Blake's Pov
Discussion. Discussion pero hindi ako nakikinig. Nakatingin lang ako kay Kylie. I don't know why.
Ilang araw na kong ganto sakaniya. Araw-araw na ata.
"Huy! Nakikinig kaba?" bulong sa'kin ni Ian na ikinagulat ko.
"H-ha?" tanong ko.
"Ha? Nganga. Kung san san kasi nakatingin eh."
"Manahimik ka ang dami mong alam." pang-asar ko.
"Pogi ako eh."
"Ah? Nganga." pangga-gaya ko sakaniya.
Kahit kausap ko 'tong ugok na 'to kay Kylie pa din nakafocus ang mata ko. Kay Kylie na ngayon ay nagt-take down notes.
She's pretty I admit. Siguro kung hindi lang siya naging nerd baka niligawan-- este baka naging crush ko pa 'to.
Kunwari wala kayong nabasang niligawan ha? May kiss kayo sa'kin kapag sinabi niyong wala kayong nabasa hehe ^__^V
"Pre ano ba! Matunaw 'yan!" sigaw sa'kin ni John.
Napakurap naman ako at tumingin sakaniya ng nakapoker-face.
"Sino?" sabi ko ng kunwari ay hindi kilala ang sinasabi nila.
"Sino kapa diyan. Alam ko namang kilala mo." - Bryan
"Magtatanong ba ko kapag alam ko?" pambabasag ko dito.
"Ha ha. So funny." sabi nito sa'kin pabalik.
"So gay." pang-aasar ko din.
Halata namang nainis siya sa'kin kaya tumalikod siya.
"Tara sa canteen." pag-aaya ni Jhersel.
"Tara." sabi nilang lima.
"Una na kayo. Likod lang ako." sabi ko.
Naatingin naman sa'kin si Ethan.
"Sige text kana lang namin."
Tumango na lang ako at naglakad na papuntang likod ng University.
Pagkarating ko dun ay binaba ko ang bag na nakasukbit sa balikat ko at sumandal sa puno.
Pumikit ako para matulog pero lintek! Mukha ni Kylie ang nakikita ko!
Dumilat ako at pumikit ulit pero ganun nanaman!
P+ta! Naiinis na ko!
"Chill dude. Mukha niya ang nakikita mo no?"
Sa gulat ko napatayo ako.
"T+ngna naman Ethan! Papatayin mo ba ko sa gulat?!" inis kong bulyaw.
"OA! Wala pang namamatay sa gulat. Depende kung may sakit sa puso."
Tinaas ko ang kanang kamay ko upang makipag-apir sakaniya.
"Galing ah! San mo nakuha 'yan?" tanong ko.
"Ah. Narinig ko lang dun sa isang studyante na nag-aaral magisa sa dinaanan ko. Nagsasalita mag-isa eh nagre-review ata."
Sabi na eh. Bobo talaga.
"Bobo." sabi ko.
"Grabe ka naman! Sama mo." sabi niya. "Pero eto pre, napansin kita kanina. Bakit ka tingin ng tingin kay Kylie?" pagpatuloy nito.
"Hindi ko alam." maikli kong sagot.
"Hindi mo alam? Hah!" napatingin naman ako sakaniya.
"Hindi pwedeng hindi mo alam. Bakit nga pre?"
"Hindi ko nga alam! Kulit."
Naiinis na ko.
"Pre, kilala kita. Mula pagkabata magkasama tayo. Kaya alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi."
Oo, kababata ko siya pero mas close ko pa si Jhersel kesa sakaniya. Babae iniisip palagi eh. Kaya kavibes niyan si Ian.
"Tss." ayan lang ang nasabi ko.
"Kung ako sa'yo? Hindi na ko magpapahuli. Alam ko 'yang nararamdaman mo, Blake." seryoso niyang sabi saakin.
"Ang dami mong alam. Mang-babae kana nga lang." inis kong sabi.
"Mabuti pa nga. Pero pasalamat ka nga tinutulungan pa kita eh! Tss. Text kana lang namin ah? Ge, hanap muna ko." sabi niya ng nakangisi.
Tumalikod na siya at naglakad paalis. Pipikit na sana ako ng nagsalita siya.
"Tandaan mo 'yung sinabi ko ah? Baka matraffic ka." pahabol niya.
Matraffic? Ano daw? Tss.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^