Kylie's Pov
Mabilis na lumipas ang araw at sabado na ngayon. Hindi pa din ako pinapansin nila Jaima. Nung wednesday nga ay naging magpartner kami ni Doms para sa isang activity sa English. Hindi kami masiyadong nagkikibuan nun dahil nahihiya akong basagin ang katahimikan na bumabalot saamin. Hanggang sa sinita kami ng English Teacher namin. Kaya dun lang kami nagpansinan pero still, hindi gaanong usap na literal. Mahahalata mo pa din talaga na hindi okay ang sitwasyon namin.
"Hoy! Tinutunganga mo diyan?" tanong sa'kin ni Kuya bigla kaya nagulat ako.
"Kuya naman! Nakakagulat ka! Wala! May naisip lang ako. Anong oras nga pala pasok mo?"
Tumingin naman siya sa relo niya.
"Mamaya pa namang 10. Bakit?"
"Wala. 'Wag ka na lang munang pumasok, Kuya."
"Kung pwede lang eh." sabay nguso niya.
"Bakit? Bawal ba, Kuya?" tanong ko.
Tumango naman siya.
"Bakit?"
"May importante kaming gagawin sa isang subject ko. Hindi pwedeng umabsent dun." explain niya.
Tumango na lang ako at bumuntong hininga.
"Sobrang boring kasi, Kuya, eh." sabi ko.
"Bakit hindi mo papuntahin sila Lovely dito? O kaya ikaw ang pumunta kila Lovely tutal diyan lang naman sa tapat ang bahay niya?" tanong ni Kuya.
Napalingon naman agad ako sakaniya at nakita kong busy siya sa panonood ng palabas sa TV.
"B-busy sila. S-si Ate Love w-wala ata diyan nasa c-condo niya ata." nauutal kong sabi.
Napalingon naman siya sa'kin.
"Bakit nauutal ka? May problema ba?" tanong nito.
"W-wala naman Kuya." sagot ko.
Tumango siya sa'kin at nanahimik na. "Aha!" sigaw niyang bigla.
"Bakit? Anong naisip mo? A-absent ka na?" sabay ngisi ko.
"Hindi. Papapuntahin ko dito si Megan tutal wala naman siyang klase!"
"Talaga? Sige, Kuya! Dali! Papuntahin mo na ngayon! Yehey!" parang bata kong sabi.
"Okay. It-text ko na. Maliligo na ko. Diyan ka lang ah? Hintayin mo si Megan." sabay tayo niya.
Tumango na lang ako at nanood na. Tinignan ko ang cellphone ko kung may text. Meron nga. Twenty messages. Yung iba puro gm 'yung iba naman ay galing sa stranger.
From: STRANGER.
- Hey! What are you doin' right now crush? ;)
Still, hindi niya pa din ako tinitigilan. Kaya napaniwala niya kong crush niya ko kahit nung nerd pa ako.
To: STRANGER.
- Watching while waiting for my Ate. You?
Makalipas ang ilang segundo ay nagtext agad siya. Atat lang?
From: STRANGER.
- Just stalking your accounts. You're too damn pretty in your photos. That's why I like you.
Napangisi naman ako dun.
To: STRANGER.
- Yeah. You only liked me because of my face, am I right? :)
From: STRANGER.
- Nah. Wrong. If I liked you just because of your face. Then, bakit nagustuhan kita kahit nung nerd kapa? Can you explain it to me, Miss Dela Vega?
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^