Sa mga sumunod na araw ay puro practice lang ang ginawa namin. Excused naman kaming apat. Ang ayoko lang talaga ang mga kilos ni Vanessa. Nakakabwisit! Laging nakasabit kay Blake na animo'y unggoy lang.
"Kyley, mata mo. Kulang na lang patayin mo si Vanessa eh." Sabay turo ni Bryan kay Vanessa at Blake na nasa kabilang dulo ng inuupuan nila.
Umirap na lang ako. Tss, pano ba namang hindi ko siya titignan ng masama kung lagi niyang nilalandi si Blake?
"Tss, akala mo unggoy. Laging nakasabit." Sabi ko.
Tumawa na lang si Bryan at nakipag-usap na ulit sa katabi niya. Hindi ko kilala 'yun at wala akong pakealam dun!
Natabunan ng likod ng ulo ni Vanessa ang mukha ni Blake kaya hindi ko makita ang ginawa niya! Fuck. Ano nanamang kalandian ang ginagawa nito?
Tumayo ako at pinuntahan ko ang dalawa. Nang makarating ako sa harap nila ay pumameywang ako at tinaas ko ang isa kong kilay.
"Ehem, can I talk to my Blake?" Tanong ko na diniinan ang salitang 'my'.
Tinignan muna ako ni Vanessa at umirap.
"Is he yours? Masiyado ka namang assuming."
Napangisi naman ako. Assuming? Wow, sino kaya saming dalawa? Hah.
"Assuming? Well excuse me Miss Monkey, ikaw ang assuming. Kung kumilos ka akala mo kayo at akala mo nililigawan ka niya. So stay. away. from. my. Blake." Sabay ngisi ko.
Tumayo siya at hinawakan ang dulo ng maganda kong buhok. Ay shit! Germs!
"Okay, sabi mo eh. Siguro nga hindi kami nor hindi niya ko nililigawan. But try to ask me if I am he's fian--"
"Vanessa!" Sigaw ni Blake.
Hinarap siya ni Vanessa. Ako naman napaisip. Fiancee? Kahit hindi niya 'yun naituloy alam kong fiancee ang word na dapat niyang sasabihin! I'm not dumb!
"What, Blake? Tss. Go on. Take your time." Sabay talikod niya at lakad paalis.
What the fuck?!
"Kylie," Tawag sakin ni Blake.
"Let's talk." Sabi ko sa kalmadong tono.
Tinalikuran ko siya at naglakad palabas ng Gymnasium. Nang makarating ako sa Garden ay umupo ako sa bench.
Naramdaman ko din na umupo siya sa tabi ko. Hindi ko siya tinignan kahit ang sulyapan ay hindi ko ginawa. Deretcho lang ang tingin ko sa mga bulaklak na nags-sway dahil sa hangin.
"Kylie," Tawag niyang muli.
"What's with the fiancee thingy?" Tanong ko.
Hindi siya agad sumagot. Kaya tinignan ko siya. Nakita ko namang nakayuko siya.
"Alam kong Fiancee dapat ang sasabihin niya, Blake. Hindi ako tanga." Sabi ko.
Kumalma ka Kylie. Kalma. Maguusap kayo ng maayos 'di ba?
"I-it's nothing, Kylie. At kung may ganun nga na issue ay sasabihin ko din agad sa'yo." Sabi niya at tumunghay.
"Blake, hindi pa nga tayo pero feeling ko ay may nililihim kana agad sa'kin. Ramdam ko 'yun Blake. Hindi naman kasi ako manhid." Sabi ko.
Muntik ng pumiyok ang boses ko pero buti na lang at napigilan ko ang luhang gustong tumulo mula sa mata ko.
"Kylie," Tawag niya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "I promise, kung meron man sasabihin ko agad sa'yo. Hindi ako maglilihim sa'yo. I don't want you hate me. That's why I'll tell you e-everything. As in everything, Kylie." Aniya.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Novela JuvenilCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^