ako. Nagiinarte ako sa isang bagay na hindi naman dapat ipag-inarte.
Pero hindi kasi nila alam. Hindi nila alam yung pakiramdam na maging ako. Hindi nila nararamdaman yung pagiging outcast kada kasama ko sila. Hindi nila alam kasi perpekto sila e.
Ako? Sino nga naman ba ako?
Ako lang naman si Kylie Michelle Natividad. Yung babaeng binansagan nila na Campus Nerd. Yung babaeng insecure sa kapwa niya babae. Yung babaeng laging nakakatanggap ng masasakit na salita. At higit sa lahat, yung babaeng kahit kailan, hindi makakaramdam ng saya.
Because few years ago, someone stole my happiness. And nothing or no one could ever give it back to me.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^