I can hear whispers around me.
Dahil sa sakit ng ulo ko, hindi ko agad maidilat ang mata ko. Kailangan ko pang kundisyonin ang sarili ko kung kaya ko na bang dumilat o hindi pa.
Ilang minuto rin akong nanatiling nakapikit habang pinapakinggan ang paligid ko. Kumpleto ba sila? Naririnig ko ang boses ni Kinah, Jai at Ate Love sa gilid ko.
"Pumasok na kaya muna kayo? Ako na ang magbabantay kay Kylie," rinig kong sabi ni Ate Love.
"Nag-paalam naman kami. Ano na kayang ginagawa ng mga kapatid nito?"
Kapatid ko? Bakit nabanggit ang mga kapatid ko sa usapan?
"Why won't they kick her out? Kailan lang sinuspend siya dahil sa ginawa niya kay Kylie ngayon ito naman? Malaking kawalan ba siya sa school na 'to?"
What are they talking about? And suspended? As far as I can remember si Vanessa lang naman ang sinuspend lately.
Dahil sa kagustuhang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan nila, idinilat ko ang mga mata ko. Hinanap ko agad kung saan sila nakapwesto tatlo at nakitang nakaupo sila sa sofa sa right side ko.
Natigil sila sa pag-uusap nang makitang lumingon ako. Mula sa pagkakaupo ay sabay-sabay silang nagsitayuan at nilapitan ako.
"Beshy! Thank God! Naaalala mo pa ba ako?" Pagkatapos niya akong yakapin ng mahigpit ay inipit niya ang magkabilang pisngi ko sa mga palad niya. "What's my name?"
"Kinah! Para kang tanga," pinilit alisin ni Ate Love ang kamay ni Kinah sa pisngi ko. Nanatiling masama ang tingin ko sakaniya kahit nang ilayo siya. Ang sakit sa pisngi, ah!
"What? I'm just making sure! Ayokong makalimutan niya ako. Hindi niya pwedeng makalimutan ang isang tulad ko."
"Bakit naman? Ako nga kung pwede lang na mamili kung alin ang kakalimutan ikaw uunahin ko e." Sabi ni Jai.
"Talaga? Pwede naman na natin umpisahan ngayon kung gusto mo?" Irap ni Kinah sakanya.
Pinilit kong umayos ng upo pero sumasakit ang ulo ko sa konting galaw. Napahawak ako rito at napakunot ang noo nang maramdaman na may bendang nakapalibot.
"Bakit ako nakaganito?" Nagtataka kong tanong at tinuro pa ang nasa ulo ko.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko, Jaimarie! Nagka-amnesia na yung beshy ko!"
"Para kang siraulo, Kinah." Inirapan siya ni Jai tsaka ako hinarap. "Hindi mo ba natatandaan nangyari sayo?"
Inalala ko kung ano nga ba ang nangyari sakin. Ang huling natatandaan ko ay sumakit ang ulo ko. Sa sobrang sakit nito napahawak ako sa pader at—
"Tinulak ka ni Vanessa," si Ate Love kaya napatingin ako sakanya.
"Tinulak?"
Naningkit ang mata ko habang nakatingin sa pader na nasa likuran nila. I tried to remember if I felt someone pushed me from behind pero wala naman. All I know is that sumakit ang ulo ko, napahawak ako sa pader at nawalan ng balanse. That explains why I have this thing on my head.
"Oo. May nakakitang studyante na nakahandusay ka na sa sahig habang si Vanessa nasa hagdan pa." sabi ni Jai.
"What? No—"
"Don't worry. The student already reported it. I suspect they're still talking to Vanessa and his Dad or tapos na siguro. Malamang suspended nanaman yung babae na 'yon. She's crossing the line already!" Galit na sabi ni Kinah.
Tahimik lang si Ate Love na nasa tabi nila. Mukhang pinapanood niya ang magiging reaksyon ko.
What that student reported was wrong. Vanessa is being blamed on something she did not do. I can't just sit here and let her get suspended again for the second time.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^