Masakit ang ulo ko pagkagising ko kinabukasan. Hindi ata umepekto yung gatas na ininom ko. Imbes na makatulog ako ng mahimbing ang nangyari ay hindi ako nakatulog kakaisip sa mga narinig kong usapan kila Mommy.
I felt left out. While I was awake all night, I thought of every possible reason why I didn't knew about that issue. Dahil ba sa ako ang bunso? Dahil wala pa akong maiaambag katulad nila ate? If not, ano?
I have this weird feeling about this issue. Something inside me is telling me that I shouldn't figure it out.
Bumaling ako sa orasan at nang makitang kailangan ko nang mag-asikaso ay tumayo na ako. Tamad na tamad akong pumasok sa banyo. Ngayon ako nakaramdam ng antok kung kailan papasok na kaya nilagay ko sa cold ang temperature ng shower para magising ang diwa ko.
Gusto kong umabsent ngayong araw para magbawi ng tulog pero hindi ko alam ang idadahilan ko kila Mommy. Para na rin sana makapag-lay low mula sa mga mapanghusgang estudyante ng Easton.
"Kylie, ang tagal mo naman," narinig ko ang boses ni Kuya mula sa likuran ng pinto.
Binilisan ko ang pag-ayos sa uniform ko. Sa sobrang bagal kong kumilos nakalimutan kong aantayin nga pala ako ni Kuya ngayong araw na 'to.
"Sorry," I mumbled as I opened the door.
Lalagpasan ko na sana siya para makababa pero tinawag niyang muli ang pangalan ko. I stopped on my tracks. I know what he's going to say next.
"About what you heard last night—"
"I'm going to ask mom," sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad pababa.
Pinatong ko ang backpack ko sa sofa. Hindi ako mapapakali hangga't hindi nasasagot ang mga katanungan na nasa isip ko.
Wala akong naabutang Mommy sa kusina. Even Dad. Ang tanging naroon lang ay ang mga nakahain na pagkain.
"Manang, nasan po sila?"
"Kakaalis lang, hija."
Ganun ba ako kabagal kumilos kaya hindi ko sila naabutan? Kahit si Ate hindi ko mahanap sa kusina. Si Kuya na lang ata talaga ang naghintay sakin.
Wala akong gana nang umupo ako at nagsimulang kumain. I don't think I can survive this day with so many questions in my mind. I need answers. I need to know what they're talking about last night.
Hindi ko na naubos yung pagkain ko dahil sa kawalan ng gana. Nagbaon na lang ako ng waffles. Pagkatapos kong balutin ang waffles ay pumihit na ako paharap pero nagulat dahil bumungad sakin si Kuya.
"You done?"
Tumango ako. Kinuha ko na ang bag ko pagkarating sa sala. Narinig ko ang kalansing ng mga susi mula sa likuran ko kaya napagtanto kong hindi kami magpapahatid sa driver ngayon kundi si Kuya mismo ang magmamaneho.
Hindi ko alam kung aling sasakyan ang gagamitin ni Kuya kaya huminto na lang ako malapit sa garahe. Tumunog ang Audi A6 na nasa gitna ng tatlong nakahilerang sasakyan. Naglakad ako palapit doon at akmang bubuksan na ang sa shotgun seat pero nagsalita si Kuya.
"It's better if you won't know, Ky,"
Uminit ang ulo ko dahil sa narinig kong sinabi niya. Better? Bakit? Wala ba akong ambag sa pamilyang 'to para hindi ko malaman kung ano yung mga kinakaharap na problema?
Humarap ako sakanya. "Sa anong dahilan? Hindi ba ako parte ng pamilya na 'to para hindi ko malaman?"
Nakita ko kung paano magbago ang timpla ng ekspresyon ni Kuya. Nakaramdam ako ng takot at kaba dahil sa pag-usbong ng galit sa mga mata niya bigla. Ito yung isa sa mga ayaw kong nasasaksihan kay Kuya dahil sa sobrang seryoso niya kapag galit ay natatakot talaga ako.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^