Pagkapasok namin sa room halatang nagulat lahat ng kaklase ko. Halatang nagtataka sila kung sino yung mga kasama namin ni Kinah. Bukod kasi sa hindi pa sila naka-uniporme bagong mukha rin sila rito at second day na sila pumasok kaya talagang pagtitinginan sila.
Ilang saglit pa bago naka-recover yung mga kaklase ko dahil nagsimula na silang magbulungan. Ang mga lalaki halatang nagagandahan sa mga kasama ko habang ang mga babae naman ay iba iba ang sinasabi. Malamang may naiinggit na ngayon sakanila.
"Ang ganda nung mga kasama ni ugly nerd! Siya lang pangit! Dapat kasi tayo ang kinaibigan nung mga magaganda na 'yan!"
"True, sis! Sayang ganda nila kung si ugly nerd ang kakaibiganin nila! Tsk."
"Grabe, pre. Ang kikinis!"
"OMG OMG!! Kyaaaah~ they're so pretty they're heaven sent down girls! That ugly nerd is not welcomed to theirs group! She's so ugly you know! I'm disgusted to her! Eeew."
Gusto ko na sanang maunang umupo pero nakaharang si Kinah sa daan kaya hindi ako makakilos.
"Watch," nagtaka ako sa sinabi ni Jai.
Inangat ko ang ulo ko at nakita kong nandun sila Ericka, Doms, at Ara nakatapat silang apat dun sa mga babae.
Nakangiti sila Ericka sa mga ito kaya lalo silang gumanda. Lalo ring naglakasan yung bulungan nung mga lalaki. Kaso parang may mali sa mga ngiti nila. Parang may binabalak silang hindi maganda o pakiramdam ko lang 'yon?
"Makikipag-friends ata sila saatin!" sabi ng isa sa tatlong babae kanina.
"I think so too! Iniwan nila si ugly nerd but si Kinah at yung isa oh! Naiwan dun! She's still with that nerd."
Nandito pa rin kaming tatlo sa hamba ng pintuan. Wala bang balak kumilos 'tong si Kinah? Kung hindi lang ako naubusan ng sasabihin pinausog ko na siya. Ayoko ng ganitong sitwasyon!
"Waaaah! They're here stooding up infront of us I think they're wanted to be friends with us!"
Hindi naman ako sobrang talino. Pero hindi rin ako bobo para sabihing hindi mali mali yung grammar nung babae na 'yon. Seryoso? Nakatungtong na siya ng third year high school ganyan siya mag-construct?
"Hey. I know we're just transferees but I think what you said earlier isn't right. You want to be friends with us? Oh, sorry, sweety. From the looks of it, you're not capable of being our friend."
Marahan niyang tinapik ang pisngi nung babae ng ilang beses. Halatang nagulat ang babae at ilang saglit lang pinamulahan ito ng mukha dahil sa inis.
"How dare you?! So what kung ayaw niyong makipag-kaibigan samin? Hindi kayo kawalan!" inis nitong sambit at nagmartsa palabas. Hinatak ako ni Jai para makaraan ito. Humabol pa siya ng masamang tingin sakin bago niya kami tuluyang lagpasan.
Napangisi naman si Ericka sabay sigaw, "Well, I love you too, dear!" halakhak nito.
Akala ko dun na nagtatapos 'yon pero minuwestra ni Ericka kay Doms ang harapan.
Humikab muna si Doms bago tignan mula ulo hanggang paa iyong babaeng nasa harapan niya.
"Thank you for the compliment. But you don't have the permission to insult OUR BESTFRIEND. I think you need to get a gift for saying we're pretty."
Tapos sinampal niya yung babae. Namilog ang mata ko dahil doon.
"Kinah! Pigilan mo na sila!" hinatak ko paharap sakin si Kinah pero inangat niya lang ang kamay niya.
"They deserve it,"
"What? Kinah, no! Ayokong may nakakaaway kayo dahil sakin! Hayaan niyo na sila!"
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Novela JuvenilCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^