P.S- Hindi ko na po ilalagay kung kaninong POV. Puro Kylie na lang po :) thank you.
Kinabukasan nun ay antok na antok ako pagkagising ko. Nagulat pa ga ang mga pinsan ko dahil sa mukha ko.
''Gahd, what happened to you? Nakatulog ka ba?'' Tanong saakin ni Nad.
''Not really.'' Sagot ko.
Tumayo ako at dumiretcho ng CR. Pagtingin ko sa salamin ay napaatras ako. Oh my shit! Hindi ko akalang ganto ang magiging itsura ko! Agad akong naghilamos at itinali ang buhok ko. Lumabas ako at nakita kong wala na ang mga pinsan ko sa kwarto ko. Panigurado ay nagsibabaan na ang mga 'yun.
Bumaba ako at naamoy ko agad ang baco and ham. Pagkababa ko ay nakita ko ang mga pinsan ko na nilalantakan agad ang mga pagkain. Hindi naman halatang gutom sila ano?
Umupo ako sa gitna ni Nad at Anne.
''Birthday ni Anne ngayon!'' Biglang sigaw ni Adrian, pinsan namin na 15 years old na.
''Oo nga! Kantahan niyo nga ang maganda kong kapatid.'' Sabi ni Andrei.
Nilapag namin ang mga kubyertos namin at kinantahan nga si Anne. She's 15 now!
Pagkatapos namin siyang kantahan ay pinapagtuloy namin ang pagkain namin at lumabas papuntang Garden. Tumambay kaming magpipinsan doon samantalang sila Kuya naman ay naiwan sa loob.
''So, anong plano mo?'' Tanong ni Nad.
''Lalabas tayo. My treat, alam naman nila Daddy na ililibre ko kayo ngayon. Nagpaalam na ko before christmas and they agreed.'' Aniya.
Tumango naman kami at nagpahinga muna bago maligo at mag-ayos. Pagkatapos kong maligo ay pumili ako ng maisusuot ko. Nang makapili ako ay agad kong kinuha ang brown na shoulder bag ko at inilagay doon ang mga dapat ilagay.
Bumaba ako at nakitang nandoon ang mga pinsan ko na lalaki. Mga pormang porma na animoy sila pa ang may birthday.
''Naks! Ganda talaga ng pinsan namin.'' Bungad nila saakin ng makalapit ako sakanila.
''Mga bolero!'' Sabi ko at umupo sa gitna nila.
Hinintay naman namin ang mga pinsan ko at nakita ko namang nakabihis si Anne na kulay red na dress na hapit na hapit sakaniya. Halata ang curve ng katawan niya, hindi mo siya mapaghahalataang 15 dahil sa porma niya.
Nagkayayaan na ngunit nagulat kami ng kumaripas ng takbo si Kuya at Ate pababa. Si Ate dala-dala pa ang susuotin niyang sapatos habang si Kuya naman inaayos pa ang buhok niya.
''Wait! Sasama kami!'' Sigaw ni Ate.
''Waah! Walang freedom!'' Pagmamaktol ni Jake.
Agad namang lumipad ang isang suklay sakaniya. Natamaan ang bandang tiyan niya.
''Aray! Abs ko!'' Bulyaw niya.
''Heh! Abs ka diyan! Tabs kamo. Don't worry, you guys are free to do what ever you want. Basta itext niyo kami kung sakaling magkahiwa-hiwalay tayo.'' Sabi ni Ate.
Tumango naman kami at lumabas na. Dalawang kotse ang ginamit namin. Boys kay Kuya at Girls kay Ate. Naging maingay ang naging byahe dahil panay ang advice ni Ate kay Anne kung paano niya ipapakilala ang boyfie niya kila Tita.
Nang makarating kami sa Mall ay nagulat kami ng may lalaking naglahad ng flowers kay Anne. Pare-parehas na napakunot ang noo naming magkakapatid. Dahil ang mga pinsan namin ay kinikilig.
''Uhh, seriously? Sino 'yun?'' Tanong ko kay Nad na sobra ang kilig na nararamdaman.
Tinignan niya ako at hinampas ako sa braso. ''Ihhh! It's Anne's boyfriend! Ang gwapo no?'' Aniya at kinilig muli.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^