Chapter 48

97.9K 2.7K 126
                                    

Blake's Pov

Umalis na siya at iniwan akong mag-isa sa rooftop. Napatulala na lang ako. She already left me. Wala na. Walang wala na.

Napasandal ako sa hindi kataasang pader dito sa rooftop namin at napasabunot sa buhok ko.

Hindi niya manlang ako pinatapos! Hindi pa niya alam ang buong storya. Mas pinaniwalaan niya agad na Fiancë ko si Vanessa.

"Shit!" Mura ko ng paulit-ulit.

Please, come back Kylie.

Sinandal ko ang noo ko sa tuhod ko habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

"Pare," Tawag nito.

Hindi ko inangat ang ulo ko kahit na nandyan sila Jhersel.

"Pare, alam naming masakit para sa'yo. We heard the whole conversation of you two. We don't mean it. Sadyang narinig lang namin dahil dapat tatambay kami dito." Pagpapaliwanag ni John.

Hindi ko pa din inangat ang ulo ko. Damn it! I wanna fix this problem! Pero pwede pa kaya? How?

Hindi pa din umaalis sa gilid ko sila Jhersel. Kaya inangat ko ang ulo ko at tumayo.

"Where's Vanessa?" I asked.

Nagkatinginan muna sila bago ako sagutin ni Ian.

"We don't know, pare. Bakit? Balak mo bang kausapin?" Tanong nito.

I just nodded. Aalis na sana ako ng nagsalita pa si Ethan.

"Pare, if you wanna talk to Vanessa, talk to her in a calm voice. Dahil kapag pinapakita mong galit ka. Mas lalo siyang magkakaroon ng lakas ng loob na tuluyan kayong paghiwalayin ni Kylie." Tinapik niya muna ang balikat ko bago magsalita. "Goodluck pare. Meron pang pag-asa 'yan. Kahit konti." Sabi nito.

Hindi ko na lang pinansin 'yun at naglakad na ng tuluyan. I clenched my fist to control the anger I'm feeling now.

Pumunta akong room pero walang Vanessa. Sa School Grounds wala din. Pati din sa Garden. Canteen din wala. Ah shit! Mukha na kong tanga dito na naglalakad-lakad at lumilinga--linga para lang mahanap 'yung babaeng 'yun! CR? Baka nga! Papunta akong CR ng makasalubong ko ang mga barkda nito.

''Where's Vanessa?'' Deretcho kong tanong.

''A-ahh. We don't know.'' Sagot nitong isa. Si Crissy ata 'to. 

Tumango na lang ako at naglakad na ulit.

Nag-abang ako sa labas ng CR. But after 15 minutes ay wala pa ding lumalabas na Vanessa. Mukha na akong tanga dito! Ah shit. Inisip ko kung saan pa ang hindi ko napupuntahan. Aha! Gymnasium!

Naglakad ako papuntang Gymnasium. Nang makarating ako dun ay tama nga ang hinala ko. She's there standing behind... Kylie.

Huminga muna ako ng malalim bago ako maglakad papunta kay Vanessa. Halatang naboboring na siya dahil tinitignan niya ang kuko niya. Tss. Arte.

Nang makalapit ako ay tinignan ko muna siya. Napansin niya siguro na may nakatayo sa gilid niya kaya tinignan niya ako. Nang makita niya ako ay ngumiti siya bigla.

''Blake!'' Masaya niyang sabi.

I didn't smiled at her. 

''Can we talk?'' Tanong ko.

''Sure. About what?'' Pabalik nitong tanong.

''Basta. Let's talk in private.'' 

Tumango siya. Tumalikod na ako at ramdam ko naman ang pagsunod niya sa'kin. Deretcho ang tingin ko sa daan ng biglang sumulpot sa harap ko si G.

"Where are you going?" Tanong nito.

"None of you business. Back off. " Masungit kong sabi.

