Kylie's Pov
Sa mga sumunod na araw ay lagi kaming nagkikita ni Blake. Walang araw na hindi kami magd-date. Lagi siyang nagt-text at tumatawag. Hindi ko pinagsisisihan na sinagot ko siya because I'm lucky to have a guy like him in my life.
Nang mag Wednesday ay agad may bumusina sa labas ng bahay. Tumayo ako at nagpaalam kila Mommy na papasok na ako.
''Pasok na po ako, My. Nandyan na po kasi si Blake sa labas.'' Pagpapaalam ko at hinalikan siya sa pisngi.
Binigyan niya ako ng isang ngiti. ''Hindi na ko magugulat na bawat umaga ay nandyan siya sa labas. Magugulat lang ako kapag walang bumusina sa labas ng ganto kaaga.'' Sabi niya at ngumiti. Napangiti din naman ako. ''Osige na, hinihintay kana ng nobyo mo sa labas. Be careful okay?'' Pagpapatuloy niya.
Tumango ako at lumabas na. Nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa hood ng kotse niya habang nakapasok sa bulsa ang dalawang kamay. He's so hot!
''Hey,'' Tawag ko sakaniya.
Agad niya akong nilingon at ngumisi siya ng nakita niya ako.
''Hey, baby. Let's go?'' Aya niya.
''Sure.'' Sabi ko at ngumiti.
Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at pinapasok ako. Pinanood ko siyang umikot para makasakay na din.
Habang nagd-drive siya ay pinagmamasdan ko lang siya. Ang matangos niyang ilong, ang kulay chestnut niyang buhok, ang kissable lips niya at ang perfect jaw line niya. Napaka-perpekto ng mukha nitong lalaking 'to.
''Stop staring. I might stop the car and kiss you suddenly.'' Aniya at humalakhak.
Agad ko naman siyang hinampas.
''Blake! Umayos ka nga! Magdrive kana lang diyan.'' Sabi ko at hindi na tinignan ang mukha niya.
''What? Sa pagtingin mo ay naaakit na din ako. Kaya please, baby, stop staring. Unless you also want my kiss?'' Sabi niya at sinulyapan ako tsaka kumindat.
Hinampas ko nanaman siyang muli at minura.
''Umayos ka sabi!'' Naiirita kong singhal.
''Ang cute mo kapag naiinis ka.'' Aniya muli.
Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang sa bintana at palihim na napangiti.
Nang makarating kami sa University ay agad akong bumaba at hinintay siyang lumabas. Pagkalabas niya ay hinawakan niya agad ang kamay ko at sabay na kaming naglakad patungo sa room.
Tinignan ko ang orasan ko at 7:20 pa lang pala. 8am pa naman ang klase namin. Kakain na lang muna siguro ako.
Pagkapasok namin ng room ay agad kaming umupo sa upuan namin katabi ko na siya ngayon. Nirequest niya iyon sa Adviser namin ng nagbago ang seating arrangement.
''Kakain muna ako.'' Sabi ko.
Sinulyapan niya ako at tumaas ang kilay niya.
''You didn't eat your breakfast?'' Tanong niya.
Umiling agad ako.
''Why?'' Tanong niyang muli.
''Wala akong gana kanina. Ngayon na lang ako kakain. Punta muna akong Cafeteria ah?'' Pagpapaalam ko at tumayo na ngunit hinawakan niya ang kamay ko.
''No, I'll go with you. I'm hungry too.'' Aniya.
Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na palabas tsaka dumiretso ng Cafeteria. Pagkarating namin doon ay nakita ko Doms at Ethan sa isang table. Naghaharutan. Agad ko silang itinuro kay Blake.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^