Kylie's Pov
*Kriiiiiiiing*
Agad akong napabalikwas sa tunog ng alarm clock ko. Monday na! Gahd! Kinakabahan ako.
Tumayo na ko't naligo. Pagkatapos ay kinuha ko na ang uniform ko. Monday kasi ngayon kaya dapat nakauniform. Monday and Friday dapat nakauniform kami.
Sinuklay ko ang buhok ko. Mas maganda sana kung may highlights. Ay ang arte ko pa eh no? Hahaha! Pagkatapos kong suklayin ay kinlip ko ito. Hinati ko ang buhok ko at nilagay sa magkabila kong balikat.
Naglagay ako ng lip gloss at sinuot na ang sapatos ko at inilabas ang Nine West kong bag.
Bumaba na ako at nadatnan sila Kuya na kumakain.
"Goodmorning!" masigla kong bati.
Lumingon naman sila saakin at napangiti.
"O.M.G! Kyaaaah!" tili ni Ate at inalog pa si Kuya.
"Aray! OA nito!" bulyaw ni Kuya.
Napachuckle naman ako at umupo na.
"Goodmorning anak. Mabuti naman at bumalik ka sa dati?" nakangiting tanong sa'kin ni Mommy.
"Bakit mo nga ba naisip na bumalik sa dati?" pahabol na tanong ni Daddy.
Sumulyap naman ako isa-isa sakanila pagkatapos kong lagyan ng egg ang plato ko. Halata namang hinihintay nila ang sagot ko.
Ngumiti naman ako.
"Wala lang po. Gusto din naman po kasi ng mga kaibigan ko na bumalik na ako sa dati pero tinatanggihan ko. Hanggang sa napagisip ko na ibalik na nga ang dating ako dahil hindi naman pwedeng habang buhay akong ganto. Isa akong Dela Vega kaya kailangan kong ibalik ang ako. Ang ako na nakikisalamuha sa lahat." sagot ko.
Nalaglag naman ang panga nila sa sinabi ko.
"Mala-beauty pageant ang sagot." sabi bigla ni Ate Melody.
Napatawa naman kami.
"Hahaha! Osiya, we're just happy that the old Kylie came back." sabay ngiti ni Mommy sa'kin.
I'm happy too.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko hanhgang sa matapos ako.
"Tara na?" aya ni Kuya.
"Let's go." - Ate
Tumayo na kami at nagmano na kila Daddy.
"Alis na po kami Dad, Mom." paalam ko.
"Alright. Take care, okay?" sabi ni Daddy.
"We will, Dad." - Kuya
Naglakad na kaming patungong garahe.
"Use my baby, Kuya." sabi ko.
Napalingon naman silang dalawa sa'kin.
"You sure?" tanong sa'kin ni Kuya.
"Yup."
"Okay. Wait for me outside."
Tumango na lang kami ni Ate at hinintay na siya sa labas.
Hindi nagtagal ay lumabas siya kasama ang Porsche Panamera ko.
Agad akong tumakbo doon at niyakap iyon.
"Waaaah! I missed you so much, baby!" sabi ko.
"Magulat ka kapag nagsalita 'yan. Tara na. Mal-late na tayo. 7:30am start ng class. 7 na." sabi ni Ate.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^