"Ang sungit mo naman. I'm just asking lang na--"

Hindi ko na siya pinatapos at naglakad na.

Napadpad kami sa likod ng University. Dito wala gaanong studyante. Konti lang.

Huminto ako. I looked at the peaceful sea first before I speak.

"Why... did you say that thing to her?" Tanong ko ng malumanay.

"Nah. I just want her to stop. Masiyado niya ng naf-feel ang panliligaw mo sakaniya kaya I decided to ruin it. Then boom, natigil na nga." Sabi nito.

Hinarap ko siya at nakita ko ang ngisi sa labi niya. Hindi ko pinahalata na naiinis ako.

"I already backed out, Vanessa. Hindi pa ba sinasabi sa'yo 'yun ng Daddy mo?" I asked.

She looked shock.

"Y-you backed out? Why? Alam mong hindi kakayanin ng kompanya niyo 'yan kapag wala kami!" Madiin niyang sabi.

I smirked. She doesn't know anything.

"You're wrong. Wala ka ngang alam. Better ask your father." Sabi ko at naglakad na para lagpasan siya.

Napahinto ako ng nagsalita siya.

"Kahit hindi na kita Fiancè. Wala ka ng magagawa. Sirang sira na kayo ni Kylie. Wala ka ng pag-asa. You can't take risk anymore. Dahil tandaan mo, ako sj Vanessa Alexza Santiago. Ang babaeng kayang makuha ang lahat. What I want is what I get, Mister Garcia." Sabi nito at ngumiti at naglakad na paalis.

Bago niya ako malagpasan ay hinalikan niya muna ang pisngi ko.

"Bye. See you later." Paalam nito.

Nang naramdaman kong wala na talaga ang presensya niya ay kumuha ako ng isang bato at inihagis iyon.

"Fuck this life! Fuck it!" Paulit-ulit kong sigaw.

Why can't I have my own happiness? Bakit kailangan laging may hadlang?! I hate this shit!

Umupo ako sa bench hinilamos ang palad ko sa mukha ko. I can't take it anymore. Sobrang sakit na.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo ako at naglakad papuntang Gymnasium. Suminghap ako ng malapit na ako.

Nakita kong nasa stage na ang mga Sophomore. Pumwesto ako sa tabi ni Vanessa at hinintay ang turn namin.

Nang kami na ay umakyat na kami sa stage at ginawa ang tinuro ni G. Hindi ako ngumingiti. I think I wanna back out.

"Blake! Ano ba! Ngiti naman!" Singhal ni G.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

Nang si Kylie at Bryan naman ang pupunta sa gitna ay nakita ko ang pagpatid ni Vanessa kay Kylie. Agad akong tumakbo para saluhin si Kylie.

Napatili ang ibang Freshmen at Sophomore dahil sa muntik ng pagkabagsak ni Kylie. Nang makita nilang nasalo ko si Kylie ay nagtilian sila.

Napatingin ako kay Kylie na ngayon ay nakatingin saakin ng walang ekspresyon.

"I-I got you. Don't worry." Sabi ko.

Wala pa rin syang ekspresyon. Tumayo siya at tinanggal ang pagkakahawak ko sakaniya.

"Kaya ko naman." Sabi niya ng cold.

"Mukhang hindi. Pabigla ang pagtisod sa'yo kaya I think you can't stand on your own. Kung hindi pa kita nasalo ay baka nabagok kana." Pagaalala ko.

She just smiled bitterly.

"You don't care." Sabi nito at tinalikuran ako.

I just looked at her. Tinignan ko lang siya habang bumababa ng biglang may tumapik sa balikat ko.

"It's okay, pare. Umpisa lang 'yan. May pag-asa pa 'di ba?" Sabi ni Bryan.

Ngumiti na lang ako ng bahagya.

Sana nga may pag-asa pa.

Twitter: @PrinsesaFever

Follow me guys! Tweet tweet <3

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon