Chapter 1

295K 6.1K 824
                                    

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Parang ayoko tuloy bigla pumasok. Nag-alinlangan ako bigla dahil alam ko na mangyayari. Kahit nga nakapikit ako pakiramdam ko nasa Easton na ko. Nap-picture out ko na lahat. Ano bang bago?

Ginawa ko na ang daily routine ko. Weekdays are one of my parent's favorite day. But for me, I don't. I can't wear what I want and I can't mix and match my clothes since I'm forced to wear our uniform.

"Good morning!" masigla kong bati sa pamilya ko nang tumapak ako sa loob ng dining.

Kumpleto na sila roon. Si Mommy, Daddy, Kuya tsaka Ate. Kapag talaga sila ang kaharap ko nawawala yung pagiging matamlay ko. Ang sarap lang kasi nilang titigan.

''Good morning, sweety! Tara na dito at kumain kana," si Mommy.

Umupo na ako sa pwesto ko. Sinulyapan ko pa si Kuya na binibigyan ako ng nakakaloko na tingin. Nasa tabi niya si Ate na tahimik lang na kumakain pero napansin ko ang pag-iiba ng mood nito simula nung dumating ako. Narinig ko kanina na nagtatawanan pa sila, e.

''Oy, Kyle! Sasabay ka sakin pumasok ah," si Kuya.

''Yes, Kuya! E ikaw Ate? Hindi ka sasabay samin?'' I tried to sound jolly.

Brace yourself, Kylie.

''Are you seriously asking me that question? Alam mong ayokong kasama ka, 'di ba?'' para bang nandidiri siya sakin nang sabihin niya 'yon.

Napayuko na lang ako sa sinabi ni Ate.

It's been how many years. Bakit parang ako pa rin yung may kasalanan? Wala akong kamuwang-muwang noon pero bakit nasakin yung sisi?

''Seriously, Kaitleen? You're going to start again?" nawala na ang sigla sa mukha ni Kuya kundi napalitan ito ng ekspresyon na minsan ko lamang makita sakanya.

"What? I wouldn't say that if she didn't ask me! Alam niya naman na ang sagot pero–"

"Enough," ani Daddy sa isang matigas na boses kaya pare-parehas kaming natahimik.

Is it really my fault? Bata pa ako nung nangyari 'yon. Wala akong alam sa relasyon. Kapatid niya ko pero bakit parang ako yung may kasalanan? Bakit parang ako yung lumalabas na sumira ng lahat?

I pushed away that thought. Ako na lang iintindi kay Ate. Tama sila Kuya. Kung si Ate sarado ang isip sa ngayon kailangan ako yung may malawak na pag-iintindi hangga't may galit pa sa puso niya.

Nagpaalam na kami kila Mommy nang matapos kaming mag-almusal. Nginitian ako ni Mommy bago haplusin ang likod ko nang magpaalam ako. Hinalikan naman ni Daddy ang ulo ko at nag-bilin kay Kuya.

"I've got eyes everywhere in school, Dad. Don't worry. They can't make any trouble." rinig kong sagot ni Kuya kay Daddy nang bilinan siya nito.

Dumating kami sa Easton at hindi ko maiwasang mamangha. Alam kong samin 'to pero yung makita ito ng harap-harapan nakakalula. Halatang puro may pinagmamalaki sa buhay ang mga nag-aaral na estudyante rito.

Tinignan ko ang relo ko. 6:54am. Maaga pa pero marami na ang nakakalat na estudyante. Sabagay, sa dami ba naman ng studyante rito magtataka pa ako kung bakit ang dami na agad na nakatambay? And first day. Kaya malamang maraming excited na pumasok.

Marami ring pogi. Pero naiwas ko ang tingin sa mga poging nakakalat sa school dahil hinarangan bigla ni Kuya ang mga tinitignan ko. Ang epal!

"Kylie Michelle, alam nating maraming pogi rito pero alam mo rin naman siguro kung sino yung namumuno, diba?" inayos niya pa yung buhok niya at kinindat-kindatan ako.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon