I didn't know how I did. I just know that few weeks had passed and still our paths hasn't crossed yet. I was busy avoiding and him... I don't know. Knowing that he's friends with my classmates, specifically Blake's group, it's just impossible that I managed to avoid him for weeks.
Meanwhile, Ate... on the other side, she've met him for a few times already. Kinukwento iyon ni Ate sakin minsan lalo na kapag nagkakasabay kami umuwi. They don't talk that long but Kurt was trying to fix everything between them. Which Ate refuses to give to him.
"Ouch!"
Napahawak ako sa bandang noo ko dahil tumama ang bola roon. Napatingin ako sa court kung saan nagv-volleyball sila Kinah. Ericka gave me her peace sign.
"What was that for?!" It seriously hurt! Lalo na siguro kung sa mukha ko iyon tumama!
"Get your ass here! Hindi magkukusa ang bola na mag-magic mamaya sa laban!" Sigaw nila sakin.
Gusto ko silang irapan pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Pinagp-practice kami ngayon ng P.E teacher namin dahil maglalaban ang ilang grupo mamaya. Na-divide ang section namin sa lima. Though hindi pa namin alam kung sino ang nga kagrupo nageensayo pa rin ang iba kasama ang mga kaibigan. Katulad namin.
"Yo!"
Napalingon kami sa sumigaw. Nakita kong palapit ang grupo nila Blake samin kaya napatingin ang ibang studyante na narito sa gymnasium. Paanong hindi ka mapapalingon e both Princes and Princesses ba naman ay magsasama?
Napairap si Jai nang makita si Ian. Hindi ko alam sa dalawang 'to bakit parang lagi na lang galit sa isa't-isa.
"Anong ginagawa niyo rito?" narinig kong tanong ni Ara sakanila.
"Sali. Makiki-practice kami." si Jhersel ang sumagot.
"Manggugulo lang kayo," irap ni Jai.
"Kailangan namin makisali sainyo dahil kapag kami kami lang ayun talaga ang magulo," natatawang sagot ni Bryan.
"O sige na! Pwesto na sa kabila! At ikaw!" Tinuro ako ni Kinah. "Tumayo ka riyan!"
Tamad akong tumayo. Yung tipong parang binibitbit mo pa yung katawan mo. Napangisi pa si Blake dahil sa kinilos ko.
"O anong gagawin ko rito?" Bagsak ang balikat na tanong ko nang pumwesto na ako.
"Mag-dasal ka d'yan," si Ericka.
Nagsimula ang practice. Kalaban namin sila Blake at para pa silang mga tanga dahil nag-form pa ng circle tapos sumigaw. Si Blake naman pinapanood lang ang mga kaibigan niya na magmukhang tanga.
At first, I wasn't even paying attention. I know how to play this but I'm not in the mood for it. Pero nang matanaw ko na ang bola na lumilipad palapit sakin ay napakilos ako. Ayoko na ulit matamaan!
"Woah!"
Nagtilian sila Kinah nang tumalon ako at pinalo ang bola ng malakas kaya hindi nasapo nila Ethan. Pare-parehas silang napatingin sakin na may gulat sa mukha.
"What?"
"Gaga ka! 'Di mo sinabing marunong ka pala!" Si Kinah at inalog pa ako.
"Tss..." natatawa kong sambit.
Ilang minuto rin kaming naglaro. Natatawa ako kaya minsan nawawala ako sa focus dahil hindi marunong si Blake at John.
"Basketball na lang kesa ganito!" naiinis na si John nang siya ulit ang pag-serve-in.
Kaya buong laro kay Blake at John halos pinupunta ang bola para matuto. Tuturuan din sana nila ako pero dahil marunong naman na raw pala ako isa na lang daw ako sa magturo sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Roman pour AdolescentsCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^