-----
Kylie's Pov
Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa garden ng School.
Umupo ako dun at humagulgol ng humagulgol. Ang sakit! Akala ko ba gusto ko lang siya? Eh punyeta naman! Bakit mukhang love na 'tong nararamdaman ko?!
Umiyak lang ako ng umiyak ng biglang may nagsalita.
"Hey." sabi ng isang pamilyar na boses.
Hindi ko siya nilingon imbes nakuyom ko pa ang kamao ko.
"Sorry." sincere na sabi nito.
Hindi ko na napagilan ang sarili ko kaya tumayo na ko at sinapak siya.
Napahandusay naman siya sa sahig. Halatang malakas masiyado ang pagkasapak ko.
"Sorry?! Hah! Para san?! Sa pananakit na ginawa mo sa'kin dati?! O sa panlolokong ginawa mo?!" gigil kong sabi.
Tumayo siya at lumapit sa'kin para hawakan ang magkabila kong balikat kaso tinulak ko siya.
"Kylie, hindi kita niloko. Maniwala ka naman sa'kin! Minahal kita! 'Yun ang totoo!" bulyaw nito.
Napangiti ako ng mapait.
"Mahal? Asan? Hindi mo ko niloko?! Eh ano 'yung narinig ko dati?! Na bet lang 'yun ha?! For gods sake! DOSE PA LANG AKO NUNG SINAKTAN MO NA KO! DOSE PA LANG AKO NUNG MINAHAL KITA! IKAW ANG FIRST LOVE KO!! ALAM MO BA 'YUN?!"
Napayuko siya sa sinabi ko.
"Oo, dose ka pa nga lang nun pero sana malaman mong hindi totoo 'yung bet na narinig mo. Alam ng mga kaibigan kong nandun ka kaya sinadya nilang sabihin 'yun pero maniwala ka sa'kin Kylie hindi 'yun totoo! Hindi pustahan ang panliligaw ko sa'yo! Ayaw ka kasi nila pa sa'kin dahil bata kapa daw masiyado! Pero putangina naman! Wala akong pakealam kung bata kapa o hindi ang mahalaga, MAHAL KITA!" galit niyang sabi.
Napa-atras ako.
Lahat? Lahat ng narinig ko nung time na 'yun ay hindi totoo?
"Wala akong pakealam. It was way back two years ago. Four years ago may nangyari din. About din sa ex ni Ate. Please lang, tama na. Ayoko ng masaktan ulit, Keypi. Sobra na."
At tinalikuran ko na siya.
Napaiyak ulit ako. My past came back but hell! Bata pa ko masiyado ng nangyari 'yun.
Ang sakit. Doble ang sakit. Una kay Blake ngayon naman kay Keypi? Sobrang sakit na.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang,
Everything went black.
**
Nagising ako ng nasa clinic nanaman.
Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Doms at Beshy na nasa gilid.
"Pst." sabi ko.
Napatingin naman sa'kin 'yung dalawa.
"Oh my! Beshy anong nangyari?" nagaalalang tanong ni Beshy.
"Wala. Nahilo lang ako kaya siguro nahimatay ako." pagsisinungaling ko.
"Sorry, Beshy! Sorry kung hindi ka namin na sundan kanina nung lumabas ka ng room! Susundan ka na sana namin ng biglang dumating 'yung Adviser natin eh." page-explain nito.
"Okay lang. Naiintindihan ko."
Mabuti na din na hindi nila ako sinundan kesa nakita pa nila ang nangyari samin ni.. Ugh. Nevermind.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^